"Don't you dare say that in my face!" galit na sigaw ni Banang kay Levi. Totoong galit na siya. "Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan dahil una sa lahat, ikaw ang nag-imbita sa akin dito."
"Oo! I invited you here. Pero may usapan tayo." He replied in equal tone as hers.
"Wala akong natatandang usapan natin." she snapped. "Alam mo bang para akong tanga doon kanina sa gym na naghihintay at naghahanap sa iyo. Sana, tinext mo na lang na nauna ka palang lumabas."
"Ginawa ko iyon dahil galit ako sa iyo."
"At ikaw pa ang may ganang magalit huh?"
"Karapatan kong magalit dahil hindi ka nga sumunod sa usapan natin."
"At muli kong uulitin, wala akong natatandaang usapan natin. Ano ba kasi iyon?"
He sighed and looked skyward. "Yung kundisyon na ako lang dapat ang papanoorin mo."
"My God Levi!" gulat na naibulalas niya. Hindi niya alam na seryoso pala talaga ito sa sinabi nito kahapon. "Para kang bata. Paano ko nga kasi gagawin iyon? At isa pa, kaibigan ko rin naman at kaklase ang mga teammates mo. Alangan namang sa iyo dapat nakatutok ang mga mata ko. That's absurd."
"At absurd pala ang tingnan ako."
"I am not referring to that. I am referring to the thought of doing it. Ang sinasabi mo kanina ang tinutukoy ko. Kahit mga girlfriends mo ay hindi nila makakayang gawin iyon dahil hindi naman one-on-one ang basketball."
"Wala akong girlfriend." pag-iiba nito ng usapan.
"Ok, ex-girlfriends." sagot niya na talagang binigyang diin ang 's' sa dulo. "Uuwi na lang ako. Walang kuwenta ang komprontasyong ito." Tinalikuran niya ito at naunang naglakad.
"I saw how you looked at Alexander Veneracion a while ago."
Marahas siyang napalingon dito. Mas lalo siyang nainis sa mga katagang lumalabas sa bibig ng walang-hiya. "And what do you mean by that?"
"Nakita ko kung paano mo siya tingnan. I saw admiration in your eyes."
"You're crazy!" sigaw niya. Baka kung hindi niya mapigil ang sarili ay nabato na niya siguro ito ng hawak niyang paper bag.
Natigil sila sa pagtatalo dahil biglang dumaan sina John Alexander at Evelyn.
"Hindi ito ang tamang lugar para magLQ kayo." natatawang sabi ni Alex na basta na lang sila nilagpasan. "Congrats pa rin Levi kanina. That was a great game."
"Wala kaming LQ!" pahabol niya sa mga ito nang tuluyan na silang malagpasan. Biglang dumagdag ang mga ito sa sakit ng ulo niya.
Napalingon si John Alexander at kinindatan siya. Nawalan siya ng imik bigla.
"That was exactly the one I am talking about!" wika ni Levi na nagpipigil ng galit. Malayo na sa kanila sina Alex at Evelyn.
"At ano ang gusto mong palabasin?"
"May gusto ko ba sa pangit na iyon?"
"Alexander is not ugly! At hindi ko siya gusto!"
"Hindi pala, eh bakit kailangan mo pang sabihing hindi siya pangit?"
"I am just expressing my opinion base sa nakikita ng mga mata ko."
"You are hopeless!" anito na tila sumuko na. Nagulat na lang siya nang muli itong magsalita. "At hindi ko nagustuhan ang pag-uusap niyo ni Jake kanina. "
"Kanina si Alexander. Ngayon ay si Jake na naman. Levi, ano ba talaga?"
"Kayong tatlo ang problema ko!"
"Ang babaw mo! Bakit masama ba kung maguwapuhan ako kay Alex? At masama ba kung makipag-usap ako kay Jake?"
"Oo! Ako lang dapat ang nakikita mong guwapo! At ayoko talaga ang usapan at tawanan niyo ni Jake kanina."
"Baliw ka talaga. Walang masama sa pakikipag-usap ko kay Jake dahil kaibigan ko siya. Idagdag pang kaibigan mo rin siya. And there's nothing wrong about that. Kakausapin ko ang lahat ng gusto kong kausapin. At wala kang magagawa doon."
Tumahimik si Levi. Narinig niya ang malakas nitong buntong-hininga. Then he said softly, "May gusto ka ba kay Jake?"
Tuluyan ng bumigay ang lahat ng kanyang pasensiya. He is really hopeless. "At ano ang gusto mong palabasin? Na malandi akong babae? Kanina na ay pinagbibintangan mo akong may gusto kay Alexander. Ngayon ay pati ang bestfriend mong si Jake ay dinamay mo pa. Hindi na talaga kita maintindihan."
"Talagang hindi mo ako maintindihan dahil simula pa lamang ay wala ka ng pakialam sa akin."
"It was about Alex and Jake a while ago. And now, ako na naman ang issue. Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi kita maintindihan. At anong ibig mong sabihing wala akong pakialam sa iyo? Tumingin lang ako kay Alex at kinausap si Jake ay naging big deal na iyon sa iyo, bakit ba kasi?!"
"Dahil nagseselos ako!" sigaw ni Levi. Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Ang lahat ng mga salitang gusto niya sanang sabihin ay tuluyan na niyang nalunok. Her mind suddenly stopped working. Kailangan pa niyang matahimik para maprocess ang nasabi nito.
"Wala kang karapatan." mahina pero mariin niyang sabi. "Wala kang karapatan na pagselosan ang lahat ng mga lalaking gusto kong tingnan at kausapin. First and foremost, you are not my boyfriend at hindi mo ako pagmamay-ari."
Ibinagsak ni Levi ang duffel bag nito at basta na lang siyang sinugod. Hindi na siya nakahuma nang maramdaman ang nanalakay nitong mga labi. He was giving her a punishing kiss. Marahas ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod. Ganunpaman, itinaas niya ang free arm niya at itinukod sa dibdib nito. Sinubukan niya itong itulak pero hindi niya magawa. The intensity of his kiss becomes slower, gentler, and more romantic. Thousands of sensations electified every nerve of her body. Hindi niya alam pero hindi niya yata kayang tumayo na lang. Buti na lang at nayakap siya ni Levi. Kung hindi ay baka bumagsak na lang siya bigla.
Kung kailan nakuha niya ang momentum na magrespond sa halik nito ay saka ito kumalas at siya ay binitiwan. Pareho silang naghahabol ng hininga nang mapalayo ito sa kanya ng konti. Nakatingin lang ito sa kanyang mukha. Napayuko siya dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
He cupped her face gently and lifted it slowly. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Desire was still evident in his eyes. "Then give me the right Savannah. Bigyan mo ako ng karapatang magselos."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...