85 Levi

1.6K 110 9
                                    


The kiss was no ordinary. Ayaw man niyang tanggapin ay tila iyon ang pinakamasarap na labing kanyang natikman for years. Levi's list of women he dated, he flirted with, and he'd been with is very long. Hindi mabilang ang mga babaeng nagdaan sa buhay niya pero ang mga labing angkin niya ngayon ay hindi niya maikompara sa mga nagdaan. It was the sweetest kiss ever kahit na hindi naman tumutugon ang babae. May kakaiba kasing pakiramdam na umahon sa kanya ngayon. It is something that was very familiar. Hindi niya lang kasi mabigyan ng pangalan.


Wala siyang balak na basta na lang itigil ang halikang iyon. He wanted the woman to respond. Pero kung kailan niya inaasahan iyon ay naramdaman niya ang pagtutol nito. Tila ito natauhan at magsimulang nagpumiglas. Napilitan siyang pakawalan ito.

Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha niya. Napamura siya nang malasahan ang dugo sa kanyang bibig. Nakalog ang buo niyang mukha sa lakas ng suntok nito. Hindi lang yata mukha kundi buong pagkatao niya mismo.

"S-sorry." nanginginig na wika nito. Napansin yata nito ang pagngiwi niya sa sakit ng ginawa nito.

Unti-unti niya itong hinarap. Parehong silang pinanlakihan ng mga mata nang mamukhaan ang isa't-isa. Siya ang unang nakabawi sa pagkabigla. Napatayo siya at nagsimulang maglakad-lakad. He felt agitated. Anong ginagawa ni Savannah sa kanyang cottage? Nakamasid lang ang dalaga sa kanya at tila hindi alam kung ano ang gagawin o sasabihin.

He sighed heavily. "Anong ginagawa mo sa cottage ko?"

Sa sinabi niya ay bigla itong natauhan at mabilis na napatayo. "Ikaw ang tinatanong ko dapat. Mas nauna ako dito kaysa sa iyo."

Sinundan niya ito sa paglabas ng silid. "What do you mean? Nakalock ito nang dumating ako. I have my own key. Ibinigay sa akin mismo ng staff ng resort kanina pagdating ko."

"Basta mas nauna ako rito. Kaya ito nakalock ay dahil lumabas lang ako para maglakad-lakad at magpahangin. Maghanap ka ng ibang matutuluyan."

"I have no idea on what was happening right now." giit niya kay Savannah. "Basta ang sinabi sa akin ay sa cottage na ito ako tutuloy."

"Anong gusto mong mangyari? Ako ang aalis dito? No way!" bigla itong nagalit. "Ilaw ang lalaki kaya nararapat lamang na ikaw ang aalis."

Uminit ang kanyang ulo bigla. Wala naman kasi siyang sinabi na pinapaalis niya ang dalaga. Ang gusto niya lang sabihin dito ay wala siyang alam sa nangyayari. That he has no knowledge kung bakit ukopado na pala ang cottage na ibinigay ni Yanyan sa kanya. And one more thing, anong ginagawa ni Savannah dito? Of all places, bakit dito pa sila muli nagkatagpo at bakit sa tuwing magkikita sila ay palagi na lang silang nagbabangayan? Wala na bang ibang paraan?

"Wala akong sinabing aalis ka." mahinahon niyang sabi. Ayaw niyang dagdagan ang inis na nakarehistro sa mukha ng babaeng ito. And dear Lord, he kissed her a while ago. And he liked it. Moreover, he wants to kiss her again right now. Right at this moment.

But then again, baka talagang ginalit niya si Savannah. And the kiss he just gave her, hindi kaya iyon ang isang dahilan ng biglang pag-aalboroto nito na daig pa ang malakas na bulkan? In his case, he has a larger reason para magalit sa dalaga. Dalawang beses siyang nasuntok ni Savannah. And God, it hurts. Halos nalalasahan niya pa rin ang dugo sa kanyang bibig. Yanyan would freak out kung makikita nito ang pasang namumuo sa pisngi niya. Masisira ang mukha ng 'model' nito.

Saglit siyang nacurious kung bakit biglang natigilan si Savannah. Nang harapin niya ito ay napansin niyang nakatitig ito sa kanya. He smiled sheepishly. He is naked from the waist up! The way that Savannah is looking at him right now, epic! He was never been proud of his body until this moment.

"So." naisatinig niya kasabay ng isang malakas na tikhim. He spread his arms widely. "Ehmmm. What can you say?"

Pinamulaan ng mukha ang dalaga. Binuhat nito ang backpack niya at malakas na ibinato sa kanya. Sapol na naman siya mukha. Mas lalong dinugo tuloy ang kanyang bibig. He caught his pack before it dropped to the floor.

Alam niyang napansin ni Savannah ang dugo sa kanyang bibig dahil mabilis din itong lumapit. She grabbed the pack, deposited it on the couch, and stared at him blankly. "Nangyari sa iyo?"

"Really?" he smiled in mockery. "You punched me two times. You slammed the hell of my backpack all over my face and you're asking what happened to me?"

"I don't believe you." matigas na wika nito. "Surely my fists are harmless."

"Harmless pala huh?" Napanganga siya at pinakita ang bibig na halos mapuno na ng dugo. "See that." Itinuro niya ang kanyang bibig habang nakabukas pa rin iyon.

"I have every reason in the world to punch you." mabilis nitong depensa. "Basta na lang kitang nadatnang nakatulog sa kama."

"You could have at least asked me nicely. Pagbangon ko ay isang malakas na suntok ang tumama sa akin. Lady, you are very savage. And as far as I can remember, this place is also given to me."

"Basta ako ang mas mauna dito. And one thing more, huwag na huwag kang manghahalik ng basta-basta. You're right, I am savage. And I am more harmful when it comes to a certain person like you. Pervert!"

Tumalikod ito at umusal ng mga salita na hindi na niya maintindihan. Nang marating nito ang pintuan ay narinig pa niya ang huli nitong sinabi. "I have to ask Ate Yanyan about this."

Yanyan? Anong kinalaman ni Yanyan dito? At kilala ni Savannah ang bayaw niyang iyon. Mabilis niya itong sinundan. "Hey, wait!"

Inabutan niya ito sa labas. Hinagip niya ang isa nitong kamay dahil parang wala itong balak na lingunin siya. "I said wait. I heard you say Yanyan's name a while ago."

Tuluyan na itong napatigil at humarap sa kanya. "Paano mo kilala si Ate Yanyan."

"I was about to ask you that." sabi niya.

Savannah was about to say something when they suddenly heard someone calling their names. Sabay silang napalingon mula sa nagsalita. Napansin nila si Yanyan na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Sa likod nito ay naroroon ang seryosong si Rex na nakasunod lang sa babae.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon