Anna Gracia is pressured. Nagsimula na ang Prairie sa pagbubukas ng bagong line sa business ng mga ito. Wala na ring magagawa ang banta niya na siraan ang mga ito dahil mas malakas talaga ang Prairie kaysa Craze Magazine. Boy, that company is very large at nagkamali siya ng binabangga. But she will not give up yet. Kailangan niyang lumaban pa rin.
Lumabas siya sa opisina at lumapit sa mesa ng ever reliable yet annoying niyang sekretarya. "Kathy, can you book an appointment to the CEO of Prairie."
Natigilan si Kathy mula sa ginagawa nito at saka tiningnan siya nito. Nabasa niya ang kapilyahan sa mukha ng dalaga. She already knew what her secretary is thinking. "Oy, namimiss niya ang lovey dovey niya. Anong gusto niyo maam? Ngayon na ba mismo? Magagawa ko iyan ng paraan magkita lang kayo ng poging may-ari ng Prairie."
"Kathy." she warned. "Stop being so senseless."
"Wow hah!" malakas na reklamo ni Kathy. "At senseless na pala ngayon ang ginagawa kong paglalapit sa iyo sa Prince Charming niyo. Ma'am Ganda, listen to me. And better listen very carefully. Alam niyo ba na bagay na bagay kayo ng Edward na iyon? Naramdaman ko kaagad ang spark sa una niyong pagkikita and you can't just deny na hindi mo rin naramdaman iyon ma'am. Naku, forever mo na ang pinag-uusapan natin."
"Kathy, I said stop!" sabi niya sa mapanganib na tono. "Do you know the word 'fire'? Magaling ako sa ganyan."
"Si Ma'am Ganda talaga hindi mabiro. Ok, magpapakuha ako ng appointment. Saan ang venue ma'am? Gusto niyo ba ng romantic place na may candles at roses with a live band in the background?"
"Kathy!" nahintakutang bulalas niya. "I am not asking for a date with that Prairie official. Business ang sinasabi ko dito."
"Ay, ganoon ba? Hay naku! Pasensiyahan niyo ako ma'am. Talagang nagiging makakalimutan na yata ako. Hindi kasi ako makamove-on sa love story niyo ng Edward Dantes na iyon."
"Edward Dantes?" kunot-noo niyang tanong. Ngayon lang niya nalaman na iyon ang pangalan ng taga Prairie na iyon.
"Yes ma'am. One and only. Iyan ang pangalan ng forever mo ma'am. And he owns a very large company by the name Prairie. Oh di ba, ang saya ang love story niyo."
"Kathy, can I ask you something?" out of nothing ay tanong niya sa kanyang sekretarya. Bigla siyang napagod sa pangingialam nito sa love life niya. Kung meron man talaga siyang ganoon.
"Right away ma'am." masiglang sagot nito na talagang inilapit pa ang katawan sa kanya.
"Do you have a boyfriend?"
"Wala ma'am. Masaya ako sa pagiging single ko."
"Now, I understand why. Kaya itigil mo na ang kakaproblema sa sinasabi mong love life ko na iyan. Ang sarili mong buhay pag-ibig ang problemahin mo." sermon niya dito.
"Ay." natiklong sagot ni Kathy. Agad din itong napangiti ng sobrang pilya. "Ok na ako sa pagiging single ko. Kailangang problemahin ko muna ang love life niyo ma'am. Hangga't hindi kayo nagkakatuluyan ni Prairie official ay hindi muna ako magboboyfriend."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...