Hanggang sa oras na iyon ay mainit pa rin ang ulo ni Banang dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Levi. Sinabi na sa kanya lahat ni Yanyan ang mga plano nito para paglapitin silang dalawa. Nawindang pa siya pagkatapos ipagtapat ng babae na hindi ito titigil hangga't hindi daw sila nakikita nitong ikinakasal. Hinayaan na lang niya ito sa gusto nitong sabihin. Wala naman siyang magiging kasalanan kung mafrustrate lang ito.
Muling umakyat ang init sa kanyang ulo nang maalala niya ang susunod na ginawa nila ni Yanyan kanina. Nagpasama siya rito para maghanap ng ibang cottage na maari niyang tuluyan. It turned out na wala na talagang bakante. Ang hotel ang sumunod nilang pinuntahan. At gaya ng sinabi ni Yanyan, wala nga talagang bakanteng kuwarto. Sa kanyang inis ay basta na lang niyang iniwan ang babae at naglakad-lakad muli sa beach.
Wala siyang pakialam kahit gabi na. She turned her phone off. Ayaw niyang maistorbo siya ni Yanyan. Alam niyang tatawagan siya ng babae para papuntahin sa dinner na inasikaso para sa kanilang mga modelo at crew ng Craze Magazine.
Nang mapagod siya sa kalalakad ay nagdesisyon siyang magbalik sa cottage. Kung sakaling maabutan niya doon si Levi ay mas mabuti para mapag-usapan nila ang kanilang arrangement. Kung wala naman ay mas nakakabuting itulog na lang niya at bahala na si Levi kung saan ito matutulog.
Dahil hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya ay hindi sinasadyang makabangga siya ng isang passerby. Matutumba sana siya kung hindi lang siya nahawakan ng mga malalakas na mga kamay.
Napatingala siya sa nakabanggaan niya. Kahit madilim ang paligid ay nakita niya ang mukha nito. Sa pagkakataong iyon ay nakangiti ito. "Are you ok?"
Tumango siya at pilit na kumawala sa mga bisig ng estranghero. "Thank you. At pasensiya na rin kung hindi ako tumitingin sa dinadaraanan ko. I have to go. Sorry again mister."
Tumalikod na siya at nagmamadaling umalis. Hindi pa siya nakakalayo ay muli niya itong narinig na nagsalita. "Miss! Sandali lang."
Tumigil siya at napalingon. Patakbong lumapit sa kanya ang lalaki. "Bakit?"
"You look familiar." anang estranghero at matiim na pinagmasdan ang kanyang mukha. "Have we met before?"
"I don't think so. Sorry mister, I really have to go." Pero nang tingalain niya ito ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha. That boyish look! Saan niya ulit ito nakita? Lumipad sa nakaraan ang kanyang isip at isang tao lang ang naalala niyang nagmamay-ari ng mukhang iyon. "Jake!"
Natigilan ang lalaki at gulat na gulat na napatingin sa kanya. No wonder, he's familiar. Si Jake ang nasa kanyang harapan. "Don't you remember me?"
Waring nag-isip ang lalaki. Biglang nangislap ang mga mata nito at isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaki. "Savannah! Is that really you?"
"Oo Jake." excited niyang sagot. "Ako nga ito."
"Wow! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. This is amazing surprise. So, how do you do?"
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Ilang taon na ang nakalipas mula ng huli tayong nagkita. Noong high school pa yata. What happened to you?"
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...