Ang gulat ni Savannah sa nakitang picture ay biglang napalitan ng inis. Napansin niya kasi na hindi man lang napalitan ang ekspresyon ni Levi kahit na nakita nito ang walang hiyang litratato. Parang alam na nito na may ganoong picture.
"Miss Ismael at Mister Sullivan, alam niyong bawal ang PDA sa school na ito." makapangyarihang sermon ng principal.
"PDA?!" gulat na naisatinig niya.
"Yes Miss Ismael. PDA. You don't know the meaning of that? It's a public display of affection and it is strictly prohibited in my school." muling wika nito na parang ayaw silang bigyan ng pagkakataon na umangal. "You should know that because it is highly emphasized on your student handbook page 36. Article 11, section 16 of the Rules and Regulations of Harrison University High School Department Revised Edition. What I am seeing in my computer monitor is clearly a violation of the said regulation. And your improper conduct deserves a corresponding punishment which is also stated in your Student Handbook page 37. First offense, one day suspension and disciplinary measures in the discretion of the Guidance Officer or the Principal who ever is concerned. Second Offense, three days suspension and disciplinary measures. Third or more offense, one week suspension and disciplinary measures. And for your case, it's first offense at ito ang parusang ibibigay ko."
"Teka lang Maam." sabad niya sa napakahabang linya nito na halos hindi niya naman maintindihan. "I thought we have the right to be heard and to defend ourselves from any accusations as clearly stated in the Student Handbook page 53, Article 7 and 9 of the Rights of Students of the Harrison University High School Department Revised Edition."
Napansin niyang nakatitig sa kanya si Levi and amusement is written all over his face. Ang nag-iisang dimple nitong napakalalim ay litaw na litaw. At gusto niya itong sapakin sa kawalan nito ng interes sa problemang kanilang kinakaharap ngayon.
Pumalakpak ang principal. "Very well. Very well. I am giving you ten minutes or less to talk for yourself. First, you may take this pportunity Miss Savannah, five minutes."
Nagbara siya ng lalamunan. "Maam. Ang picture po na nakikita niyo ay hindi totoo. Kung sinuman ang nagbigay niyan ay baka photoshop lang."
"Do you expect me to believe that Savannah? Isang teacher mismo ang kumuha ng larawang iyan. At hindi lang siya, pati security guard at ibang nakakita sa inyo ay may ganyang larawan din."
"Security guard?" palatak niya. Napakatsismoso naman ng security guard na iyon. "I thought istrikto siya sa pag-iinspect ng mga pumapasok, bakit nagkaroon pa siya ng oras na kumuha ng picture na iyan?"
"Don't divert the topic to the security guard Miss Ismael. Ang issue dito ay kayo ni Levi. Although, you have a point. " Nginitian siya nito. At saka ikinumpas ang kamay. "Kakausapin ko mamaya ang guard na iyan. Kaya pala maraming nakakapasok na tindera sa loob dahil sa kanyang kapabayaan."
Muntik na siyang magmura nang marinig ang sinabi nitong tindera. Naalala kasi niya na minsan ay napagkamalan siyang tindera ng guard noon. Si Levi ay naaamuse pa rin sa pagtatalo nila ng principal. Gusto niyang suntukin ito sa bibig nang tuluyang mapipi.
"Ok." the principal murmured. "Your time is up Savannah. Can I hear your side now Levi?"
Napaungol siya bilang pagtutol. Ang bilis naman yata ng kanyang five minutes. Napatingin siya kay Levi para makita kung ano ang magiging reaksyon nito at para balaan niya rin ito na magbehave. Nahuli niya tuloy na nakatingin sa kanya ang lalaki. Kinindatan siya bago nito hinarap ang principal.
"Ah, Maam, actually hindi po kami magkasintahan ni Savannah?" Tumingin ito sa kanya and his face is almost grinning. Ang sarap sarap talagang sapakin. "Crush lang po niya ko."
"What the hell are you talking about?" Halos mapatayo na siya sa sobrang galit.
"Miss Ismael, behave. I don't tolerate cussing in my office if you don't mind." Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili kaya matahimik na lang siya. Muling bumaling ang principal kay Levi. "You may now continue Mister Sullivan."
"Si Miss Ismael po ang nanghalik sa akin."
"I strongly object!" galit niyang sigaw. Napatayo na siya sa sobrang galit. "Yang unggoy na yan ay gumagawa lang ng kuwento."
"Savannah." the principal said with a warning in her voice. "Take your seat and behave kung ayaw mong basahan kita ng mga articles sa Student Manual. Huwag kang mag-alala, I will hear your side again once Levi is finished."
"Maam, totoo po yung sinabi ko." patuloy na sumbong ng walang-hiyang damuho. At siya pa ang pinapalabas nitong may kasalanan. "Si Miss Ismael po talaga ang humalik sa akin. Gulat na gulat po ako kanina. And I think I am still shocked even at this moment."
Her hatred and anger to Levi Sullivan already reached the boiling point. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niyo rito pag nakalabas na sila ng office.
"Ok, I already heared both of your sides." wika ng principal pagkatapos magsumbong si Levi dito. "And I am impressed Savannah for your courage to do that to Levi."
"You don't believe him right?"
"Oh, I am sorry hija. But I believe him. Sana ginawa mo iyon na hindi nakikita ng marami. Mga kabataan talaga, hindi kayo makapagpigil."
"I don't expect this to happen!" sigaw niya sa gulat nina Levi at ang principal. Napatayo siya at halos na maiyak dahil sa galit. Hindi niya akalain na makuha kaagad ni Levi na ito ang simpatya ng principal. Kung tutuusin ay siya ang naagrabyado rito. "I am sorry Ma'am pero magtatransfer out na lang ako sa ibang school kung ganyan ang paniniwala at tingin niyo sa akin. Mas mabuti pa po sana kung tama ang sinasabi ng butiking Levi na yan. Have a good day po."
Dinampot niya ang kanyang bag at patakbong lumabas ng opisina. Talagang aalis siya sa school na iyon kung siya ang lalabas na may kasalanan. Ni minsan ay hindi niya pinangarap na manghalik ng isang lalaki sa harap ng publiko. At ang mas malala, yang Levi Sullivan pa na iyan. No way! Over her dead sexy and gorgeous body.
Hindi na siya pumasok sa susunod niyang klase. Dumiretso siya pauwi dahil sa sobrang sakit ng damdamin niya. She can't accept her defeat. Levi is already beyond her power.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...