"Good morning." masayang bati ni Savannah sa security guard sa gate. Itinaas niya ang tali ng kanyang ID para ipakita dito na meron na siya nun ngayon. "Masaya ang umaga lalo na pag may ID ka, di ba manong?""Aba siyempre." patol ng guwardiya sa masarkasmo niyang biro. "Para hindi ka magmukhang tindera."
Nainis siya sa sinabi nito kaya nagmamadali siyang pumasok. Naisahan siya ng guwardiya na iyon. Anyway, may araw pa naman ito sa kanya. Nanumbalik ang sigla sa mukha niya. Ngumiti siya at taas-noong pumunta sa library para gawin ang kanyang assignment.
Wala pang katau-tao sa loob ng library. Maging ang mga kaibigan niya na maari niyang pangopyahan ay wala rin doon. Napaaga yata siya ng dating. Mag-isa niya lang sa library.
Pumasok siya sa lalagyan ng mga bookshelves para hanapin ang kanyang reference. Dumiretso siya sa may physics books.
"Sino bang author na kasi iyon?" kausap niya sa sarili habang nakadantay ang kanyang mga daliri sa mga libro, feeling them.
Naistorbo siya sa pagmomoment niya nang makarinig siya ng tawanan. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong library. Wala siyang makitang mga tao. Bigla siyang kinabahan.
"Hindi kaya ako minumulto?" tanong niya sa sarili sa kabila ng takot.
Muli siyang nakarinig ng mga tawanan. At nanggagaling iyon sa kabilang dulo ng library. Sa fiction section nanggagaling.
Dahan-dahan siyang lumapit kahit na nanginginig ang mga binti niya dahil sa nerbiyos. Kailangan niyang ikumpirma kung multo nga talaga ang kanyang naririnig. That way, may maisusulat naman siyang magandang article para sa school publication.
Inilabas niya ang kanyang cellphone. She needs to take photos bilang ebidensiya. Palapit na siya ng palapit. At ang mga tawanan ay palaka ng palakas.
Inihanda niya ang camera ng cellphone niya. Narinig niyang sa kabila na mismo ng shelf na kinaroroonan niya nanggagaling ang mga tawa.
Inilabas niya ang katawan mula sa isang shelf na kanyang pinagkukublihan. With the phone in her hand, she clicked the shutter button as many as she could.
Biglang natigil ang tawanan. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakakita siya ng mga multo. Totoong mga multo ang kanyang nakita!
"Agh! Multoo!" sigaw niya at patakbong lumabas sa mga bookshelves. Bumalik siya sa kinalalagyan ng mga gamit na hapong-hapo. Anong klaseng multo ang kanyang nakita? Guwapong multo ang nakita niya. At may dimple ang multo.
"May multo bang guwapo?" tanong niya sa sarili. Nagsimula na rin niyang kunin ang kanyang mga gamit.
Then suddenly, she realized something. Hindi multo ang nakita niya. Muli niyang inilapag ang kanyang mga gamit at mabilis na umahon ang galit sa kanyang dibdib. Si Levi Sullivan ang nakita niya!
Muli siyang bumalik sa kinaroroonan nito. Nakarinig siya ng impit na tawa na tila kinikiliti. Nang marating niya ang shelves na pinagtataguan ng walang-hiya ay nabigla siya sa nakita.
Sullivan is kissing somebody! At tila kilig na kilig ang babae.
"Mga bastos!" malakas na sigaw niya. Mabilis na itinulak ni Levi ang babae na tila walang nangyari.
Mas lalo siyang nagulat nang mapansin kung sino ang babae. Sino pa ba? Eh di, iyong si Kulasa na mahinhin at napaka-Maria Clara. Hindi niya maisip kung anong pumasok sa kukute nito at biglang nagpatangay kay Levi. Ang alam niya ay walang pakialam ito sa mga lalaki. At oo nga pala, student librarian ito. Marahil ito ang naassign sa araw na iyon.
Tulad niya ay gulat na gulat si Kulasa.
"Kulasa?!" aniya. "Anong ginagawa mo dito?"
Biglang namula ang mukha ng babae. Hindi nito akalain na may makakahuli sa ginagawa ng mga itong kababalaghan.
"Wait!" naguguluhang sabi ni Levi. May gana pa itong magsalita pagkatapos ng kahayupan nito. "Kulasa ang pangalan mo?! Akala ko Cassey!"
"Ah, Levi. . . Kasi.. Ano, ahmm. ." paputol-putol na sabi ni Kulasa. Hiyang-hiya ito sa nangyari.
Mas lalong tumindi ang galit ni Banang kay Levi. Isang malakas na sampal ang iginawad niya rito. "Bakit mo nilapastangan ang taong katulad ni Kulasa?"
"Ah, Savannah kasi."
"Tumahimik ka diyan Kulasa. Umalis ka muna dito at kailangang turuan ko ng leksiyon ang Levi na ito."
Mabilis na umalis si Kulasa dahil sa takot. Hinarap niya naman si Levi habang punong-puno siya ng galit.
"Anong ginawa mo kay Kulasa?"
"I don't know what you are talking about!"
"Huwag kang magmaang-maangan pa! You almost raped her."
Naningkit ang mga mata ni Levi sa narinig. Sa itsura nito ay parang gusto siya nitong kainin ng buhay. "Hindi ako rapist! At hindi ko nirerape si Cassey!"
"Sinong Cassey? Kulasa ang pangalan niya. Binilog mo siguro ang ulo niya para magawa ang gusto mo noh?"
"Excuse me Miss. Hindi ako ganoon. At isa pa, si Cas-, I mean Kulasa ang unang lumapit sa akin. She seduced me."
"Hindi ako naniniwala sa iyo. Hindi magagawa ni Kulasa iyon. Tingnan mo naman na napakahinhin niyang tao."
"Teka nga, bakit ba nakikialam ka? Sinabi ko ng si Kulasa ang nag-initiate ng lahat. Akala mo lang na mahinhin siya pero hindi."
Hindi siya pa rin naniniwala dito. Levi Sullivan was branded as number one playboy in Harrison University High School Department. Lahat ay nagagawa nito para mauto ang isang babae. Iyon siguro ang ginawa nito kay Kulasa. Maybe he showered her with sweet promises. He filled her with many compliments. In short, binola nito si Kulasa kaya pumayag ang walang kamalay-malay na babae na makipaglampungan dito.
"Napakawalang-hiya mo talaga. Pati walang kamalay-malay na babae ay hindi mo pinatos."
"Ang sabi ko, hindi ko siya inakit! I don't need to seduce any woman para mapansin nila ako." galit na singhal sa kanya ni Levi. "Siya ang lumapit sa akin kanina habang naghahanap ako ng librong babasahin. Teka nga sandali, bakit ka ba nangingilaam?"
"Isa lang akong concerned citizen na hindi gusto ang pagkatao mo."
Kumunot ang noo ni Levu sa kanyang sinabi. "Bakit galit na galit ka sa akin? Alam ko na, gusto mo na ikaw ang nilalambing ko noh? Gusto mo rin na ikaw ang pansinin ko?"
"Excuse me." gagad niya rito. "I don't need a parasite in my life. "At isa pa, hindi kita type! Pangit!"
Tumalikod si Levi at akmang iiwan siya. "Diyan ka nga. Hindi ka naman maganda, papansin."
"Hindi pa tayo tapos mag-usap!" aniya at mabilis na hinila ang kamay nito. Napalingon sa kanya si Levi. Sa bilis nito ay hindi niya nailayo ang mukha sa lalaki. His lips accidentally touched hers. Hindi kaagad sila nakapaghiwalay dahil sa pagkabigla. Then she suddenly felt Levi moving his lips against hers.
Bastos talaga ang kurimaw na ito! First kiss ko yun! sigaw ng kanyang utak. Mabilis siyang lumayo sa lalaki. At isang malakas na suntok ang pinadapo sa mukha nito.
Napahiyaw si Levi sa kanyang ginawa. "Aww! You witch!"
Susunod pa sana ito sa kanya pero mabilis siyang nakaalis sa library. Tingnan nga lang natin kung hindi magkakapasa ang walang-hiya sa ginawa niya rito.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...