Warning! ⚠️ NBA fanboying alert!
Kinabukasan ay nagsimula na si Banang sa trabah niyao. She was now Levi's official assistant. Ang unang pinagawa sa kanya ng walang hiyang lalaki ay dalhin ang mga gamit nito sa locker room ng mga athletes. He gave her unrestricted access to his locker by providing a key duplicate. Yun lang ang nagawa nitong ipagawa.Hindi rin siya tinext ni Levi nang magkaroon sila ng merienda break nang sumapit ang alas diyes. Kinuha niya ang pagkakataong iyon na samahan ang mga kaibigan. She explained to her friends what would be her arrangements with Levi. At dahil plastik ang mga ito, madaling pumayag ang tatlo with a little bit reservation from Dodong. He warned her to never ever fall in love with his Lovidabs. Which, of course, in her right mind will fulfill pants down.
When lunch break arrives, she expected that Levi would be calling or texting her. At hindi siya nagkamali. Pagkatunog ng school buzzer ay may natanggap siyang mensahe rito. Pinapapunta siya sa canteen ng college department.
Mabilis siyang nagpunta sa college campus pagkatapos magpaalam sa mga kaibigan. Dumiretso siya sa canteen. Halos puno na rin iyon. Inilabas niya ang kanyang memo pad at ballpen. Kailangan niyang maging handa palagi.
Hinanap niya ang kanyang sadya doon. Nakita niya si Levi sa isang sulok na naglalaro yata ng cellphone nito. Nilapitan niya ito at basta na lang naupo sa kaharap nitong upuan. "Hello boss."
"Nandito ka na pala." anito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Sinilip niya kung ano ang nilalaro nito. It was NBA2K. Naadik na rin ang mga kaklase niya doon kaya alam niya. Lalo na sina Miguel at Joel na siyang palaging ginagawa ng mga ito kapag hinihintay nila ang kanilang teacher. Minsan ay inaagaw pa nila sa mga ito ang cellphones para makapaglaro din. Kadalasan ay iyon ang umpukan sa classroom nila.
"Anong team mo?" tanong niya rito nang bigla itong natahimik.
"Warriors."
"Oh. Sixers ako eh, crush ko kasi si Ben Simmons. Though, gusto ko din din sina Steph at Klay sa GS. Ikaw sino ang favorite player mo?"
He paused the game and looked at her. Nakakunot ang noo nito. "Do you remember my rules?"
"Of course. Nakatatak na iyon sa isipan ko."
"Good, eh, yung terms and conditions natin, naalala mo pa?"
"Ano iyon?"
"One question per day sweetheart."
Bigla siyang nagulat sa sinabi nito. Of course, how would she forget that. Pero hindi naman iyon ang tanong niya para sa araw na iyon. Hindi pa interview iyon. "Teka lang, hindi iyon ang tanong ko sa araw na ito."
"Rules are rules. At iyon ang usapan natin. Tapos ka na sa tanong mo ngayong araw."
"Unfair ka naman!"
"Oops!" Itinaas ni Levi ang kamay nito against her face. Gamit ang isa nitong kamay inilabas nito ang wallet nito mula sa bulsa ng pantalon. He gave her his wallet. "Bili ka ng pagkain natin."
"Anong bibilhin ko?"
"Bahala ka na. Pagkain nating dalawa ang bibilhin mo. Saluhan mo ako. Hindi ako mapili sa pagkain. Kaya kita pinapunta dito ay dahil mas masarap ang luto nila dito kumpara doon sa highschool canteen."
"Ok."
Tumayo na siya at mabilis na pumunta sa bilihan ng mga pagkain. Bago pa man siya makapili ng pagkain ay natigilan siya nang marealize na ibinigay sa kanya ni Levi ang wallet nito. Nilingon niya ang lalaki mula sa kanilang table. Nang mapansing busy na muli ito sa paglalaro ay napangiti siya ng kakaiba. Pagkakataon niya iyon na masilip ang laman ng wallet nito.
Ang picture na nakalagay doon ay mukha ng isang magandang babae. Hula niya ay mama iyon ni Levi. Bukod doon ay wala ng ibang litrato.
Wala ring masyadong laman ang wallet. ATM card, credit card, cash, memory card, varsity ID, at ilang mga papel na hula niya ay mga resibo. Itinatak niya ang mga iyon sa isip niya. Mamaya ay isusulat niya ang mga iyon sa memo pad. Humugot na lang siya ng pera at bumili na ng lunch nila. Pochero at fish fillet ang kanyang binili with rice. Bumili rin siya ng fruit shake para sa dessert at tig-iisang bottle ng mineral water. Ang suwerte niya, nailibre na naman siya.
Pagkatapos magbayad ay ipinasok niya sa bag ang wallet at saka bumalik sa kanilang mesa na dala-dala ang tray ng kanilang pagkain. "Your Highness, kakain na po."
Pinanood na lang siya ni Levi habang inilalapag niya sa mesa ang kanilang pagkain. Itinabi muna nito ang cellphone at saka inabot ang sariling pagkain. Naupo na rin siya at tinitigan ang lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya talaga ang dati, oo dati niyang kaaway na kakain.
Hanggang sa sumubo ito ay hindi pa rin siya nagsimula. Napansin yata ni Levi ang kawalan niya ng imik kaya tinapunan siya nito ng tingin. "Bakit? Huwag mong sabihing, panoorin mo lang akong kakain."
"Ito na nga, kakain na nga." sabi niya para pagtakpan ang saglit na pagkapahiya. Tinikman niya ang pagkain at talagang nasarapan siya. Mamaya ay isasuggest niya sa kanyang mga kaibigan na dito na sila kakain ng tanghalian. "Masarap nga ang pagkain dito."
Hindi na sila nag-imikan. Itinuloy lang nila ang kanilang pagkain. May napansin siya kay Levi, hindi ito pala-salita habang kumakain. Ito yung tipo ng taong may ayaw sa kanilang mga magkakaibigan na kasama sa pagkain. Ang iingay kasi nila. Mas lalo sina Patring at Dodong na hanggang sa pagkain ay nagtatalo.
Kinuha niya ang isang bottle ng tubig at binuksan saka uminom habang pinapanood ang masarap na pagnguya ni Levi ng pagkain nito. Nang mailapag niya ang bukas na bottle ay iyon naman ang dinampot ni Levi. Walang sabi-sabi ay bigla nitong isinubo ang bottle. And before she could protest, he is now drinking from her bottle. Parang walang nangyaring ibinaba nito iyon nang matapos ito.
"Sayang ang tubig. Hindi ko rin mauubos ang isang iyan kaya sa iyo na rin iyan." anito saka kinuha ang fruit shake at tinusok ng straw. He began sipping. Saka lang niya napansin na natapos na pala itong kumain.
Nang matapos na siyang kumain ay wala siyang nagawa kundi ubusin yung tubig na pinagsaluhan ng kanilang mga bibig. Parang indirect kiss na nga ang nangyari. "Dadalhin ko lang ito sa dish out area."
Naunang tumayo sa kanya si Levi. "Ako na ang gagawa. Ikaw naman ang bumili eh." Kinuha nito ang kanilang pinagkainan at ibinalik sa tray saka dinala papunta sa dish out area. Naiwan siyang may pusong kumakabog ng paglakas-lakas. Grabe, hindi niya nakayanan ang pagkagentleman ni Levi kahit sabihin pang siya ang may responsibilidad niyon.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...