63 Levi

1.6K 99 23
                                    

Walang balak si Banang na magbakasyon. At wala siyang balak na pakawalan ang camera niya kahit isang buwan lang. Kaya nagdesisyon siyang pumayag sa gusto ng kanyang boss.


She accepted working with the department in charged with celebrities. Kahit pakiramdam niya ay nademote siya ay wala na siyang magagawa pa kesa naman mangalawang ang kamay at camera niya ng isang buwan. Hindi niya yata kaya iyon. Tatlong araw na siya doon sa linyang iyon at nakaka-survive naman siya.


Kagabi ay sinamahan niya ang ilang mga colleagues niya sa isang concert ng isang international band. Hindi lang ang pagkuha ng mga larawan ang kanilang gagawin doon. They are obliged to enjoy the concert as well. In fairness, nag-enjoy naman siya talaga. It was the first concert she had attended at masaya siya sa outcome ng event.


Talagang nag-enjoy siya. Talagang patalun-talon sila ng mga kasama niya nang makalabas sila ng venue. Hindi lang magagandang pictures ang nakuha nila kundi magandang experience na rin. Narealize niya na masaya para sa pakiramdam ang pag-attend ng mga ganoong event. Sigurado siyang uulitin niya ang muling pagpunta sa mga concerts.


Ngayong gabi naman ay isa siya sa na-assign na magko-cover sa birthday ng isang sikat na Pinay celebrity. Ayaw na ayaw niya ang pagpunta sa isang sosyal na event pero wala na siyang magagawa pa. Naka-oo na siya sa mga kasama niya. Apat silang lahat na pumunta doon. Tatlo silang babae-siya, si Dana at si Cybel. Ang ikaapat naman ay si James. Of course, they are dressed appropriately for the event. Magkasabay silang pumunta sa venue ng event na isa sa pinakasikat na hotels sa bansa. They are riding one of the company's vehicle.


Nang marating nila ang event ay sinabi na kaagad ni Dana ang lahat ng mga instructions. Ito ang tumatayong team leader.


"Savs, sa entrance ka. You should take every photo of the guests that are coming. Ikaw naman James ay all-around. Record the event with your videocam as we have agreed earlier. Cybel is with you. Siya naman ang mag-i-interview sa lahat ng mga interesting na celebrities mas lalo na ang birthday girl. Ang focus ko naman ay sa celebrant. Ako ang na ang bahalang tumutok sa kanya at sa lahat ng mga taong mapapalapit dito."


"Areglado boss!" sabay-sabay nilang biro sa kanilang kasama.


"Good." sang-ayon naman nito na pinatayan ang biro. "Tara, pasok na tayo."


Maaga sila dahil iyon ang inaasahan. Katunayan nga niyan ay hindi pa nagsisimula ang party. The birthday celebrant loves publicity kaya ine-expect nito na maraming media people ang dadalo. Pumasok sila sa loob at pumuwesto sa kani-kanilang mga puwesto. Meron na ding ibang media men doon mula sa iba't-ibang kompanya.


Pagkatapos masigurong ok na silang apat ay nagkanya-kanya na sila. Pinili ni Banang ang pinakamagandang spot sa entrance at doon niya ipinuwesto ang kanyang tripod. Hindi siya umalis sa posisyon niya. Nagsimula ng magsidatingan ang mga bisita. The venue is smelled of elegance and prestige. Buti na lang at nakibagay ang suot niyang off shoulder black dress. Kahit ayaw na ayaw niyang nagdadamit ng ganoon ay buti na lang talaga at napilit siya nina Cybel at Dana. Kung sakali ay baka mapagkamalan siyang nawawala sa party.


Hindi siya tumigil sa pagpindot sa shutter button ng kanyang camera. Flashes of light are everywhere as the guests appear in the hall. It was star-studded. Nagsidatingan ang mga nagsisikatang mga artista. Maging si Banang ay hindi makapaniwala na nakikita niya ngayon sa personal ang mga napapanood niya lang sa telebisyon. Ngayon lang niya nalaman na nakakaoverwhelm pala ang ganito. Pero hindi niya pa rin ipagpapalit ang escapade niya. She prefers her original- the life-threatening photography.


Tumigil na lamang si Banang nang mapansing karamihan sa mga guests ay nakarating na sa venue. Wala na kasing masyadong pumapasok. That was when she decided to lift her face. Might as well, enjoy the party. Natapos naman niya ang pinapagawa sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Napansin niya sina Cybel at James. They are still doing their own crop. Maging si Dana na hindi na hiniwalayan ng camera nito ang birthday girl.


That was when somebody approached her.


"Hi." came the voice that is so suave. Umangat ang kanyang mukha only to find herself staring at the most beautiful creature that night. It is Quinn. The most popular and talented movie star. Napakaguwapo nito sa suot nitong black and white suit. And he is wearing a very affecting smile. Tumingin siya sa kanyang paligid para siguraduhing siya ang tinitingnan nito. Wala naman siyang nakitang ibang tao na tinitingnan ng binata.


"H-hello." nauutal niyang sambit. "A-are you somehow referring to me."


Tumawa ito and it give chills to the deepest of her stomach. Musical is not enough to describe his laugh. "Fortunately I am. You are the most beautiful lady in this room."


Natawa na rin siya. Ganoon ba lahat ng mga artista, mga bolero. "Tell that to the celebrant and she will freak out."


"At wala siyang magagawa dahil ikaw talaga ang napansin ng mga mata ko." muli nitong sabi na hindi mabawasan ang pagkakangiti. "I am Quinn by the way." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya.


Tinanggap niya naman iyon. Tumawa siya ng bahagya. "As if I don't know. I'm Savannah."


"As if I don't know." he mimicked her. Again, a laugh escaped from him and reached her ears in a very pleasant way. "I know you're the daredevil. Your photographs amaze me so much."


"Do you really mean that or you are just trying to sweep off my feet?"


"Of course, I meant it. Katunayan nga niyan ay meron akong kopya ng mga newspaper na kinalalagyan mg photographs mo."


"That's weird. Pangit ang mga subjects ko."


"Not suitable for a lady like you. But those photo displays your creativity and professionalism."


"At anong alam mo sa photography?"


"I have my photography classes before I had my career in showbiz kaya may alam ako sa expertise mo."


Bigla siyang natuwa sa pakikipag-usap dito. He is very friendly at gusto niya ang paraan nito ng pakikipag-usap sa kanya. Doon niya napansin na may bagong dating. "I'll just have to take this." aniya at kinuhanan ng larawan ang bagong dating na hindi naman niya talaga kilala. 

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon