Banang sighed heavily. Mahahaba at mabibigat ang kanyang hakbang habang paakyat siya sa opisina ni Rex. Masakit na masakit ang kanyang kalooban. Sa mga nangyayari sa buhay niya ay kinailangan niyang humingi ng bakasyon sa trabaho niya.
Mula noong high school batch reunion nila ay sunod-sunod na kamalasan ang dumating sa kanyang buhay. Una sa lahat ay iyong magising na lang siya isang umaga at malamang natulog sa sarili niyang kama ang pinakaayaw niyang tao. She does not trust him at hindi siya naniniwalang hindi siya pinagsamantalahan ni Levi. He may not have 'raped' her pero alam ni Banang na tsinansingan siya nito. Kabisado na niya ang likaw ng bituka ng lalaking iyon.
Mabilis na rin naman niya itong napatawad dahil nagprepare pa ito ng masarap na breakfast para sa kanya. Nagkausap pa sila ng masinsinan at nagkapatawaran sa anumang pagkukulang nila sa isa't-isa noon.
The moment Levi left her house that morning ay umasa siyang magiging maayos na ang lahat sa kanila. Umasa siyang sana maging magkaibigan na lang sana sila ulit. Pero umasa lang siyang talaga.
Bakit? Eh, ilang araw na kasi ang nakalipas ay wala na siyang naging balita sa kumag na iyon. Akala pa man din niya ay may ibig sabihin ang halik na iniwan nito. Nauwi lang naman iyon sa maling akala.
Isang araw ay natiyempuhan niya ang kaibigan nilang si Joel. Nagkakayaan sila na magkuwentuhan. She enjoyed her moments with Joel. Pero ang magandang hangarin niyang pakikipagkuwentuhan kay Joel ay nauwi sa pagkakaroon ng alitan ng binata at ni Levi. Well, sinabi lang naman iyon sa kanya nina Ryan at Pacoy. Nagtsismis sa kanya ang dalawa na muntik na raw mag-away sina Joel at Levi nang dahil sa kanya. When she asked them why, nobody gave her the real reason. Ang sinabi lang ng dalawa ay bahala na raw siyang magfigure out nun.
Mas nadagdagan pa ang kanyang kamalasan nang madiskubre niyang palagi siyang sinusundan ng binata. Nang minsang makalapit ito at tinanong niya kung anong kailangan nito ay wala itong masagot. Kadalasan ay trabaho na niya ang napeperhuwisyo.
Ang pinakamalalang nangyari ay ang nangyari kahapon. Nagkita kasi sila ni Joel tulad ng usapan nila noong huli nilang pagkikita. They agreed to meet again to talk about Joel's proposal na siya ang kukunin nitong official photographer nito para sa mga gagamiting campaign posters para sa charity organization ng binata. Naging maganda naman ang kanilang pag-uusap. Nang maungkat niya rito ang tungkol sa alitan ng dalawa ni Levi ay hindi na ito nakapagsalita. Bigla kasing lumitaw si Levi mula sa kung saan at basta na lang sinuntok si Joel. Sa kanyang galit ay napatayo na lang siya at isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ng binata. Bago pa man ito makarecover sa kanyang ginawa ay hinila niya si Joel at nagmamadali nilang iniwan si Levi na hinahaplos ang nasaktang mukha.
Kaya siya napasugod ngayon sa opisina ni Rex ay gusto niyang humingi ng isang linggong bakasyon. She needed to take a break from the stressful memories that Levi caused her. Malakas ang ginawa niyang pagbukas sa pinto ni Rex kaya nagulat pa niya ang kanyang boss.
"Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa." diretsa niyang pahayag sa gulat na gulat pa rin niyang boss. "I am having a break."
"As much as I have wanted for you to have a vacation, I am not allowing you kung ganyan ka makipag-usap sa akin ngayon." kalmadong sagot nito. "You came in to my office like you just have lost a battle."
Napabuntong-hininga si Banang at walang seremonyang napasalampak ng upo sa couch ng kanyang boss.
"What's the matter?"
"Wala." kaila niya. "Gusto ko lang magbakasyon. I am talking about days, maybe a week."
"Does this have to do with my cousin?"
"Who is your cousin?"
"You know who I am referring to." Rex replied in equal sarcasm. "Si Levi ba?"
"No!" mariing reklamo niya. "It's really my decision. Gusto ko lang talagang magbreak."
"Alam mo bang nagsusumbong si Levi sa asawa ko?"
Napatitig siya sa kanyang boss at pilit na inalam kung ano ang gusto nitong iparating. She groaned silently. "Wala akong pakialam kung anuman ang isumbong niya kay Ate Yanyan."
"May pasa siya mukha at sinabi niyang kagagawan mo raw iyon. I never doubt your power pero hindi ko inaasahang magagawa mong sirain ang mukha ng pinsan kong iyon."
Mas lalong naningkit ang kanyang mga mata sa galit. Sumbungerong unggoy ang Levi na iyon. At bakit, mama ba nito si Yanyan at para magsumbong dito. "Serves him right."
"Ano ba talaga ang pinag-aawayan niyo? Akala ko ba ok na kayo noong high school reunion niyo?"
"Akala ko rin." Bigla siyang natigilan nang magsink in ang sinabi ni Rex "Teka, paano mo nalaman ang reunion na iyon."
"Kinakutsaba ni Yanyan ang Mama para i-organize ang event na iyon. Sinabi sa amin ni Mama na ok lang naman daw ang pakikitungo niyo ni Levi sa isa't-isa."
"So you are saying na pakana pala ni Ate Yanyan ang event na iyon?"
"Basically."
She was left speechless. Ayaw na niyang magsalita pa at kung ano pa ang kanyang masabi. Inulit na lang niyang sabihin ang una niyang sadya doon. "I really need my break and I am starting now. Anyway, I have to go."
"Savannah, sandali!" pahabol sa kanya ni Rex bago pa man siya makatalikod.
"Bakit?"
"Bakit hindi niyo na lang ayusin ni Levi kung ano ang iyong hindi pagkakaintindihan. Alam mo bang pinipilit ako ni Yanyan na paglapitin kayo ng pinsan kong iyon. Ako ang sinisisi niya kung bakit daw kayo nag-aaway ni Levi."
"At bakit ka naman niya sisisihin?"
"Dahil daw masyado kitang binibigyan ng trabaho kaya hindi mo napapansin na tumatanda ka ng walang boyfriend."
"That's lame."
Napatayo na si Rex at naglakad-lakad. "It's true. Alam mo bang ayaw niyang lapitan ko siya mula nang malaman niyang hindi kayo bati ni Levi?" Biglang napalitan ang mukha nito at parang tumanda ng ilang taon. Para ba itong nalugi sa sarili nitong negosyo. "At habang hindi kayo bati ay hindi ako makakalapit sa kanya. That means, I can't hold her. So walang-wala. No holding, no kissing, and most of all no sex. At ilang araw na siyang ganoon sa akin. Kaya makipagbati ka na kay Levi para naman makalapit ako sa asawa ko. Matitiis mo ba ang pinakamamahal mong boss? Maaatim ba ng konsensiya mo na wala kaming sex life ni Yanyan for weeks?"
Gusto na lang niyang matawa sa pinagsasasabi ni Rex. Nakadepende pa pala sa kanya ang pagkasalba ng sex life nito. "Alam mo Boss Pogi, niloloko at pinaglalaruan ka lang niyang si Ate Yanyan. I have to go boss. At salamat na rin sa bakasyon."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...