50 Levi

2.1K 144 15
                                    



"Bigyan mo ako ng karapatan para magselos." muling ulit ni Levi nang hindi siya masagot ng babae. Nanatiling nakikipaglaban ito sa kanya ng titigan. He would always love to be in their position right now, yung natitingnan niya ng mabuti ang mukha nito, if it would not be their situation right now.


Nararamdaman pa rin niya ang galit nito sa kanya. And he does not care ang tanging laman ng kanyang utak ngayon ay yung halik na ibinigay niya dito kanina. Kung siya ang masusunod ay gusto na sana niyang maulit iyon, ang mahalikan itong muli. Mamaya niya lang isipin ang galit nito. He wanted to hear her response first.


"Savs." mahina niyang sambit habang pinapanood ang mukha nito. Bigla siyang kinabahan at inisip na sana hindi na lang siya nagtanong. Hindi pala siya handa na malaman ang totoong nilalaman ng puso nito.


Slowly, her lips moved and God knows, how much resistance he had put on himself para hindi niya mahuli muli ang mga labi nito.


"I don't know what you mean." she uttered in a trembling voice.


He sighed. "I want to ask you something very important. Mas importante pa ito sa mga interview questions mo sa akin."


Hindi sumagot si Savannah bagkus ay nakipaglaban pa rin ito sa kanya ng titigan. Halatang naghihintay ito sa kanyang tanong.


He sighed again, looked away, bit his lips then returned his gaze at her face. "Will you be my girl?"


Nanlaki ang mga mata nito. Parang biglang nagkaroon ng malaking question mark sa mukha nito. Mas lalong kinabahan si Levi. Habang umaandar ang oras na wala itong sagot ay parang nawawalan siya ng pag-asa.


"Why?"


Ngayon ay siya naman ang nabigla sa naging sagot nito. Ang inis niya ay mas lalong nadagdagan. He gritted his teeth. "Why? Really? Why? I just told you that I am jealous of Alex and Jake. Hindi pa ba sapat iyon?"


Kumawala ito mula sa kanyang mga bisig. "Dahil nagseselos ka lang kina Alexander at Jake ay gusto mo na akong maging girlfriend. I am sorry Levi pero hindi sapat iyan na dahilan para maging boyfriend kita. I guess I have to go."


Tumalikod ito at nagsimulang naglakad. Naiwan siyang parang tanga. The girl that means so much to him just turned her back to him. "Sav sandali."


Hinabol niya ito at niyakap sa likod ng mahigpit. He buried his face on her neck and sniffed her exotic smell that made him crazy this past days. Napaungol si Savannah sa ginawa niya.


"Let go of me." matigas nitong sabi.


"I can't." sagot niya sa dalaga. "Hindi mo kasi ako naiintindihan eh. Bakit ba nagseselos ang isang lalaki?"


Natahimik ito bigla. Parang inisip pa nito ang sagot sa kanyang tanong. "D-dahil may gusto siya sa babae."


"Exactly." he said frustratingly. "Nagseselos ako sa mga lalaking nakakausap mo dahil gusto kita. No, I am going to change that I am jealous of those boys because I love you."


"That's impossible!" reklamo nito. "Hindi ako naniniwalang mahal mo ako."


"Girls." Levi tsked. "Kanina nang hindi ko sinabi na mahal kita ay ayaw mo akong maging kasintahan at ngayong sinabi ko ang totoong nilalaman ng puso ko ay hindi ka naman naniniwala."


"Ang ibig kong sabihin ay paano mo ako naging mahal?"


"Kailangan pa ba ng dahilan para magmahal ang isang tao? If that's the case, I am sorry pero hindi ko masasagot iyan. Ako man ay hindi ko maintindihan kung bakit mahal kita. Nagising na lang ako isang araw na gusto kang makasama. Na naiinis ako pag nakikita kong may kausap o kasama kang lalaki. Na sana ay ako na lang ang kasama mo palagi. Na sana sa akin mo lang itinutuon ang pansin mo. Ngayon, tell me, kailangan pa ba ng dahilan para makaramdam ako ng mga ganyan. I love you and that is all that matters. Kaya sabihin mo sa sakin muli kung ayaw mo talaga akong maging kasintahan and I will let you go."


"I am afraid." She admitted. "Marami kang naging girlfriends at natatakot ako na maging katulad ko sila. Paano pag hindi mo pala talaga ako mahal?"


"That is crazy!" galit niyang sigaw. "I had many girlfriends but believe me, ikaw lang ang sinabihan ko ng 'I love you'. And I meant eveything I said. At magmula ng hilingin kong ikaw ang mag-iinterview sa akin ay wala na akong naging girlfriend. Dahil ikaw lang ang babaeng nasa buhay ko sa pagkakataong iyon hanggang ngayon."


"I don't know what to say. Napakabilis ng mga pangyayari."


"I don't care what you will say sweetie. Sabihin mo na lang kung mahal mo ako o hindi at kung gusto mong maging girlfriend ko."


"Yes, I want to be your girl."


Hindi na napigilan ni Levi ang kanyang sarili at mas lalo niyang niyakap si Savannah ng mahigpit. Inikot-ikot niya ito sa ere sa sobrang katuwaan.


Muli niya itong ibinaba at ipinaharap sa kanya. "I want you to say those words again. This time, look into my eyes. I want to see your sincerity."


Umangat ang mukha nu Menggay hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. "I love you Levi."


Tuluyan na siyang napangiti. "I love you too. From now on, you will be my girl. And you are exclusively mine. Iyong-iyo rin ako."


Bumaba ang kanyang mukha at muling inangkin ang mga labi ni Banang. The kiss is so full of love, happiness, and possessiveness. Ngayon, may karapatan na siyang pagselosan ang mga lalaking iba ang tingin at pakikitungo sa babaeng kanyang minamahal.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon