Yanyan is extra excited na pumasok sa school. Narealize niya kasi na maraming nagawa si Rex para sa kanya sa mga nakalipas na araw kaya napag-isip-isip niya kagabi na igawa niya ito ng sandwich. At talagang maaga siyang nagising kaninang umaga para i-prepare ang sandwich nito.Actually, hindi ito first time na gawin niya. Yun talaga ang ginagawa niya para pampalubag-loob sa kaibigan. Kung may atraso siya sa lalaki ay sinusuhulan niya ito ng pagkain. At sandwich ang gustong-gusto nito.
Pakanta-kanta pa si Yanyan habang naglalakad sa Harrison Univ. Campus. Bitbit niya sa left hand ang ginawa niyang sandwich. And she prepared herself properly. Inayos niya ang kanyang buhok na matagal niyang sinuklay. Sinigurado niya ring maayos ang suot niya.
Puntahan na lang niya si Rex sa pinakaoffice ng mga ito. Hindi kasi ito nagrereply sa kanya. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag niya. At kung ganoong hindi sila magkasama ay sa 'The Volition' ito nagtatambay. Yun ang pangalan ng official publication ng Harrison University.
Malapit na siya sa office nina Rex nang makarinig siya ng mga pag-uusap. Bigla siyang natigilan sa paglalakad at naghanap ng makukublihan. Si Rex kasi ang palabas ng office. Kasama nito ang isang babaeng writer din ng school paper. Naaalala niyang Toni ang pangalan nito.
Biglang umahon ang galit sa dibdib niya sapagkat wagas ang tawanan ng dalawa. Hindi ganoon si Rex pag magkasama sila. Kahit anong gawin niyang pagpapatawa rito ay hindi ganoon ang tawa ng kanyang kaibigan.
"Joker ka pala." Narinig niyang wika ni Toni. Biglang sumiklab ang paninibugho sa puso niya. Ano iyong sinabi ng babae? Si Rex, joker? Kailanman ay hindi nagjoke si Rex sa kanya. At itong si Toni ang unang nakaranas ng joke nito!
"Hindi naman." sagot ng lalaki kay Toni. Mula sa kanyang pinagkukublihan ay nakita niya ang bitbit ni Rex na paper bag ng Goldilocks. Mini-cake yata ang laman.
"Sana maapreciate mo iyang ibinigay ko sa iyo." Ininguso ni Toni ang hawak-hawak ng kaibigan niya na. So, ito pala ang nagbigay niyon. At bigla siyang nanliit nang mapagmasdan niya ang home-made sandwich niya. Ano naman ang laban ng sandwich sa cake ng Goldilocks?
Bago pa man niya masugod ang mga ito ay pinili niyang umalis na lang. Baka makapatay siya ng tao. "Hmp! Atleast pinaghirapan kong gawin itong sandwich. Hindi katulad ni Toni walang effort. Binili niya lang naman ang cake na iyon." Sorry na lang sa Goldilocks, mas prefer niya ang sarili niyang gawa. Mangiyak-ngiyak siyang pumunta na lang sa canteen. Magsama sina Rex at ang Toni na iyon. Isama pa nila ang Goldilocks cake na binili ng babae.
Pinili niya ang bakanteng table sa gilid ng cafeteria. Doon na lang siya mag-emote at isumpa sina Rex at Toni. At ang Goldilocks cake.
Inilapag niya sa table ang dala-dala niyang pagkain. Pagkatapos ay nangalumbaba siya sa mesa habang tinititigan ang sandwich. Kung puwede lang sanang kausapin iyon para mawala ang lungkot na nararamdaman niya. Maybe, napuno na sa kanya si Rex. Baka nagsawa na ito sa pagpapagawa niya rito ng kanyang assignments.
"Akin ka na lang." puno ng malasakit na sabi niya sa sandwich. "Ayaw sa iyo ng pagbibigyan ko eh. Sorry na hah?"
Mula sa paper bag ay inilabas niya ang lunch box na pinaglagyan niya ng sandwich. She sighed again while staring at the food. "Sorry, ako na lang ang kakain sa iyo. Kalimutan na natin si Rex. Mas gusto niya ang Goldilocks ni Toni. Dibale ako ang gumawa sa iyo. Hindi tulad ng kay Toni na binili niya lang." Hindi niya napansin na paulit-ulit na lang ang kanyang mga sinasabi.
She sighed again while staring at the food. Mabibigat ang kamay na binuksan ang lunch box. Kumuha siya ng isang piraso ng sandwich. Muli siyang nag-emote at unti-unting dinadala sa bibig ang sandwich. She was about to take a bite when a firm and strong hand gripped her arm that was holding the sandwich.
"Akin yan!" narinig niyang wika ng kararating lang. Kinuha nito mula sa kanyang kamay ang sandwich. Ibinalik nito iyon sa lunch box at mabilis na tinakpan saka inilayo sa kanya. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."
"Anong ginagawa mo dito Rex?" gulat na tanong niya, hindi pa rin siya nakakarecover sa ginawa nito sa sandwich niya. "Bakit mo iniwan si Toni?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Hinahanap nga kita eh. Muntik mo ng kainin ang sandwich ko." naghihinampong sabi nito. "Buti at naabutan pa kita at hindi mo naubos."
Ito pa ang may ganang magreklamo. "Ibalik mo sa akin iyan. Pagkain ko iyan eh. Bumalik ka na nga sa Toni na iyon."
"Sa akin mo naman talaga ibibigay ang sandwich. Kabisado na kita. At isa pa, bakit mo ba palaging isinisingit si Toni sa usapan natin kanina?
"Wala lang. Gusto ko lang. Bakit ba ayaw mong ibalik iyang pagkain ko?"
"Wala lang din, gusto lang."
"Yang Goldilocks na lang na binili ni Toni ang sa iyo. Akin na iyang sandwich ko. Pinaghirapan kong gawin iyan."
"Nakit mo kami kanina ni Toni?"
"Naku, hindi ah."
"Eh bakit alam mo na ibinigay niya itong cake sa akin."
Saglit siyang napipi. Mabilis siyang nag-isip ng idadahilan. "Wala lang, hula ko lang."
"Weh? Nakita mo kami kaya ka nagtatampo." nakangiting wika ni Rex. Iniabot nito ang hawak nitong paper bag. Yung Goldilocks.
"Aanhin ko ito?" gulat na tanong niya.
"Inumin mo." ani Rex. Ewan ba niya kung joke nito iyon dahil matigas ang mukha. "Para sa iyo yan. Ikaw ang mahilig sa cake."
"Bakit ko naman ito kakainin? Galing kaya ito sa babae mo."
"Ayoko niyan." sagot nito. Mabilis nitong itinuon ang tingin sa gawa niyang sandwich. Napansin niya ang pagluwa ng mga mata nito na tila excited kainin iyon. "Mas gusto ko itong sandwich. Hindi lang dahil masarap kundi ikaw pa ang gumawa. Alam mo namang gustong-gusto ng tiyan ko ang mga luto at gawa mo."
Mabilis na naglaho ang kimkim niyang tampo sa lalaki. Ang sigla niya ay kaagad na nagbalik. "Talaga?"
"Oo naman. At alam mo iyan. Kainin ko na ito ah." Nakita niya kung paano nito binuksan ang lunch box. Kinuha nito ang sandwich at mabagal na dinala sa bibig. She is studying his face to see what would be his reaction. Success! Napansin niyang nasarapan ang kanyang kaibigan. "T-tsarap!"
Taas noo niyang inirapan ang Goldilocks cake. Pero mabilis niya rin iyong inilabas at siya na ang kumain. "Hmp!" she whispered. "Sorry na lang Toni, he preferred my home made sandwich kaysa sa Goldilocks na binili mo."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...