8 Levi

2.8K 138 4
                                    



Muntik ng maiyak si Banang dahil sa nangyari. Hindi siya makapaniwala ma hindi na virgin ang mga labi niya. That was her first kiss for crying out loud! At hindi niya matanggap na kay Levi Sullivan pa niya ibinigay iyon.


Excuse me hah, hindi ko ibinigay! Yang kulugong Levi na yan ang nagnakaw! Ngitngit na ngitngit siya rito. Ang pangarap niyang first kiss ay iyong romantic. Yung tipong nag-uusap sila ng lalaki. Nagtama ang kanilang mga paningin. Kapwa sila natigilan. And she uttered his name. He did the same. Unti-unti nitong inilalapit sa kanya ang mukha nito. She closed her eyes. Then she felt his sweet sweet and soft lips on hers. Ganoon ang gusto niyang first kiss.


Pero bigla siyang natigilan. Si Levi ang lumalabas sa isip niya habang iniimagine niya ang eksenang iyon.


This is not happening! sigaw ng kanyang utak. Malamamg si Levi ang lumabas sa isip niya dahil ito ang nakauna sa kanyang labi.


Tama. Kaya hindi na ako mapapraning. -Si binibining konsensiya. Pilit niyang inalis ang nangyaring insidente na iyon sa kanyang isip. Ayaw niyang i-terrorize ang kanyang utak nang dahil lamang sa isang kasuklam-suklam na nilalang.


Pero first kiss yun eh. Muling singit ng kanyang konsensiya. At hindi lang basta basta ang mahalikan. Lalo na pag kaaway mo pa ang humalik sa iyo. Masakit iyon.


"Behave Savannah!" saway niya sa sarili. "Kalimutan mo na lang ang nangyari. Mananalo si Levi pag dinadamdam mo ang walang kuwentang halik na iyon."


Pagkatapos sermunan ang kanyang sarili ay taas noo niyang itinuloy ang paglalakad papunta sa classroom. Saka na niya pagluksaan ang labi niyang pinagsamantalahan ng walang pakundangang lalaki. Maghihiganti siya for sure. And Levi Sullivan will not like it definitely.


She let out an evil laugh in her mind. Saka lang niya narealize na hindi pa niya natatapos ang assignment niya sa Physics.


"Oh no!" aniya na biglang nag-alala. "Kasalanan ng Levi na iyon pag nabagsak ako sa Physics." At ang sinabi niyang pagtanggal kay Levi sa kanyang isip ay tuluyan ng naglaho. Her mind was easily conquered by that person and the kiss he gave her.


Buti na lang at pagpasok niya sa classroom ay nandoon na si Dodong. Ang iba nilang mga classmate ay ayun at abala rin sa pangongopya ng assignment.


"Dodang so beautiful." wika niya sa kaibigan. Kailangan niyang utuin muna ito bago niya mahuthutan ng assignment. "Ang ganda-ganda mo today."


"Ah huh?"


"Hindi ka ba natutuwa na maganda ka ngayon?"


"Ngayon lang?"


"Of course not. You are beautiful everyday. May kakaiba ka kasing aura today. At ang aura mo ay singganda ng panahon. Very bright."


"Talaga maganda ang aura ko?"


"Oo DodAng." she emphasized the letter 'A' para makuha niya ang buong atensiyon nito.


"Talaga. Para bang aura ng willing magpakopya ng assignment?"


Nanlaki ang mga mata niya. "Tumpak! Natumbok mo ang gusto kong iparating. Ang galing mo talaga. How did you know it?"


"Tse! Kung mangongopya ka ng assignment, hindi kailangang utuin mo pa ako." Hinila nito ang papel nitong napapatungan ng file case na pink. "Ayan dalian mo dahil marami yan."


Kinuha niya ang papel at hinalik-halikan. "Thank you so much. Blessing ka talaga para sa akin. Promise hindi na kita aapiin. Tutulungan kita sa photography project mo sa Arts."


"Mangopya ka na lang diyan. You don't need to keep promise dahil hindi mo rin tutuparin."


Napangisi siya ng pagkalawak-lawak. "Sabi ko nga, mangongopya lang ako. Bago pa magbago ang isip mong punong-puno ng kahalayan."


"Isa."


"Oo na, mangongopya na talaga."


Bago pa siya makapagsimula ay humahangos na pumasok si Patring. Mabilis nitong inagaw ang papel sa kanya ni Dodong. "Pakopya ako."


"Patring! Hindi pa ako tapos!"


"Bahala kayo diyan!" narinig niyang wika ni Dodong. "Lalabas lang ako baka matiyempuhan ko si Lovidabs sa labas."


Muntik niyang hubarin ang kanyang sapatos at ibato sa kumekendeng-kendeng nilang kaibigan.


*****


"What did you do to your precious face?" nakatawang tanong ni Ryan kay Levi. "Nangasul pare."


Sa sinabi ng kaibigan ay biglang naalala ni Levi ang pakialamerang babae kanina sa library.


"Huwag mong sabihing nakipag-away ka pare." Si Jake na amused na amused na nakatingin sa pasa niya. "Dapat ay tinawag mo kami para hindi ka nagkapasa ng ganyan."


Samantala, si Pacoy ay tahimik lang pero alam niyang pinagtatawan siya nito. Nakakabuwisit kasi yung babaeng iyon. Pag nakita niya iyon ay hindi siya magdadalawang isip na gantihan ito.


Imbes na masuklam siya lalo sa dalaga ay ang ala-ala ng aksidenteng paglapat ng kanilang mga labi ang sumakop sa kanyang kaisipan.


He admits the girl's lips send him a different feeling kanina. Napakalambot ng mga labi nito. Naalala niyang nalasahan niya ang lipgloss nito. It tasted like a sweet bubble gum. At ang mga labi nito ay tila gummy bears sa sweet. Napangiti siya ng wala sa oras.


"Oy tol, napapangiti ka diyan mag-isa." sita sa kanya ni Pacoy. "Share naman diyan."


"At kakaiba ang ngiti mo pare. Parang ngiti ko yan pag nakikita at naaalala ko si Patring. Are you in love?"


Isang suntok sa balikat ang pinakawalan niya kay Ryan. "Gago ka pare. In love kaagad? Hindi ba puwedeng may naisip lang ako?"


"Puwede rin tol." pakikisakay naman ni Jake. "Pero yung lovey doves mo ang naiisip mo noh?"


"Ewan ko sa inyo. Huwag niyo nga akong idamay sa mga kakornihan niyo."


Bigla silang natigilan nang marinig ang mga tawanang papalapit sa kanyang kinaroroonan. Napabaling siya sa mga ito at nangunot ang kanyang noo nang mapansing yung babae kanina sa library ay kasali sa grupo ng tumatawa. May kasama itong bakla at yung chicks ni Ryan.


Napansin niyang nakatingin din ang kanyang mga kasamahan sa magkakaibigan. Si Ryan ay abot-tainga ang ngiti. "Ang ganda talaga nitong aking si Patring."


Kinawayan pa nito si Patring nang mapatingin sa kanila. Natawa na lang silang magkakaibigan nang isnabin ito ng babae.


"Wala ka pare." kantiyaw ni Jake kay Ryan. "Wala pa nga eh, basted ka na kaagad."


"Tumahimik ka diyan." pikon na wika ni Ryan. Tinawanan na lang nila ang bigo nilang kabarkada.


Muli siyang napatingin sa mesa ng mga ito. Nagtama ang kanilang mga paningin sa babaeng nakaengkuwentro niya kanina. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Mataktika niyang iniwasan ito ng tingin. Muling naglakbay sa kanyang diwa ng tamis ng mga labi nito.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon