Anna Gracia aka Yanyan Vito is still feeling astounded when this so called Chief Executive Officer and owner of Prairie actually uttered her real last name. Paano nito nalaman iyon?
Since Yanyan started her career in the industry, kailanman ay hindi niya ginamit ang totoo niyang pangalan. Ang pangalang Anna Gracia na siyang pen name niya ay iyon ang kanyang ginamit. Maging ang mga kasamahan niya sa Craze Magazine ay Anna ang tawag sa kanya. At ngayong kaharap niya ang isang kaaway ay bigla siyang tinawag sa kanyang pangalan. How did he know her real name?
"P-paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?" mabilis na tanong niya sa kaharap.
"It doesn't matter Miss Vito. Sabihin mo sa akin kung kailan mo gustong umpisahan ang challenge na ibinato mo sa akin."
Mabilis na nawala sa isip niya ang katotohanang kilala siya nito. "Kung maari ay gusto ko na ring umpisahan at tapusin ngayon din."
"I am not available this day. May meeting pa akong kailangan daluhan in less than thirty minutes."
"Ok. I guess I have to return tomorrow." Tumayo na siya. "Have a good day." Saka nagmamadali siyang lumabas sa opisina ni Edward Dantes. Nagmamadali siyang pumunta sa kinaroroonan ng elevator at malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Anong kahibangan ang biglang lumabas sa isip niya at ang sarili niyang kompanya ang kanyang ipinusta? She must be out of her mind. Kung anu-anong pumapasok sa kanyang isip. Sa dami ng puwedeng gawin ay kung bakit hinamon pa niya ang Edward Dantes na iyon ng chess game. Magaling naman talaga siya sa chess pero that bet is not a good move for her business.
Muli siyang napabuntong-hininga nang marinig niya ang elevator beeps. She finally reached the ground floor. Mabilis siyang lumabas at nagtuloy-tuloy hanggang sa entrance ng building. Natigilan pa siya nangmakasalubong ang isang taong napakapamilyar sa kanya. "Banang!"
*****
Nag-angat si Banang ng mukha nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Yanyan sa harapan niya. Nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis na lumapit dito. She hugged her tightly. "Ate Yanyan!"
"Matagal na kitang hindi nakita." wika ni Yanyan nang pareho silang kumalas sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Ako rin Ate. Mas lalo kang gumanda." masaya niyang sabi. Matagal na kasi siyang hindi umuuwi sa kanila kaya hindi pa niya ito nakikita. It is really great to see her again. "Ano palang ginagawa mo dito?"
"Some business." anito na tila walang balak pang mag-elaborate. "Ikaw, bakit ka nandito?"
"Work." she answered briefly.
Biglang nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. "Oh! I have seen your great shots but I never imagined that you are working here."
"Ah. May mali ba dito?"
"Wala naman. I just don't like the arrogant and inconsiderate boss?"
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...