Saglit na natigilan si Rex nang makita nito ang pinsan sa loob ng opisina.For a moment there, he thought he was just imagining. Kadalasan kasi pag bumibisita si Levi ay nagbibigay siya ng abiso sa pinsan. "What made you come here?"
"I am looking for Savannah. Hindi ko siya makita."
Halos tumaas ang mga kilay ni Rex nang marinig ang sinabi niya. Aware si Levi na ganoon ang magiging reaction ng pinsan sa basta na lang niyang isiniwalat. He looked at him seriously. "Anong kailangan mo kay Savannah? Importante ba iyan?"
"Yes!" he hissed. "It's a matter of life and death."
"Levi." ani Rex na hindi pa rin nawawala ang titig nito sa kanya. "Kung wala kang kailangang importante kay Savannah, huwag mo na siyang hanapin. Makakaistorbo ka lang."
Biglang uminit ang ulo ni Levi sa narinig. "You didn't hear me right? Hindi ako pumunta dito ng basta-basta lang kung wala akong kailangang importante sa kanya. So, you better tell me now kung nasaan siya."
Rex kept silent. He studied him. After a while, napailing ito at muling nagsalita. "I am sorry Levi. I don't really know where she is right now. Subukan mo si Yanyan baka may alam siya."
Levi sighed. "Anong klaseng employer ka? You should know where the hell your employees are."
Rex shrugged his shoulders. "Come back to me when you figure out that you know all your own employees' whereabouts." Muli itong natigilan at saka tumitig na naman sa kanya sa paraang sinusuri siya. "Besides, ano ba talagang kailangan mo kay Savannah at tila bad trip na bad trip ka nang hindi mo siya makita dito?"
"I will just have that for myself. So, you really don't know where she is?"
"Yes. I am sorry for that. Maybe I am a bad employer all along. She took a leave. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon at kung kailan siya babalik. Hindi siya nagsabi. She just disappeared."
"Sige." Levi said in the height of his annoyance. "Thanks for your help. I better go."
"Sandali lang." Rex called before he turned his back on him. Napansin niyang itinaas nito ang sariling cellphone at saka dumayal. Ilang sandali lang ay may kausap na ito. Napag-alaman niyang si Yanyan iyon. "Somebody came here looking for Savannah. Baka alam mo kung nasaan siya ngayon."
Tumahimik ito para mapakinggan ang sagot ng kausap. Nang muli itong magsalita ay narinig niyang pangalan niya ang binanggit nito. Then his cousin uttered his cheesy goodbye on the phone before turning to him again.
"So, anong sinabi?"
"Puntahan mo daw siya ngayon."
"Bakit hindi na lang niya sabihin kung nasaan ang hinahanap ko para hindi pa ako makaistorbo?"
"She wanted to see you. From her voice, I know that she is very eager. So you better see her baka nga may alam talaga siya kung nasaaan ang taong iyon."
"Salamat. Aalis na ako."
*****
Pagkatapos sa opisina ni Rex ay si Yanyan naman ang sumunod na binulabog ni Levi. Tuwang-tuwa pa ang babae nang siya ay masilayan. Buong puso itong lumapit sa kanya at nagbigay ng isang napakatamis na pagbati.
"Sa wakas." sabi nito kasabay ng isang mainit na yakap. Bumeso pa ito bago siya pinakawalan. "My favorite person is visiting me today. I am so flattered."
He sighed. "Ate Yan. Alam mo kung ano ang sadya ko dito."
"Which is?" dagdag pa nito which meant to annoy him. Well, Ate Yanyan is succeeding unfortunately.
He groaned his impatience. "Really Ate Yan? Ang alam ko ay ikaw ang nagpapunta sa akin dito dahil sa kadahilanang alam mo kung nasaan ngayon si Savannah."
"Ah, si Banz!" mabilis na sikmat ni Ate Yanyan. "Ikaw ah? Bakit mo siya hinahanap?"
"My God!" Levi exclaimed. Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan siya and we are good. Ayoko ring makaistorbo sa masyadong busy mong buhay." He noted with his usual sarcasm.
"At kahit paborito kitang tao, hindi ko sasabihin sa iyo kung nasaan si Banz. Kailangang bigyan mo pa ako ng sapat na dahilan para sabihin ko sa iyo kung nasaan siya."
Gusto nang sumabog ni Levi sa pagkakataong iyon sa pinaghalong inis at galit. Naibagsak na lang niya ang kanyang sarili sa malapit na upuan. "May importante lang akong sasabihin. Is that too much to ask?"
"Ano naman kayang importanteng bagay iyan?" muling singit ni Yanyan. Mas lalong tumaas pa ang kanyang inis.
Tumayo na lang si Levi. Alam na niyang wala siyang mapapala sa babaeng ito. "Maybe I just have to go. Wala pala akong mapapala dito. Just forgive me for the disturbance I've caused."
Nagmamadali siyang lumabas. Sumunod pa sa kanya si Ate Yanyan. "Wait! Sasabihin ko sa iyo kung nasaan siya."
"I don't believe you anymore. I have already figured out na hindi mo naman talaga alam kung nasaan si Savannah." aniya at nagtuloy-tuloy siya sa paglabas sa building na iyon.
Ang sumunod na ginawa ni Levi ay inisa-isa niyang tinawagan ang common friends nila ni Savannah. Of course, marami ring nagtatanong kung bakit niya hinahanap ang dalaga. Para sa sarili na lang niya ang kanyang dahilan. Ayaw niyang ipagkalat kung ano talaga ang totoo niyang motibo. Unfortunately, lahat ng ga ito ay wala talagang nakakaalam. Ang alam pa ng iba ay nasa trabaho pa ito. His one and only lead would be his knowledge that Savannah took a leave. At least, it was narrowed down a bit.
Lumipas din ang dalawang araw na wala na talaga siyang makita sa babae. Nagdesisyon siyang lumapit uli kay Yanyan. Malaki kasi ang kanyang kutob na may alam talaga ang babae kung nasaan ang kanyang hinahanap. He is not ready to give up yet.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...