"Oh!" tuwang-tuwang sabi ni Yanyan nang makita na naman si Levi sa kanyang opisina. "Look who's here. So, what can I do for you Mr. Sullivan?"
Hindi sumagot si Levi bagay na nagpakunot ng noo ni Yanyan. Napatitig tuloy ito sa kanya. Pagkaraan ng ilang segundo ay bigla itong napasinghap at mabilis na lumapit sa kanya. "What happened to you?!"
"Nothing." Levi answered weakly.
"You look horrible Levi!" patuloy nito sa paraang nanenermon. "Ngayon lang kita nakitang ganyan." Hinawakan nito ang kanyang mukha at hinaplos ang baba. "Ang gaspang ng mukha mo. You let those stubbles ruin your face? And your eyes? My God Levi! Black circles are all over them. Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit mo pinapabayaan ang sarili mo ng ganyan?"
"This is nothing Ate Yan." Sagot ni Levi sa sunod-sunod na mga tanong nito. "Naging busy lang ako sa trabaho kaya medyo nakulangan ako ng tulog. So, if you already know my purpose in coming here, might as well tell me already para makaalis na rin ako."
"And that, bakit ka nga pala naparito?"
"Same reason why I came here last time."
Isa na naming pilyang mukha ang nakita ni Levi kay Ate Yanyan. "So, si Savannah nga dahilan ng lahat ng paghihirap mo? Hmmm."
"No, she's not." Mabilis na kaila niya. "May mahalaga lang talaga akong kailangan sa kanya kaya ko siya hinahanap. So, alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"
"At paano kung hindi ko nga talaga alam?" Yanyan inquired with the same grin on her face that Levi learned to hate for the years. "Anong gagawin mo?"
"Ate Yan." He uttered. Impatience and annoyance consumed him again. "I am too tired to play games with you right now. Sabihin mo na sa akin kung alam mo at nang matahimik na ako. At nang matahimik ka na rin."
"Ah huh? Anyway, ok lang sa akin na hindi matahimik. Sagutin mo muna ang tanong ko."
"Don't answer me back a question Ate Yan. I am really irritated right now."
"Parang yun lang naman ang tanong ko. Kung ayaw mo, eh di huwag. Hindi ko sa iyo sasabihin kung nasaan ngayon si Banz."
"Hahalughugin ko ang buong Pilipinas kung hindi ko siya mahanap!" he cried. "Satisfied? So, tell me, where the hell is Savannah Ismael?"
Yanyan was stunned for a moment. "Ang alam ko ay pumunta siya sa Mindanao ngayon. Alam mo iyong nangyayaring barilan sa Zamboanga ngayon? Doon siya nagpunta."
"Sh*t!" he shouted. "At wala kayong nagawa para pigilan siya? I would kill Kuya Rex for this kung may masamang nangyari kay babaeng iyon!"
"Levi!" Yanyan was horrified. Wala na itong nagawa nang tumalikod si Levi and stormed off the room. Para itong kidlat sa sobrang bilis nitong nakaalis sa lugar na iyon.
*****
"What's the matter?" tanong ni Yanyan sa kanyang asawa nang mapansing hindi ito mapalagay after answering a phone call. "Sino ba ang tumawag sa iyo?"
"The call came from the Philippine Army. Levi asked their service for a rescue operation in Zamboanga. What the hell would Levi do in Zamboanga?! At sino ang irerescue niya doon?"
Nagimbal si Yanyan sa narinig niya. Buti na lang at mabilis na nagproseso ang kanyang utak. Alam na niya kung ano ang ginagawa doon ng pinsan ng asawa niya. Napatawa na lang siya sa sobrang sigasig ni Levi na malaman kung nasaan si Savannah.
"This is not the time to laugh at some serious matters Yanyan." Her husband scolded her. "Kailangan kong ikontak si Levi ngayon din para malaman ang kanyang kalagayan. And one more thing, paano niya nalamang may bakabakan sa Mindanao eh akong CEO ng isang broadcasting company ay hindi ko man lang nalaman iyon."
"Rex honey. Kalma ka lang. Baka naman alam talaga ni Levi kung ano ang ginagawa niya. Hayaan na lang muna natin siya. Malaki na siya para pakialaman pa natin."
"Yanyan!" Rex was horrified. "We are talking about a rescue operation here which involves my cousin. Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga at tumahimik lang ako dito. I cannot do that."
"Just calm down and relax okay?" pilit pa rin ni Yanyan sa asawa niya. "Oo, gusto kong tumunganga ka lang diyan at tumahimik para marinig ang aking sasabihin." Sa kabila ng pagpapanic ni Rex ay nagawa pa rin ni Yanyan na pakalmahin ito at ikuwento kung ano talaga ang nangyayari kay Levi.
"I can't believe you!" gulat na gulat si Rex nang marinig nito ang kanyang kuwento. "Paano mo nagawa iyon kay Levi?"
"Eh, nakakainis kasi siya eh. Nagtatanong lang naman ako kung bakit ganoon na lang siya kadesperadong hanapin si Savannah. Hindi ko nagustuhan ang sagot niya. Eh, kung sinabi niya lang kasi na mahal niya si girl. Eh, di sana hindi ko siya sinabihang nasa Zamboanga ang dalaga. At hindi ko maintindihan kung bakit siya naniwala sa sinabi ko halata naman akong nagbibiro nun. Malala na yata ang pinsang mong iyon. In love na in love na nga. Sheyyt! Honey, kinikilig ako."
"Ewan ko sa iyo!" naiinis na komento ni Rex at bigla na lang nawalan ng imik. Naupo na lang ito sa sarili nitong upuan at saka naghilot ng sentido. "I don't know what I will be doing to the both of you. Next time kung gusto niyong maglokohan huwag niyo akong idamay."
"Sorry na bes." Maamong wika ni Yanyan saka mabilis na lumapit sa asawa at malambing na yumapos dito. "Sige na tawagan mo na lang si Levi at pabalikin mo na lang dito. Tutulungan na lang nating siyang hanapin ang nawawala niyang sinta. Ikaw kasi bes, hindi mo man lang natanong si Savannah kung saan siya nagpunta."
"Huwag mo akong tawaging 'bes'. Asawa mo ako Yanyan."
"Oh di sige."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
Hài hướcLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...