56 Levi I Rex

1.8K 85 1
                                    


My original plan for this story is to divide this into two parts: first, high school days and second, adult life. I am sticking to this plan. Kaya gusto ko pong sabihin na malapit na pong matapos ang kabataan ng mga bida sa kuwentong ito. Huwag po kayong mag-alala ang dalawa pong parts nito ay magmemerge sa iisang kuwento, ito nga 'Exclusively Yours'. Note: iisa pong buong kuwento ito bagaman may 'after n years' sa middle. This is to emphasized the phrase 'Destined for each other' and 'may forever'.



Hanggang sa canteen ng university ay sumunod kina Banang at Levi sina Patring at Dodong. Nagpapalibre ang mga ito sa kanila gamit ang dating blackmail ng mga ito.


Napangisi na lang si Banang. "At paano kung ayaw namin?" Si Levi at amused na amused at nakatingin lang at nakikinig.


"You know the consequence dear friend." nakangising wika ni Patring. "Malalaman ng buong school ang tungkol sa inyo."


"Korak!" sang-ayon ni Dodong na sa pagkakataong iyon ay tila naging alipores ni Patring. "At dudumugin ka ng lahat ng mga fans ni Levi then you will be establishing your haters' club in an instant. Well, of course, hindi na ako kasali doon dahil matagal ko ng natanggap na bagay talaga kayo ni Soyti."


"You don't need to do that." kampanteng wika ni Savannah.


"Anong ibig mong sabihin? Hindi ka ba natatakot?'


"Don't bother us." sa wakas ay nakatawang wika ni Levi. "Sina Pacoy at Cara na lang ang pagdiskitahan niyo."


"What?!" gulat na sabay-sabi nina Patring at Dodong. "Hindi ba kayo natatakot na ilabas namin ang totoo niyong relasyon?"


"Alam kong hindi niyo magagawa iyon." ani Banang. "Alam kong hindi niyo maatim na magkaroon ako ng haters' cub. At isa pa, we just declared to the world that we are together."


"Really?" kinikilig na sabi ni Dodong. Ang dali nitong bumigay. "So, alam na ng buong school ang tungkol sa inyo. You are so brave girl!"


"Well, some students saw us a while ago, holding each other's arms. Alam kong sa oras na ito ay kalat na sa buong campus ang tungkol sa amin. And I don't give a damn."


"Wow!" bulalas ni Patring. "That's my girl. I guess sina Pacoy na lang at Cara ang aming paglalaruan."


Natawa na lang siya. "Hey Pat! You are my girl too kung magtatapat ka na rin. Kahit sa amin lang."


"Anong magtatapat ang pinagsasabi mo diyan? Wala akong dapat ipagtapat sa inyo. Well, in my part i guess."


Nagkatingin sila ni Levi at sabay na nagngitian. "Well for once, saan nitong Sabado?"


"Nitong Sabado?" usal ni Patring na tanging ito lamang ang nakakarinig. Pilit siguro nitong inisip kung nasaan ito nang araw na iyon. Bigla itong pinamulaan ng mukha. "N-nasa bahay ako ng buong araw."

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon