Basketball finals na. It's a game between Harrison University HS and Stevenson High. Ang laro ay sa North Juniper Academy magaganap. Punong-puno ang gym ng mga estudyanteng parehong galing sa iba't-ibang schools. The game is the greatest sports event of high school which is held once every year.
Kunpleto ang mga tao. Mula sa mga cheerleading squads hanggang sa mga ordinaryong tagahanga ay naroroon. Coaches and even school principals are also there watching for the big event.
Si Savannah naman na kasali sa journalism guild at naatasang magcover ng larong iyon para sa school paper ay present din.
Maaga siyang pumunta sa venue para makapuwesto siya ng maayos. Pinili niyang maupo sa pinakaharap na bleachers malapit sa puwesto ng basketball team nila.
Nang magsimula na ang laro ay nagsimula na rin niyang itinaas ang camera niya at hindi matigil sa pagkuha ng mga photos. Ang balak niya ay kumaha ng marami at pagkatapos ay i-screen out ang mga iyon. Ang pinakamagandang mga litrato ang isusumite niya sa kanilang organization para sa publication. Masaya na rin siya dahil hati sila ni Myla ng gawain. Siya ang kukuha ng mga larawan. Myla, on the other hand will be responsible for the article sa sarili nitong kagustuhan. Well, salamat at wala itong tiwala sa kanyang mga sinusulat kaya ayon nabawasan ang mga gawain niya.
Natapos ang first quarter. Natambakan ang HU team ng maraming puntos. Ang mga tagahanga at supporters ng Stevenson ay hindi magkamayaw sa paghiyaw dahil sa resulta ng unang quarter.
Si Banang na hindi gaano mahilig sa panonood ng sports ay medyo disappointed din sa nangyari. Mula pa sa kinaroroonan niya ay naririnig niyang pinapagalitan ng coach ang mga players nito.
Nang matapos ang break ay pinicturan ni Banang ang unity ceremony ng school team nila bago muling sumabak sa laro. Then the second quarter begins.
Nanging busy siya muli sa pagmanipula ng kanyang camera. Nagulat na lang siya nang maramdamamg tila may kulang. And her camera lens is looking for someone.
Ibinababa niya ang camera at tinungnan ang court. Nagulat siya sapagkat hindi niya makita roon si Levi. Parang wala din ito kanina sa first quarter.
Her curiosity sent her overdrive when she heard his voice. Nasa bench pala ito at kasalukuyang nakabangko. Mas lalo siyang nagtaka kung bakit hindi ito ipinapasok ng coach.
"Coach, tambak na naman." narinig niyang sabi ni Levi.
"Alam ko Sullivan. At huwag mo akong konsensiyahin dahil hindi talaga kita ipapasok."
"Coach, kahit sa third quarter lang." hirit nito. Mas lalong nadagdagan ang pagtataka ni Banang. Anong ginawa ni Levi at hindi ito gustong paglaruin ng coach?
Nasagot ang katanungan niya nang marinig ang sinabi ni Coach Clifford.
"Kahit matalo ang team natin, I still stick to my decision. I value discipline more over victory. At kasalanan mo kung bakit hindi kita paglalaruin ngayon. Alam mong istrikto tayo sa uniform Levi."
"Coach, puwede namang humiram sa mga teammates ko. I know, it does not matter to them."
"My decision is final!"
Napabuntong-hininga na lang si Levi. Napansin ni Banang na tila nagsurrender na ang team captain.
Then a sudden realization struck her. Kaya pala hindi pinaglalaro si Levi ay dahil wala itong bagong jersey.
Napatingin siya sa mga kasama nitong naglalaro sa court. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng shirt na katulad noong shirt na ipinahiram sa kanya ni Levi last week.
Bigla siyang kinain ng kanyang konsensiya. Siya pa ang magiging dahilan ng hindi nito paglaro. And worse, siya ang magiging dahilan ng pagkatalo ng Harrison High School sa famous event na iyon.
Naalala niyang sinabi ni Levi na kailangan niya iyon this week. Hindi niya naman akalain na sa larong iyon mismo kakailanganin ang jerseyng iyon. Balak pa man din niyang hindi na ibalik iyon at itapon na lang basta.
Hay, salamat na lang at hindi pa niya ginagawa. Nagawa pa niyang labhan iyon with tender loving care. She even remembered applying fabric conditioner on that shirt.
Well, partly kasalanan din naman ng Levi na ito kung hindi ito maglalaro ngayon. If he humbled himself enough yesterday or the other days na hingin sa kanya yung shirt, di sana ibinalik niya ng walang pag-iimbot sa kanyang puso. Well, of course, if Levi ask her in a nice and favorable way. Which she doubt, he would.
Hay basta! Nakokonsensiya na talaga siya. Hindi dahil sa hindi makakapaglaro si Levi kundi dahil sa posibleng pagkatalo ng Harrison Univ. Ayaw man niyang tanggapin pero lamang na sana ang HU against Stevenson kung nasa loob ng court si Levi at naglalaro.
Dahil sa mga sunod-sunod na return of thoughts ay tuluyan nang nagkaroon mg drive si Savannah. Kailangan niyang bumalik sa kanilang bahay para kunin ang lintik na jersey na iyon.
Kalahati pa lang ng second quarter. Kung aalis na siya ngayon ay fifteen minutes siguro ang gugulin niya pabalik sa kanila. Malapit lang naman sa bahay nila ang North Juniper Academy kaya kering-keri niyang takbuhin. Pasalamat na lang si Levi at sa NJA pa ang venue.
Hindi na siya nagdalawang-isip. Bitbit ang kanyang camera ay mabilis siyang tumakbo palabas ng gym. Wala pang limang minuto ay mabilis niyang narating ang kanilang bahay gamit ang daanan sa likuran ng building kung saan naroroon ang gym.
Sa kanyang pagmamadali pagpanhik sa kanilang hagdanan ay hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ng nakakatandang kapatid.
Ibinalibag niya ang pinto ng kanyang kuwarto at mabilis na pumasok. Ang lalagyan ng mga damit ang niya kaagad niyang nilapitan. Una niyang binuksan ang compartment ng mga shirts. Wala doon ang jersey. Pati sa lalagyan ng kanyang mga pants ay wala rin doon ang hinahanap.
Bigla siyang nataranta. Hinalungkat niya ang kuwarto. Still, Tisoy's shirt is nothing to be found. Napilitan siyang lumabas ng kanyang kuwarto at dumungaw sa baba. "Kuya, may nakita ba kayong jersey diyan sa baba?"
"Wala. Ano naman ang gagawin ng jersey dito?"
"K! Thanks anyway."
Muli siyang bumalik sa kuwarto at naghanap. She found the shirt in a compartment together with her underwears. She groaned in iritation. Doon pala niya nailagay yun! So embarrassing!
Kung gaano siya kabilis na pumunta sa kanilang bahay ay ganoon din siya kabilis na nakabalik sa North Juniper Gym. Nagsimula na ang third quarter at matatalo na talaga ang HU. Nakita niya si Levi na nakaupo sa bench ng mga athletes at handang magprotesta.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...