Dahil walang pasok sina Banang sa huli nilang klase sa araw na iyon ay niyaya sila ni Patring na manood ng training ng baseball team nila. Ayaw pa nitong sabihin sa kanila na gusto lang nitong makita si Ryan.Silang tatlo na lang ni Dodong ang pumunta sa baseball diamond. Nagpaalam kasi si Cara na uuwi na at may mahalaga daw na gagawin. Hindi pa nito sinabing may date ito kay Pacoy. Nakita kaya nila ang lalaki na tahimik na nakasunod sa kanila. At napansin din ni Savannah na kanina pa ito sinesenyasan ni Cara. Natahimik na lang siya. Marahil ay napansin din iyon nina Dodong at Patring.
Pinili nila ang upuan na malapit sa mga players. Yun ay para mapagmasdan ni Patring ng maigi ang irog nito. Kahit tahimik lang ito ay alam nila ni Dodong na kanina pa nito pinipigilan ang kiligin.
Habang nag-eenjoy sila sa panonood ay naramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone niya. Nang hugutin niya iyon mula sa bulsa ay napag-alaman niyang si Levi ang nagtext. Patago niyang binasa ang text nito. Maeeskandalo lang siya pag sina Dodong at Patring ay makikibasa rin.
Napangiti siya nang malamang tinatanong nito ang kanyang whereabouts. Bakit kaya?
Baseball Diamond. Y? Mabilis niyang sagot. Saka niya muling ibinalik sa bulsa ang cellphone. Muli niyang itinuon ang panonood. Ryan gave a swing and the ball flew as far as it could. Tuwang-tuwa si Dodong sa nakita. Si Patring ay pakiyemeng napangiti lang. Sisitain niya sana ito at aasarin nang muli niyang maramdaman ang vibration mula sa bulsa.
It was Levi again. I saw u. Look straight and u will see me.
Mabilis niyang ginawa ang sinabi nito. Nang mag-angat siya ng mukha at tumingin sa kabila ay napansin nga niya si Levi na nakangiti habang hawak-hawak nito ang phone. Itinaas nito ang isang kamay at pasimpleng kumaway sa kanya. Muli itong yumuko saka lang niya naramdaman muli ang cellphone.
Meet me at the gym.
Nang muli siyang mapatingin dito ay napansin niyang tumayo ito at umalis sa baseball ground. Napatayo na rin siya. Gusto niyang sundan ang lalaki.
"Guys, mauna na pala ako sa inyo."
"Bah-ket?" maarteng tanong ni Dodong. "Pati na naman ikaw ay iiwan na rin kami."
"Duh? Uwian na po. May curfew ako."
"At kailan ka pa nagkaroon ng curfew?" singit ni Patring. "Baka akala mo hindi ko alam kung sino ang kakaalis lang kanina. May senyasan pa kayo ah."
"Whuutt?" Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nagulat. "Ok, titingnan ko saglit si Levi. May nakalimutan pala akong tanungin sa kanya tungkol sa interview."
"Whatever." magkasabay na sabi ng dalawa.
"Hala, shoo! Shoo!" ani Dodong. "Enjoy. Mag-eenjoy din kami ni Patring dito. Ang galing pala talaga nina Jake at Ryan."
Nagmamadali na siyang umalis baka madagdagan pa ang kasalanan niya. Masyado na siyang maraming itinatago sa mga kaibigan. Anyway, excited siyang pumunta sa gym. Ano kayang mangyayari ngayong wala na talaga ang interview na dahilan niya para makipagkita kay Levi? Bahala na.
Pumasok siya sa gym at inilibot ang paningin sa loob. Nang wala siyang makita sa lalaki ay napaupo na lang siya sa may gilid. Antayin na lang niya ang pagdating nito baka may pinuntahan ito saglit.
Maya-maya ay muntik na siyang mapatili sa pagkagulat nang maramdamang may kumagat sa kanyang leeg. Then she heard Levi's musical laugh.
"Hi." anito at mabilis na naupo sa kanyang tabi. Hindi pa rin siya makagalaw sa pagkagulat. And swear, she still felt the wetness of her neck.
"Ginulat mo ako!" reklamo niya kay Levi at pinaghahampas ito.
"Hey." sabi ng lalaki habang tawang-tawa. "That is how I greet my friend."
"Ganyan din ginagawa mo kina Ryan?"
"Of course not! I mean, girl friends."
"Then, huwag mong gawin sa akin ang ginagawa mo sa mga babae mo!"
"Ito naman, nagselos kaagad." Mabilis siyang inakbayan ni Levi. "Sa iyo ko pa lang ginawa iyon."
"Hep! Bitiwan mo nga ako."
"At sa iyo ko rin lang ginagawa ito." tuloy-tuloy nitong turan. Nararamdaman niya ang paghigpit ng pagkakaakbay nito. "I miss you."
"Isang araw lang tayong hindi nagkita Levi."
"Ganyan ako makamiss sa kaibigan ko."
"Dodong, Cara, and Patring won't miss me kung hindi kami nagkita ng isang araw. At kahit isang buwan pa."
"You always have a say, don't you? Well, ibain mo ako sa kanila." He concluded and slowly released her.
Nagtataka na talaga siya sa mga ginagawa nito. Although sinabi nitong hindi nito ginagawa ang mga iyon sa mga babae nito ay nagdududa pa rin siya. Well, at least, aminin niya rin na gusto niya ang mga ginagawa sa kanya ni Levi.
"Ano palang ginagawa mo sa baseball ground kanina?" out of the blue ay tanong nito.
"Nanood ng practice nina Ryan, hindi pa ba obvious?"
"Bakit kailangan mo pang panoorin? Hindi mo naman sila kaibigan." biglang reklamo nito. Ganito pala ang isang Levi pag nakilala mo na ng husto, nagiging matampuhin.
"Don't get me wrong hah? Pero kasama ko sina Patring at Dodong, nakita mo naman. But, I don't hide the fact na naenjoy ko ang panonood sa kanyang laro."
"Don't you think you're unfair?" muling reklamo ni Levi. "Bakit pag kami ang may practice, wala ka rito na nanonood?"
"Ano ka ba naman? Magtataka ang mga teammates mo kung bakit bigla-bigla ay manonood ako ng practice niyo."
"Sabagay. But you can always come to watch us. Pero, ako dapat ang papanoorin mo. Hindi si Joel. O kaya'y si Miguel. Ako dapat, hindi si Pacoy."
"At paano ko naman gagawin iyon? Hindi ko rin maiwasan na mapatingin sa kanila. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang may hawak ng bola."
"Sabagay." anito bilang pagsuko. Napatayo ito at hinawakan siya sa kamay. "Tara, kain tayo sa labas. Libre ko. Bago kita ihatid sa sakayan niyo. "
Wala siyang nagawa kundi sumunod na lang na natatawa.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...