6 Levi | Rex

3.1K 134 9
                                    


"Bakit mo pinutol yung lapis na hiniram mo sa akin?"

Habang naglalakad si Banang papuntang sakayan nila ng jeep pauwi ay narinig niya ang magdyowang nag-aaway. Hindi na sana niya papansinin pero nakakacurious yung pinagtatalunan ng mga ito.

"Lapis lang yon Rex." narinig niyang katwiran ng babae. "At isa pa aksidente ang pagkakalaglag ng lapis na iyon kanina."

"Aksidente? Lahat naman ng gamit ko sinasadya mong sirain."

"Rex naman eh. Hindi nga intention iyon. Ipinatong ko lang iyon sa desk ko. Malay ko ba na may sariling isip iyon at gustong lumayas kaya ayun nalaglag."

Muntik na siyang matawa sa narinig. Habang papalapit siya sa nagtatalo ay mas lalong naging klaro ang pandinig niya sa dalawa.

"Sisihin mo pa ang lapis sa kapalpakan mo. Huwag ka ng humiram kung hindi mo naman kayang alagaan."

"Ito naman. Ibibili na lang kita ng bago."

"Bibilhan mo ako, tapos hihiramin mo lang din naman. No thanks."

Nang tuluyan siyang makalapit sa mga ito ay bigla siyang natigilan. Kilala niya ang dalawa. Ang kapitbahay niyang si Yanyan ang babae. Ang lalaki naman ay iyong knight in shining armor niya kanina. Magkasintahan pala ang mga ito.

Hindi niya mapigilang mapatikhim nang nasa tapat na siya ng mga ito. Hindi na nagpapansinan ang dalawa.

Nag-angat ng mukha si Yanyan at awtomatikong napangiti ito ng makita siya. "Ikaw pala Savannah, uuwi ka na?"

"Oo, Ate Yanyan. Boyfriend mo pala si Kuya Rex."

Napatawa si Yanyan ng malakas. Sanay na siya rito. Close sila kaya alam niya ang lahat ng katangian nito. Ganoon din siya sa dalaga. Halos lahat-lahat ay alam na nila sa isa't-isa. Ultimo schedule nila sa pagtatae ay alam nila. Well, their families are not just neighbors, they're also close friends.

"Ano ka ba naman Bans, hindi ko boyfriend ito noh? Ay teka lang, magkakilala kayo."

"Yup." si Rex ang sumagot. "We met this morning. Noong pumunta ako sa department nila. It was nice seeing you again Banang."

"Ako rin kuya. Salamat nga pala kanina."

"Wala iyon." Sinimulan nitong ikuwento kay Yanyan ang nangyari kaninang umaga. Nagliwanag ang mukha ng kanyang kapitbahay.

"Buti pala at nandoon si Rex kanina." nasisiyahang wika nito.

"Kaya nga Ate." sang-ayon niya. "Papasok ka na ba?" tanong niya rito nang makalapit na siya sa jeep na naghihintay na mapuno.

"Kausapin ko lang itong best friend ko at may konti kaming hindi pagkakaintindihan."

"Sige. Mauna na ako. Sige kuya Rex."

Bago pa man siya makaakyat sa Jeep ay inayos muna ng lalaki ang nagulo niyang kuwelyo. "Ingat ka Banang."

Nakangiti siyang kumaway rito at saka pumanhik ng jeep. Ano kayang meron kay Rex at dalawang beses na nitong inayos ang kanyang kuwelyo? Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang maramdaman niya ang pagsiko sa kanya. Binalingan niya ang gumawa noon.

"Ang lalim ng iniisip natin ah."

Nagulat siya nang mamukhaan ang nagsalita at naniko sa kanya. "Pacoy, ikaw pala. Wala ka yata sa school kanina."

Si Pacoy ay childhood friend niya. Kent Morales ang totoo nitong pangalan. Pacoy ang tawag rito ng malalapit na mga tao sa lalaki. Kaibigan niya ito mula pa noong elementary sila. Noong naghigh school na sila ay nabawasan ang kanilang closeness sa katunayang babae siya at lalaki ito. Siyempre, kailangan niya ng babaeng kaibigan na pagbabahagian niya ng mga pambabaeng problema katulad na lang menstruation. At ganoon din si Pacoy in the case of boys.

Ngayong high school ay nagkakasama pa rin naman sila kung hindi niya kasama ang mga girl friends niya at hindi naman nito kasama ang barkada nito.

"May pinuntahan kasi ako." sagot ni Pacoy sa tanong niya kanina. Ang mga mata nito ay biglang naglakbay hanggang sa kanyang binti. "What happened to your leg?"

Biglang nanumbalik sa nananahimik niyang isip ang nangyari sa kanya kaninang umaga. Uminit ang kanyang ulo nang wala sa oras.

Yung pangit na unggoy na iyon! galit na sigaw ng kanyang isip. Kailanman ay hindi niya makakalimutan ang kawalanghiyaang ginawa sa kanya ni Levi Sullivan.

"So what happened to your leg?"

Bigla siyang natauhan. Kausap pa pala si Pacoy. Nang balingan niya ito ay nakatingin pa rin ito sa kanyang binti. Tili gusto nitong haplusin ang kanyang pasa doon.

"Magpalit ka kaya ng barkada mo."

"Huh?" gulat na tanong ni Pacoy. Hindi naman kasi iyon sagot sa tanong nito kanina. "Bakit naman?"

"Yang Sullivan kasi na yan, kasalanan niya kung bakit nagkaganyan ang aking legs." Kumukulo ang kanyang dugo pag naiisip niya si Levi. Kung may kilala siya sanang magkukulam ay pinakulam niya ang insensitive na kulugong iyon.

"Hah?" mas lalong ginulat niya si Pacoy. "Paano yan nangyari? Nag-away ba kayo?"

"Ayoko ng isipin pa ang namagitan sa amin. Basta layuan mo ang kumag na iyon. Wala kang mapapala sa Levi Sullivan na iyon."

"Patawa ka Bans." natatawa nitong komento. Alam niyang hindi nito seseryosuhin ang kanyang sinabi. Close na close kaya ang mga ito ni Tisoy. Ang mga ito ang pinakasikat sa Harrison Unversity High School Department. Kasama sina Jake at Ryan, ang apat ang tinataguriang heartthrob sa kanilang school. Buti nga at hindi sila kasaling magkakaibigan sa mga babaeng nahuhumaling sa mga ito. Well, there's Dodong. Pero, lalaki nga pala si Dodong kaya exempted ito.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Levi at ganyan na lang ang galit mo sa kanya. Halos umusok na ang ilong mo sa galit."

"Tanungin mo ang magaling mong kaibigan." maktol niya rito. "Hindi lang ang ilong ko ang umuusok pag naalala ko ang pagmumukha niya. Akala mo naman kung sinong guwapo, eh maputi lang naman."

"Ang lalim ng galit mo sa kanya ah. Mabait naman si Levi."

"Mabait? Duh?" Ayaw niya ang ginawang pagtatanggol ni Pacoy sa magaling na lalaking iyon. "Kung mabait siya, bakit nagkapasa ako sa binti?"

"Wala akong eksplanasyon diyan." ani Pacoy. "Pero totoo ang sinabi ko. Mabait na tao iyang si Levi."

"Magsama kayo ng kolokoy na iyon!"

At hanggang sa makababa siya ng jeep ay hindi naibsan ang sakit ng damdamin niya kay Pacoy at ang pag-aalboroto ng kanyang dugo kay Levi. May panahon din sa kanya ang lalaki. Kailangan niyang itayo ang nasaktan niyang puri kung meron man.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon