67 Rex

1.5K 80 6
                                    


For days, Rex is really irritated with the fight the manager of Craze Magazine is creating. Binalewala lang niya noong una ang banta nito na magpublish ng kakaibang artikulo laban sa kanyang kompanya kung hindi niya itigil ang pagset-up ng bagong business line niya sa publishing. Akala niya ay sinasabi lang iyon ng kung sinumang Anna Gracia na ito pero nagulat na lang siya nang makita niya ang tweet ng twitter account ng naturang magazine kahapon. Ipinabasa iyon sa kanya ni Vina. The Magazine has released a teaser in their next edition which is about his company.


And that woman has been rejecting him every time he sets an appointment para makausap ito. Ilang beses niyang inutusan si Vina na magbook ng appointment but Anna Gracia ignored them all.


Wala siyang magagawa kaya kailangan niyang sadyain na pumunta sa place of business mismo ng Craze. Kailangan niyang makausap ng harap-harapan ang Anna Gracia na iyon bago pa siya masiraan ng bait. Walang nakakakilala sa kanya kaya mabilis siyang nakapasok sa loob. Hindi niya napansin ang mga pares ng mga mata na nakatingin sa kanya at sinusundan siya ng tingin. Girls giggle and boys uttered their sigh of curiosity and feeling of envy.


Kanina ay tinanong niya ang guard kung nasaan ang opisina ng babae. Mabilis naman niyang naintindihan ang direksiyon na sinabi nito. Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ang malaking sign sa itaas ng isang pinto. Bago pa man siya makapasok doon ay sinalubong siya muna ng hinihinalaan niyang secretary nito. Natulala pa ito habang nakatingin sa kanyang mukha.


"Miss?" untag niya rito para pukawin ang kung anumang nasa isip nito ngayon.


"Ay, Yes Sir? Ako nga po pala si Kathy. " mabilis na sagot ng babae nang ito ay matauhan. "Ano pong sadya nila?"


"Can I talk to your boss?" matabang niyang tanong dito.


"Sorry Sir. May appointment pa ba kayo sa kanya?"


"I don't need any appointment. She will not face me when I will set up one. She turned down every appointment I set." inis na wika niya sa secretary.


"Pero hindi po nag-eentertain si Ma'am ng bisita kung wala pong appointment." muling wika ng sekretarya. Kasingkulit pa pala ito ng sarili nitong boss.


"Have you been listening to me Miss?" inis na sambit niya. Napansin niyang tila natutuwa pa ang babae sa kanyang kamiserablehan. "I told you, I don't need any appointment."


Biglang natigilan ang secretary. Nanlaki ang mga mata nito at umaliwalas ang mukha. "I am sorry Sir. Kayo po ba ang girlfriend ni Ma'am?"


Ngayon ay siya naman ang natigilan. What the hell is this lady talking about? He did not managed to know dahil nahawakan na siya ng babae sa kamay at inescort-an na pumunta sa waiting lounge at pinaupo sa isang sofa. "Sorry Sir kung hindi ko kaagad narealize na kayo ang dyowa ni Ma'am. Maghintay na lang po kayo diyan at tatawagin ko na siya."


He was left there speechless. Mabilis na iniwan siya ng sekretarya na mabilis na nakapasok sa loob. Well, he could just wait now.


*****


Nagambala ang masayang pagbabasa ni Anna Gracia ng artikulong ilalabas niya laban sa Prairie nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya at napansin niya ang secretary na malayang nakapasok. Abot-tainga ang ngiti nitong palapit sa kanyang mesa.


"Ma'am. May poging naghahanap sa iyo." masayang-masaya nitong balita. Hindi nito napansin ang mabilis na pagkunot ng kanyang noo. Sino ang pogi na tinutukoy nito?


"Pogi?" naisatinig niya bigla.


"Yes ma'am." kinikilig na wika ni Kathy. "Jusko day, kapoging nilalang oo. Ang suwerte niyo ma'am. Binibibisita kayo ng isang pogi."


"You are talking nonsense Kathy. Ano daw ang pangalan niya? Wala naman yata akong natatandaang appointment ko sa oras at araw na ito."


"Boyfriend niyo daw ma'am." mas lalong kinilig na sagot ni Kathy. "At hindi daw niya kailangan ng appointment para makita lang kayo."


"Hoy Kathy!" singhal niya rito. Binalewala siya ng walang-hiya. Napansin niya lamang na nagbu-beautiful eyes na lang ito ng walang dahilan. "Anong pinagsasabi mo diyan? Wala akong boyfriend. Sirang ito."


"Ay basta meron ma'am." muling giit nito. At ito pa ngayon ang nagdedesisyon sa pagkakaroon niya ng kasintahan. Tuktukan niya kaya ito sa ulo para matauhan. "At naghihintay siya sa labas ma'am. Kaya gora ka na at baka ako pa ang hanapin niya. Alam mo naman na malakas din ang alindog ko."


"Hay naku Kathy!" aniya. "Lumabas ka na nga at lalabasin ko na rin ang bisitang sinasabi mo."


Pero habang palakad siya kasunod ni Kathy na palabas ng opisina ay hindi niya maiiwasang maging curious. Sino kaya ang sinasabi nitong bisita na hindi daw basta lang pogi at diyowa pa daw niya?


Natigilan si Kathy sa may pintuan at tinuro ang sinsabi nitong bisita. Napatuon naman ang paningin niya sa lalaking nag-aayos ng cover ng sofa. Napansin niyang muli itong naupo.


Muntik na siyang mapasinghap nang makita niya ang mukha nito. He was really beautiful. Tama si Kathy, napakapogi nito. His face is so firm and is void of any emotions. Para itong nahugot mula sa cover ng magazine na pinapublish nila. Mas guwapo pa ito sa kanilang mga modelo. Walang sinabi ang mga moviestars sa kapogihan nito.


Saka lang niya naramdaman ang pagsiko ni Kathy sa kanya. Doon siya biglang natauhan. Tahimik niyang sinermunan ang kanyang sarili.


"Di ba Ma'am? Ang pogi ng dyowa niyo?"


"Tumahimik ka." impit na sermon niya sa mahadera niyang sekretarya at saka lumapit sa lalaki. "Good morning. How may I help you?"


Nag-angat ito ng tingin at saka mabilis na napatayo. Mas lalo siyang nalula sa tangkad nito. Parang hanggang kili-kili siya ng lalaki. And he smells so nice and refreshingly delicious. Sino kaya ito?


"Miss Anna Gracia?" ang sambit nito sa napakalalim at napakalamig na boses.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon