69

1.5K 100 18
                                    


Sobra-sobra ang pagkakainis ni Banang.


Ano ba naman yan? Napakaungentleman naman ng kung sino mang tao iyan! Walang manners! Kahit paano ay magsosorry man lang ito sa kanya. Alangan namang hindi nito naramdaman ang banggaan eh, siya na mismo ay nasaktan ang mukha sa pagbangga sa matigas nitong katawan. Ano bulag lang ang peg? Walang nakita at walang pakiramdam? Buti pa ang bulag merong pakiramdam!


Susugurin niya sana ito pero unti-unti itong napalingon. Nakita niya ang mukha ng isang tao na isa sa pinakahuli-hulihang gusto niyong makita sa ngayon. She became speechless as she stares at his emotionless face. At that moment, a painful realization came to her. Obviously, the scene was repeated again. Yun nga lang hindi highschool uniform ang suot niya ngayon at ang lalaki ay hindi nalilisik ang mga mata. Napakakalma ng mukha nito pero wala siyang mabasang kahit anong emosyon.


Nang mapansin siya nito ay saka lang ito pinangunutan ng noo. Bumawi ito ng tingin at saka tiningnan ang sapatos na ibinato niya kanina. Pinulot iyon ng lalaki at saka naglakad palapit sa kanya. Hindi niya inaasahan ang susunod na gagawin nito. He went down to his knees and reached for her bare foot gently. Dahan-dahan nitong ibinalik ang kanyang sapatos. She was stunned by his gesture.


Tumayo ito at ngayon ay nakangiti na. A smile that would shake the building away. A smile that she had never seen for years. "Habit mo yata ang magbato ng sapatos. Hmmm, seems familiar?"


Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatitig sa mukha nito. Then she felt his heavy arm over her shoulder. He just gave her a pat.


"I have to go." wika ni Levi at saka muling tumalikod. "It was nice seeing you again, Sav."


Nang mawala ito sa kanyang paningin ay saka lang siya natauhan. Nakarinig na lang siya ng palakpakan mula sa kung saan. Inilibot niya ang paningin at nahuli ng mga mata niya ang mga kaibigan mula sa isang tabi. Tumatawa sina Cybel at James habang pumapalakpak. Si Dana naman ay may hawak na camera at parang kinukunan siya ng video.


"Ang sweet." parinig sa kanya ni Cybel. Palapit na ang mga ito sa kanya.


"Alin ang sweet doon?" mabilis na kontra niya pagkalapit ng mga ito.


"I have recorded everything." mabilis na kantiyaw ni Dana bago nito ibinaba ang camera na nakatutok sa kanya. "So, how was meeting the most elusive bachelor, Savs?"


"Disaster." sarkastiko niyang sagot. "At isa pa, anong elusive ka diyan? Nakuha naman na iyon ni Yuki."


"Do I hear a glint of jealousy in there?" singit ni James.


"Tsismoso mo James. Tigilan mo mga ang kakasama sa dalawang iyan at hinahatian ka nila ng mga berdeng utak nila."


Tumawa lang ang tatlo. Si Dana ang muling nagsalita. "Do you somehow knew each other?"


"What?"


"Kayo ni Levi Sullivan, magkakilala na ba kayo dati?"


Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon