Dumating lang si Ryka ay mabilis na nawala sa kanya ang atensiyon ni Levi. Kanina lang ay tila nagpapaligsahan sina Joel at Levi sa atensiyon niya. Ngayon ay si Joel na lang ang nasa kanyang tabi. Si Levi ay sumama kay Ryka at mamasyal daw ang mga ito.Buti na lang nandoon si Joel. Niyaya siya nito na magpunta sa ilog. The timing is so right. Nagmistulang therapy sa kanya ang ilog. Parang tinanggal nito ang sama ng loob niya.
They swam. They laughed. They sang. They shouted their hearts' content. They shared stories. They enjoyed their time. Pareho na silang pagod ni Joel nang bumalik sila sa mansion. Nandatnan nila doon sina Ryka at Levi na tumatawa sa sala habang nanonood ng noontime show sa telebisyon.
*****
Maaga pa lamang ay nasa bahay na ng mga Patterson si Ryka. Gaya ng pangako ng babae sa kay Levi kahapon ay ilalabas siya nito ngayon para ipasyal. Iniwan na lang nila sina Savannah at Joel sa bahay. Samantala, ang mga magulang ni Joel ay lumuwas sa bayan para sa isang importanteng appointment.
"May proposition ako sa iyo." sabi sa kanya ni Ryka habang namamahinga sila sa lilim ng isang malaking mangga. Iyon ay pagkatapos nilang libutin ang buong lupain.
"Ano iyon?"
"Let us make them jealous."
Nawalan siya ng sasabihin ng ilang segundo. Sa totoo lang ay hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ng dalaga. "Them?"
"Levi and Savannah." Ryka answered eagerly. "Napapansin ko kasi. They are getting extra closer these days. Natatakot ako na baka mainlove sila sa isa't-isa. If we will make them jealous, malaki ang pag-asang mapapasaiyo si Savs at mapapasakin sa wakas si Joel. Agree?"
Levi smiled sheepishly. Sa totoo lang ay wala pa siyang naiisip na paraan para makausap niya si Savannah. Ryka just gave him crazy id ea. And what is crazier? He found himself agreeing. "Ok, game ako."
"Are you sure? Walang atrasan ito."
"I am sure."
"Sige." wika ni Ryka na may abot-taingang ngiti. "Pero may isa lang akong kundisyon."
"And that is?"
"Bawal kang mainlove sa akin."
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Levi. Halos matumba siya sa pagkakaupo sa ugat ng punong mangga dahil sa sinabi ni Ryka.
"Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?" inis na sita sa kanya ni Ryka.
"Wala." he answered when he finally gained his composure. "Paano pag ikaw ang nainlove sa akin?"
"Tse!" anang dalaga. "Impossible iyon. Sure ako sa sarili ko na si Joel talaga ang aking minamahal."
"Sabi mo eh."
"Hala, tumayo ka na diyan at bumalik na tayo sa mansiyon. Simulan na nating ipatupad ang ating plano."
"Yes boss."
Pagbalik nila sa bahay ay pinilit siya ni Ryka na manood ng noontime show. Nang pumayag siya ay naging non-stop naman ang kanilang tawanan. Iyon ang naabutan nina Savannah at Joel. Pero imbes na pagselosin nila ang dalawa ay siya naman ang nakaramdam ng selos. Basang-basa ang mga damit ng dalawa. Who knows where the two came from and only God knows what the hell happened between them?
Nang mawala ang mga ito ay inis na inis siya nang bumaling sa kanya si Ryka. "Tara sa kusina magluto na lang tayo tanghalian."
"Good idea." he seconded.
*****
Nagulat si Savannah nang tawagin siya ni Ryka para kumain. Nang bumaba sila ni Joel ay napag-alaman nilang sina Levi at Ryka ang nagluto.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...