Ryan is lazily playing with his phone. He spent almost an hour rotating the device on his palm through his fingers. Kanina pa nito hinihintay ang reply ng kasintahan. Across the table, there's Pacoy. Kanina pa ito nagkukuwento ng kung anu-ano. His voice is a little bit fuzzy as a sign of being tipsy. Ang mga kasama nitong sina Kit, Jon at Timmy ay natatawa sa pinagsasabi nito. Katulad ni Pacoy ay medyo may tama na rin ang mga ito.
Beside Ryan sits Jake. Tahimik lang itong nag-oobserba sa paligid habang paunti-unting sinisimsim ang isang basong mojito. Hindi nito alintana ang katabing si Levi na kanina pa naglalabas ng sama ng loob. Si Joel na nasa tapat ni Levi ay tahimik din habang busyng-busy sa harapan ng laptop nito.
"Tama na yan Joel." ani Levi na punong-puno ng pang-uuyam ang boses. "Hanggang dito ba naman ay dinala mo ang trabaho mo."
"Oo nga." sang-ayon ni Timmy. "We are here to take a break from the world. Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo?"
Sunod-sunod na kantiyaw ang natamo ng binata sa kanilang magkakaibigan kaya napilitan itong iligpit ang ginagamit na laptop. Nakisali na rin si Joel sa mga walang kabuluhang pag-uusap nina Pacoy.
"Ano bang problema mo?!"
Pagkalipas ng ilang sandali ay biglang natigilan ang lahat nang mapatayo si Joel. Si Ryan na matutuwa sana dahil sa wakas ay nakatanggap siya ng text mula kay Patring ay hindi nabuo ang kasiyahan. Ang lasing na si Pacoy ay parang nagkaroon ng matinong kaisipan dahil maging ito ay biglang natigilan.
Napatingin silang lahat kay Joel at napansin ang basang pants nito. Habang si Levi ay naroroon lang at nakayupyop ang ulo sa mesa. Nakahawak pa ang kamay nito sa isang nakatumbang baso. Doon nanggaling ang alak na sumaboy sa pantalon ni Joel.
Dahan-dahang tumuwid ng pagkakaupo si Levi. He lazily eyed Joel. He raised his arm and lazily pointed at Joel. "Pare, ano bang problema?"
"Problema?" sarkastikong patanong na sagot ni Joel. Galit na galit ito. "Ikaw ang problema ko. Akala mo bang hindi ko alam na ako ang pinapatamaan mo sa kung anu-anong pinagsasasabi mo. Kanina ka pa nagpapasaring diyan na tila hindi kita naririnig. Alam kong sinasadya mong ibuhos yang inumin sa akin."
Levi sighed and ignored Joel. Muli itong yumupyop sa mesa na parang walang nangyari.
"What's the matter man?" tanong ni Jon kay Joel. Ito lang ang nangahas na lumapit sa lalaki at tinapik-tapik sa balikat.
"Oo nga." Ryan joined.
Jake shook his head. Sa kanilang lahat ay parang ito lang ang nakakaintindi sa sekretong hidwaang nangyayari pala sa pagitan nina Joel at Levi. "Joel is right, it's all Levi's fault."
Kay Jake napunta ang atensiyon ng lahat. Hindi na nila napansin na napatayo na pala si Levi at isang malakas na suntok ang pinakawalan sa kawawang si Joel. Napaatras ito sa lakas ng kamao ni Levi.
Galit na bumalik ito. He was ready to fire back but Jon and Ryan met him. Pinigilan nila ito at inilayo kay Levi. Si Jake naman at si Timmy ang pumigil kay Levi na handa na namang sumugod.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...