Ilang araw na ang nakalipas mula nang makaengkuwentro ni Banang si Levi sa lansangan. At hanggang sa pagkakataon ngayon ay hindi pa rin siya nakakamove-on sa nangyari. Ewan ba niya kung bakit hindi na niya makalimutan ang bagay na iyon.
Dahil sa nangyari at sa inis niya sa binata ay napilitan siyang huwag na lang pumunta sa blind date na naset-up sa kanya ni Yanyan. Sobrang late na rin siya sa panahong iyon kaya alam niyang nakaalis na siguro ang sana ay makakadate niya.
Muling nagbalik sa isip niya si Levi. Kaya lang naman siya nagalit dito ay binigla siya nito nang buhatin siya at ibaba sa lupa. Muntik pang malaglag ang hawak niyang camera. Sa Prairie pa man din iyon. Sa kanyang galit ay hindi na niya napansin na si Levi pala iyon. Alam niyang kasalanan niya ang nangyari pero nasaktan ang pride niya sa ginawa ng binata.
Enough of Levi! Hiyaw ng kanyang isipan. Kailangan na niyang pumunta sa Craze Mag. Ngayon ang nakasechedule na meeting nila sa kay Yanyan para sa kalokohan nito. Tumawag na rin ang kanyang mga kaibigan kanina na papunta na ang mga ito sa headquarters asawa ng boss niya.
*****
"Bakit hindi na tayo magstart sa briefing mo na yan Ate?" naiinis na wika ni Banang. Kanina pa sila nandoon ng kanyang mga kaibigan sa conference room ng Craze Mag. Nagmistulang reunion nilang magkakaibigan at batchmates noong highschool ang meeting na iyon. Bukod kasi sa kanila nina Cara, Patring, at Dodong ay naroroon din sina Pacoy at Ryan. Hindi alam ni Yanyan na magkasintahan ang apat na naroroon. Nagulat na lang sila kanina nang magkita-kita sa lugar na iyon. Nabanggit din ni Yanyan na sasali din sina Miguel, Kit, Jon, Joel, at Timmy pero iba ang scedule ng mga ito. Nakakapagtakang sila pang mga magbabarkada at magkakaklase noong high school ay magiging models ni Yanyan.
Mag-iisang oras na sila doon pero wala pang nababanggit si Ate Yanyan sa mga kailangan nilang gawin. Ang sabi lang nito ay hintayin lang daw nila ang isa pa nilang kasama. Kanina pa iyon sinabi ng babae pero wala na yatang dumarating.
"Ok." sa wakas ay sabi ni Yanyan na napapabuntong-hininga na lang. "Maybe, he will not make it."
"Hay, sa wakas."
"Ok, ngayong nalaman kong magkasintahan pala kayo Patring at Ryan at saka Cara at Pacoy. Nararapat lamang na kayo ang magkapair sa mga photoshoots." Tinawag nito ang assistant nito at may kinuhang isang folder. Nalaman nilang nandoon ang theme o uri ng mga kasuotan na kailangan nilang i-model.
"Wedding at saka formal kina Cara at Pacoy. Yung casual naman kina Patring at Ryan. How about that?" wika ni Yanyan na pinaglipat-lipat ang tingin sa apat na kaibigan ni Yanyan.
"No Miss Yanyan." pangingialam ng assistant nito na nakilala nilang Kathy ang pangalan. "I think, mas babagay kung sa wedding at formal si Miss Patring at si Sir Pacoy. Mas suwabe kasing tingnan ang dalawa. And Miss Cara and Mister Ryan are great for the casual. Bagay silang paglaruan."
"Just as I thought." singit ni Dodong bigla. "Masayang paglaruan sina Cara at Ryan. Halos naiisip ko na kung anong damit ang babagay sa kanila."
"Dodong, shut up." sita ni Cara dito.
"Maganda iyong naisip niyo." pagkuway wika ni Yanyan. Sinabi nito kung saan isasagawa ang photoshoot ng mga ito. Sa isang hotel kina Pacoy at Patring. Hindi na niya narinig kung saan kina Pacoy at Cara.
"Dodong will be joining Miguel, Timmy, Joel, Jon, and Kit."
"Ay, bet!" napatayo ang beki habang pumapalakpak.
"And Banz, pang summer sa iyo kaya nararapat lamang na sa beach tayo." wika ni Yanyan nang siya ay balingan. "Sayang at hindi nakarating ang partner mo. Pag-iisipan muna namin kung sa Palawan, Aurora o sa Zambales tayo."
"Ay bongga ang Savie!" Narinig niyang sabi ng kanyang mga kaibigan.
"I don't have that much time. Why don't we use green backdrops?" kontra ni Banang.
"Then, it will not be real. Walang gagamit ng green background. Craze is for reality darling." tutol ni Yanyan sa suggestion niya.
"Sino ba kasi ang ipapartner mo sa akin?"
"Oo nga." sabay-sabay na pahayag ng kanyang mga kasama.
"Secret." napapangiting sagot ni Yanyan. "Saka ko na lang sabihin sa inyo. At siya rin ang isiniset-up ko sa iyo. Iyong kablind date mo sana."
Pumalakpak ang kanilang mga kasama. Tuwang-tuwa ang mga ito sa narinig. Kasabay ng palakpakan ay ang umaatikabong kantiyawan ang kanyang natamo.
*****
Si Levi ay hindi nakarating sa usapan nila ni Yanyan. Marami siyang inasikaso kaya hindi na siya nakapunta. Nagtampo pa sa kanya ang asawa ng pinsan niya. Hindi daw niya kasi sineseryoso ito at ang kung anumang photoshoot na pinagsasabi nito.
Nakonsensiya pa siya tuloy. Impliedly, sinasakyan niya kasi ang kalokohang iyon ng kanyang hipag. At para mapanatag ang loob nito ay nakahanda na siyang gawin ang kung anumang gusto nitong ipagawa. Napag-alaman niyang summer outfits ang imomodel niya at mayroon siyang makakapartner. Sinabi pa sa kanya ni Yanyan na ang taong gusto nitong makadate niya ang ipapareha sa kanya. Natawa tuloy siya sa persistence ng babae.
Pinilit niyang itanong dito kung sino ang babaeng iyon para magkaideya naman siya. Hindi naman siya sinagot ni Yanyan ng matino. Basta ang sinabi sa kanya, eh, magugustuhan niya daw ang babae. Which is very unfair anyway. Kung magugustuhan niya ay sana sabihin man nito ang pangalan o kaya'y magbigay ng konting deskripsiyon ng babae.
Wala na siyang nagawa kundi pumayag na lang. Dahil wala na siyang oras pa para puntahan si Yanyan sa opisina nito ay sinabi ng babae na sarili na lang niya ang kailangan niyang dalhin sa araw ng itinakdang photoshoot. Bawala na rin daw itong i-inform siya kung kailanman at kung saanman iyon.

BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...