"Ay, Cara. Kumusta ka naman?" tuwang-tuwang tanong ni Dodong sa kanilang kaibigan. Buti naman at nakabalik ka na?"Ngumiti si Cara ng pagkatamis-tamis. "Ok lang ako. Kayo ang kumusta?"
Apat silang lahat na magkakaibigan. Sina Banang at Patring ang unang magkakilala. Magkaibigan sila mula pa noong sila'y mga paslit pa lamang. Si Cara naman ay nakilala nila noong sila ay grade three. Transferee ito sa school na pinag-aaralan nila noon. Then here comes Dodong. Nakilala nila ito noong first year sila. Dahil pareho sila ng mga hilig ay kaagad ding kumunek sa kanila si Dodong.
Si Cara ay tatlong araw na nawala dahil pumunta ito Sa Vancouver, Canada para bisitahin ang lola nitong maysakit. At ngayong nagbalik na ito ay happy-happy na silang lahat.
"Hay naku!" ani Dodong sa tonong nagsusumbong. "Buti na lang at dumating ka na para may magtanggol sa akin sa dalawang timawang iyan."
"Aba! Aba! Aba!" kontra ni Patring sa sinabi ni Dodong. "Sinong Timawa? Obviously, hindi ako iyon. Savy, ikaw ba ang tinatawag ni Dodong na timawa?"
"Of course not!" mabilis na kontra ni Banang. "At hindi rin ako mang-aapi. Baka sarili niya ang pinaparinggan niya Patring. Huwag niya tayong idamay."
"Kayo naman." natatawang awat sa kanila ni Cara. "Huwag niyong ganyanin si Dodong."
"Ay, thanks friend."
"Huwag niyo siyang ganyanin dahil mas malala pa ang aabutin niya ngayong nakabalik na ako."
Humagalpak sila ng tawa. Si Dodong naman ay halos maiyak sa luging-lugi nitong mukha. Hindi pa ito sanay na mas hustler pa si Cara sa pambubully kumpara sa powers nila ni Patring.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko." reklamo ni Dodong. "Kailan kaya ako tatanggapin nina Lovidabs sa kanilang grupo para maiwan ko na kayong mga pangit kayo!"
"Ay pasensiya ka na friend." muling palatak ni Cara. "Hindi sila tumatanggap ng Shokoy, i mean shokey sa kanilang grupo."
"Tumpak!" segunda ni Patring. "At ayaw nila sa pangit."
"Isang malaking check." dagdag pa ni Banang. "Kaya kung ayaw mo sa amin, wala na tayong magagawa diyan. You can freely leave the group."
"Ay gusto ko yan." nakangising wika ni Dodong. "Maghanap nga ako ng mga bago kung kaibigan. Mga bago kong ililibre."
Gamit ang dalawang kamay ni Cara ay malakas silang hinampas ng sabay ni Patring. "Ay basta ako, nagbabagong buhay ako. Loves na loves ko na si Dodang so beautiful."
"Ay, ako rin." si Savannah. "Narealize ko na mahal ko pala talaga si Dodong."
Sunod-sunod na papuri ang kanilang binitiwan para kay Dodong. Kung may ibang makakita sa kanila ay baka akalain ng mga itong totoo ang kanilang mga ginagawa. Well, ganyan na talaga sila kakulit.
"Ay teka lang." ani Patring. "Buti at hindi ka na Inglesera ngayon Cara."
"Duh? Tatlong araw lang ako sa Canada friend. In fact, less than three days."
"Eh ano naman." singit ni Dodong. "Bakit yung pinsan ko? Dalawang araw lang siyang pumunta sa Thailand. Pagbalik niya sa atin hindi na siya marunong magtagalog."
"Ay grabe siya. Anong salita niya?"
"Ano pa? Eh di Ilocano." sagot ni Dodong. Sunod-sunod na sapak ang natanggap nito. Pero in fairness, natawa sila sa joke nito.
"Paging for Miss Savannah Ismael and Mister Levi Sullivan, please proceed to the Administrator's office now. . . ."
Biglang nanigas si Banang nang marinig ang pangalan mula sa speakers sa canteen.
"Anyare?" tanong sa kanya ni Patring. "Bakit kayo ipinapatawag?"
"At ang malala niyan si Lovidabs ang kasama mo. Ay inggit ako friend. Sama ako, keri?"
"Tumahimik ka diyan Dodong!" singhal niya sa kaibigan. Nanumbalik ang kanyang galit na pansamantalang nawala. Malamang dinig na dinig ng buong campus ang pangalan niya. Nagkalat kasi sa buong school ang mga ganoong speakers para sa mga announcements at pantawag sa mga estudyanteng kinakailangang pumunta sa iba't-ibang offices.
"Pupunta ka ba?"
Sasagot sana si Savannah sa tanong ni Cara nang muling matawag ang kanyang pangalan. Naiirita siyang napatayo. "I need to go. Narinig niyo ba yung sinabi, urgent daw."
"Mag-iingat ka friend."
"Sa Admin office lang ako pupunta."
"Huwag mong halayin si Lovidabs ko. Kung maari ay huwag mo siyang dikitan pag nakita na kayo."
"He's all yours Dodong for all I care."
Mabilis niyang iniwan ang mga kaibigan baka hindi na siya makakaalis kung makikipagbiruan at asaran pa siya sa mga ito.
Habang papunta siya sa office ng principal ay kakaibang kaba ang nararamdaman niya. Wala siyang maalalang ginawa niyang masama. O baka naman nireport siya ni Levi.
"Ang duwag niya naman kung nireport niya ako" kausap niya sa sarili. Baka mabaliw lang siya sa kakaisip kung ano ang naging kasalanan niya. Wala talaga siyang maalala eh.
Nang marating niya ang office ng principal ay saktong nandoon din si Sullivan. Kakatok sana ito pero bigla siya nitong nakita. Ang kamay nito ay agad na umatras sa pagkatok. Hinarap siya nito na may nanlilisik na mga mata.
"Did you report me?" sabi nito sa kasukla-suklam na tono.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Pinagbibintangan siya nito! Wala siyang kinalaman sa kanilang pagpunta doon. Sabagay pinagbintangan din naman niya ito kanina. Pero teka lang, "Hindi ikaw ang nagreport sa akin?"
"Bakit naman kita irereport?" patanong din nitong sagot. Mas lalong nadagdagan ang inis sa mukha nito. "Ibig mong sabihin ay hindi mo rin ako nireport?"
Sa unang pagkakataon ay tinanguan niya ito. Hindi siya ang nagreport dito, hindi rin ito ang nagreport sa kanya.
"Bakit tayo pinatawag?" sabay nilang tanong sa isa't-isa.
"Tsss!" Iniwasan siya ng tingin at agad na itinaas ang kaliwang kamay at kumatok. Nakarinig sila ng boses sa loob na pinapapasok sila. Nauna itong pumasok. Naiinis siyang sumunod.
"Good morning Maam." bati nila. Muli, sabay silang nagsalita.
"Oh, good morning Miss Ismael, Mister Sullivan."
Pinaupo sila ng principal sa pagkaharap na upuan sa mismog harap nito.
"So we're here to discuss about your conduct inside my school." The principal pushed the reversible monitor towards them. "Can you explain this picture?"
She was so shocked. The picture is a close up of them sweetly kissing lips to lips. Paano nagkaroon ng kopya ang principal na ito. At ang mas nakapagtataka, sino ang walang hiyang kumuha ng larawan na iyan?
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...