Pagkatapos ng klase nina Banang ay hinila nila kaagad ni Patring si Dodong papunta sa canteen. Hindi pa nila nakakalimutan ang pangako nito kanina na ililibre sila."What's the fuss all about?" gulat na tanong ni Dodong. "Bakit niyo ba ako hinihila? Wala na bang lalaki ang nagkakagusto sa inyo para pagtiyagaan niyo ang isang tulad ko. Mind you girls, hindi tayo talo."
Isang malakas na sapak ang binagay dito ni Patring. "Ang wild ng imagination mo. Kahit kaibigan kita kung naging lalaki ka man, hindi kita papatulan. Ang pangit mo kaya!"
"Nakakasakit na talaga kayo. Hindi lang pisikal, kundi emotional, psychological, at mental pa. Nababaliw na ako sa inyo. Hindi ko alam kung bakit ko kaya naging kaibigan."
"Huwag ka ng magreklamo Dodong, ay este Dodang." wika ni Savannah sa kaibigan. Kailangan niyang lambingin ito para hindi mausog ang pangako nitong libre. "At dahil manlilibre ka, oy friend, ang ganda-ganda mo ngayon!"
"Talaga?" Kinumpirma pa ng uto-uto. "Maganda ako."
"Yeah, maganda ka." dugtong pa niya. "Ang kagandahan mo ay parang sa dilim ng gabi."
"Ay grabe ka friend. Nakakatouch ka. Ikinumpara mo pa ako gabi."
"Tama si Banang." sang-ayon ni Patring. "Ang kagandahan mo ay parang dilim hindi ko nakikita!"
Biglang natigilan si Dodong sa paglalakad. "Niloloko niyo ba ako? Niloloko niyo ako."
"Ano ka ba Dodang?" ani Banang at nagkunwang siniko-siko si Patring. "Maganda ka talaga. Ikaw kasi Patring? Ang nonsense mo mag-isip."
"Sorry na Dodang." bawi ni Patring. "Ang ganda-ganda mo talaga. Lalo na pag nanlilibre ka. Mas nakikita ko ang tunay mong kagandahan pag nasa harapan ko na ang pagkaing libre mo."
Pinandilatan niya si Patring. Winarningan niya ito baka makahalata si Dodong at hindi na sila ililibre.
"Sure kayo?" anang kawawang Dodong. "Sige. Tara sa canteen. Bilhin ko lahat ng gusto niyong kainin."
"Oh di ba Savannah, ang ganda-ganda ni Dodang."
"Tama ka Patring at mas maganda pa siya sa atin."
Nang mauna sa kanila si Dodong ay nag-apir ang dalawa at saka parehong umaktong isinusuka ang lahat ng kanilang mga sinabing papuri sa pobre nilang kaibigan.
Papasok pa lang sila sa canteen nang makarinig sila ng nakakairitang ingay. Halos alam na niya kung ano ang sanhi ng ingay na iyon.
"May artista yatang sumugod." ani Patring pero katulad niya ay alam na rin nito kung ano ang nangyayari.
At tama sila ng hinala. Ang grupo nina Levi Sullivan ang pinagkakaguluhan ng mga tao sa canteen. Lumapit si Dodong sa isang first year student na babae at saka nagtanong. "Anong nangyayari dito?"
"Si Levi po kuya. Pinakanta po kanina ng mga barkada niya." kilig na kilig na wika ng babae. "Ang ganda po ng boses niya. Nakakilig."
Biglang tinalikuran ito ni Dodang. Sumuplada ang beki. Hindi rin naman ito pinansin nung estudyante dahil muling bumaling ito sa table nina Levi.
"Bakit ka ba biglang nagkaganyan?" tanong ni Patring.
"Eh, tinawag niya kaya akong kuya. Ang sabi niyo, maganda ako, bakit kinuya ako ng batang iyon?"
"Ano ka ba Dodang?" agap niya rito. "Bakit ka ba naniniwala sa tsismis? Hindi seryoso yung bata na iyon. Maganda ka talaga. At wala siyang karapatang tawagin ka ng kuya. It is so not you."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...