31 Levi | Rex

1.9K 99 3
                                    


Tulad nga ng sinabi ni Banang sa sarili niya, si Kit ang isusunod niyang iinterviewhin. Hinanap niya ang lalaki at nahanap niya ito sa canteen kasama ang pinsan nito na kumakain.


"Puwede ko ba kayong maistorbo saglit?" nakangiti niyang bungad sa mga ito.


"Sure." sagot kaagad ni Frances, ang pinsan ng lalaki. Magugulat pa siya kung si Kit mismo ang sumagot. Napakamahiyain yata ng lalaking ito.


"Gusto sana kitang makunan ng interview Kit."


Nanatiling blangko ang expression nito. Then he slowly wrinkled his forehead. "Interview? About what?"


Tulad kina Miguel at Joel ay ipinaliwanag din ni Savannah dito kung saan gagamitin ang interview na kanyang ginagawa.


"Ako ba ang una mong nainterview?" Nang marinig niya ang tagalog nito ay lihim siyang natawa. Kakaiba ang pagkakabigkas nito dahil may accent. Napansin niyang pinipigilan din ni Frances ang sariling huwag matawa.


"Nope." she replied. "Tapos ko ng mainterview kanina sina Joel at Miguel."


Pagkatapos niyang makuha ang lahat ng mga detalyeng kakailanganin niya mula kay Kit ay nagpasalamat na siya rito bago umalis.


Si Mike naman ang sunod niyang hinanap. It's gonna be hard dahil konti lang yatang Tagalog ang alam ng Koreanong iyon. O intsik ba? Basta ganoon at ang pagkabulol ng lalaki ay mas malala pa kay Kit.


Hindi siya nahirapan sa paghahanap. Nasa canteen din kasi ang lalaki.


Pagkatapos ng mahaba-haba nilang pag-uusap ay nagpasalamat si Banang dahil natapos na rin ang interview niya rito. Nahirapan din siya kahit papano. Ang hirap kayang mag-English.


Masaya siya dahil naging successful ang unang araw ng interview niya na walang gaanong problema. Bukas ay sina Timmy, Pacoy, at JV ang isusunod niya. Then the interview would be done in just two days. Ang saya-saya! Hayahay!


*****


Si Yanyan ay napilitang pumunta sa canteen at kumain mag-isa. Hindi kasi pumasok si Paolo sa araw na iyon kaya wala siyang kasama.


She sighed. Naalala niya muli si Rex. It is not easy to admit pero namissed na niya ang kanyang bestfriend ng sobra-sobra. Suspetsa nga niya ay parang iniiwasan na siya ng lalaki. Hindi na kasi ito nagtetext sa kanya. Minsan, hindi pala, kadaladasan ay nangangati ang mga daliri niya na itext o tawagan ang binata. Ngunit, tuwina ay nauunahan siya ng kanyang pride.


Ayaw niyang siya ang mauunang kumontak sa lalaki. Kung ayaw ni Rex na itext siya, puwes, ayaw niya ring katext ito.


But, of course, that is not true dahil marami siyang nasave sa drafts na hindi niya kayang ipadala kay Rex.


Iisa lang kasi ang nasa isip niya. Babae siya kaya dapat si Rex sana ang unang magreach out sa kanya.


Pero alam ni Yanyan na hindi lang iyon ang dahilan. Ang mas malaking dahilan kung bakit ayaw niya itong padalhan ng mensahe o kaya'y tawagan ay natatakot siya na baka hindi sasagot sa kanya si Rex.


She sighed. Dati ay ok lang naman sa kanila ang lahat. Noong sagutin niya lang naman ang panliligaw ni Paolo saka naging ganoon si Rex. Gusto pa man din niyang ipagyabang ang kasintahan dito. Maalaga kasi si Paolo. Mapagpasensiya, mabait, at higit sa lahat hindi sinisita ang pagiging burara niya. Hindi siya nilalait tulad na lang ng palaging ginagawa ni Rex. If he could give himself a chance na makilala si Paolo, sigurado si Yanyan na magkakasundo ang mga ito.


She sighed again. Tama na nga itong pagmumukmok niya. Marami pa siyang kailangang isipin. And Rex was not one of her priorities right now. May assignment pa siya sa statistics at hindi niya alam kung paano gawin iyon.


Yun pa ang isang dahilan kung bakit nangungulila na siya kay Rex. Wala na siyang tagagawa ng assignments. Nahihiya siya kasing magpagawa o kaya ay magpaturo kay Paolo. Baka isipin ng lalaki na sinagot niya ito para may tagagawa ng kanyang mga assignments.


Hay, sana nandito kasi si Carlene. Ang babaeng bestfriend niya na parehong kababata nila ni Rex. Sa medical school kasi ito pumapasok dahil medisina ang kinukuha.


Nawalan na tuloy siya ng ganang kumain. Muli kasing nagbalik sa isipan niya ang kaibigan niyang lalaki. She was silently complaining. Si Rex kaya? Naiisip din kaya siya ng lalaki tulad ng ginagawa niya ngayon. Unfair pag hindi.


Pero, duda siya kung naiisip siya rin nito. Dahil kung ganoon ay sana matagal na itong nakipag-usap sa kanya. Alam pa man din niya na hindi siya matitiis ni Rex.


Then, a not so good thought invaded her mind. Could it be?


Posible kayang may iba ng kaibigan si Rex na babae? Well, siguro. Marami din naman itong kakilala baka may nakaclose na rin ito. Take Toni for example.


Ang dalaga ang palaging kasama ni Rex na kumakain sa canteen. Baka ito na rin ang kasa-kasama nito.


Ang strong sadness suddenly crossed her very beautiful face. Pagkakataon na siguro na magparaya siya.


Sa pagkakataong iyon ay narealize niya na selfish pala siya. Hindi niya binigyan ang lalaki ng pagkakataon na magkaroon ng ibang kaibigan maliban sa kanya. She became possessive of him like he was exclusively hers.


Kinuha niya ang buong oras ni Rex. He spent most of his time with her. Baka nagsawa nga ito. Karapatan din naman nitong maghanap ng ibang kaibigan. Hindi naman niya ito boyfriend para ipagdamot niya sa iba.


At that moment, she decided to let go of Rex. Hahayaan na lang niyo ito sa gusto nitong gawin. Hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo nito. Sad life.


Ngayon, bukas, at sa susunod na mga araw ay sisikapin niyang mamuhay na wala na si Rex sa kanyang tabi. Kung nagawa niya ng ilang linggo ay makakaya niya ring ipagpatuloy na gawin. At sinusubukan niya ring gawing mag-isa ang mga assignments niya. Wala ring ibang gagawa ng mga iyon kundi siya na lamang.


That's life. Masama na rin ang palaging nakadepende kay Rex. May sarili na rin itong buhay.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon