"Mga tol, nainterview na ba kayo?"Nag-angat kaagad si Levi ng ulo pagkarinig sa sinabi ng team mate at kaibigan niyang si Joel. Biglang umahon ang kursyusidad sa isip niya. Anong meron sa interview na sinasabi nito?
"Oo pare." si Timmy ang sumagot. Napansin niyang nagsitanguan din ang lahat ng kanyang mga kasama. "Maganda nga iyon. First time na gagawin nila."
"Oo nga eh." wika naman ni Kit sa nakakatawa nitong Tagalog. "I heard, a pictorial was scheduled for us."
Interview? Pictorial? Bakit wala siyang alam ni kahit isa sa dalawang sinasabi ng kanyang mga teammates? Marami pa siyang naririnig sa mga ito kaya hindi na niya matiis na magtanong.
"Anong interview ang mga sinasabi niyo? Ano yung pictorial?"
Napatingin sa kanya ang mga ito. Parehong may mga mukhang nagtatanong.
"Ang ibig mong sabihin, hindi ka nainterview?" tanong ni Pacoy. An amusement face was accompanied by his mocking question.
"Hindi eh." sagot niya. Mas lalong nagsikunot ang noo ng mga ito. "Tungkol saan ba iyon?"
"It's about ourselves mismo." si Mike. "Volition is going to release a magazine issue that is exclusively about us. Ifi-feature daw ang basketball team."
"Ah." Tumango-tango siya. Yun lang naman pala iyon. He does not mind anyway. Ayaw niya rin ang magpainterview sa ganoong dahilan. Halos alam ng niya kung ano ang mga tatanungin. Tila slum book na naman iyan panigurado. Those iritating questions he always avoids to answer.
"Pero bakit walang interview sa team captain?" ani Miguel. May kalakip na biro ang boses nito.
"Oo nga." sang-ayon naman ni JV na kanina pa tahimik. "Baka separate sa iyo."
"I don't mind anyway." He said honestly. "Ayaw kong pestehin ako ng mga tanong na walang katuturan. Like what is my favorite color or my likes and dislikes."
"Ganoon nga yung mga tinanong." natatawang pahayag ni Timmy. "Si sexy ang nag-interview pero."
"Sinong sexy?"
"Sino pa ba? Eh di yung muse mo."
Bigla ay nagugulat siya sa pinagsasabi ng mga ito. Sinong sexy na muse niya? Wala naman yata siyang maalala na nagkaroon siya ng muse na sexy.
"Hanep pare." kantiyaw sa kanya ni Pacoy. "Nakalimutan mo kaagad."
"Sino ba kasi ang tinutukoy niyo?"
"Patay-malisya." dagdag pang biro ni Joel. "Si Savannah Ismael tol."
Savannah Ismael? Sino iyon? Tatanungin pa sana niya ang mga barkada niya nang maalala ang mukhang palaging nang-aaway sa kanya. But lately, she did not wage war with him. Naalala pa niyang sinamahan siya nito pabalik sa canteen nang siya ay maligaw. They even shared on Yanyan's sandwich.
No wonder that girl did not interview him. Maliban na lang sa dalawa, she hates him and does not want to talk to him o kaya naman ay hindi siya feel ng babae na interview-hin. Ngayon ay bigla siyang nagkaroon ng interes. Parang gusto niya ring magpainterview rito. Well, he could manage to answer her questions about his favorites. Menggay is always a challenge to her at ang interview sana na ito ang pagkakataon niyang gumanti.
Kahit naman ipinamahagi niya ang sandwich ni Yanyan dito at tinulungan siyang makabalik noon sa canteen ay hindi nangangahulugang ayos na silang dalawa. Hindi yata madaling makalimutan ang lahat ng ginawa nito. Lalong-lalo na ang mga pasa niya sa mukha dahil sa mga suntok nito. At yung mga panlalait nito sa kanya.
He smiled without taking notice of it. Dahilan iyon para umulan ng tuksuhan sa kanilang grupo.
"Iba na 'yan pre." sambit ni Mike sa trying hard nitong Tagalog.
"Kung hindi ka namin kilala tol ay iisipin naming kinikilig ka."
"Gago!" natatawang sigaw ni Levi. He gave JV a light punch on the shoulder. "May naalala lang ako."
"Yung si sexy ba ang naalala mo?" patuloy na biro sa kanya ni Miguel.
"Tigilan niyo nga ako!" putol niya sa mga pangangantiyaw ng kanyang mga kasama. "Mabuti pa'y ipagpatuloy natin ang training. Sisigawan na naman tayo ni Coach Clifford kung tayo ay mahuli niya."
Pagkaraan ng isang araw ay lumabas na tama ang hinala ni Levi. Hindi nga si Banang ang lumapit at nag-interview sa kanya. Nasaktan ang ego niya kaya hindi siya pumayag na magpainterview. Sinungitan at inisnob pa niya ang estudyanteng nagpupumulit na kuhanan siya ng interview.
May namuo na kasing plano sa kanyang isip. Kahit maubos ang lahat ng mga staff writers ng Volition ay hindi siya papayag na magpainterview. Until Savannah is the one asking him those stupid questions.
*****
Pagkatapos ifinalize ni Banang ang lahat ng mga information at details na nakuha niya tungkol sa mga basketball players ay pumunta na siya sa kanilang adviser para isumite ang mga iyon. Sa opisina ni Sir Paul ay nadatnan niya ang kasamahan niyang writer na si Emma. Mangiyak-ngiyak ito habang nagsusumbong sa kanilang adviser. Naupo muna si Banang sa waiting couch at hinintay matapos ang mga itong mag-usap.
"Sir, ayaw ko na po ang assignment na iyon." sumbong ni Emma kay Sir Paul.
"Bakit naman Emma? I thought you are more than willing when I assigned you the task. Excited ka pa nga."
"Yun nga sir eh. Akala ko din magiging maganda ang interview with him pero hindi po ganoon ang nangyari. Aaminin ko po na crush ko siya pero hindi ko matanggap ang pagsusungit at pambabastos niya sa akin."
Banang sighed upon hearing Emma's testimony. Alam na niya na si Levi ang tinutukoy nito.
"Hindi ba ganoon talaga iyon Emma?" katwiran ni Mr. Concepcion. "You should expect that things to happen considering that Levi is a famous person."
"Basta ayoko na sir." giit naman ni Emma sa gusto nitong mangyari. "Napakabastos niya he called me different names that no one in her right mind can take. Ang sakit-sakit talaga Sir."
Sir Paul slowly resigned to his seat and gave out a heavy sigh. "Ok, papuntahin mo rito si Regina. I want her to take after your place for that assignment."
"I will Sir. Maraming salamat po."
Nagmamadali itong lumabas ng silid na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Well, she just shrugged her shoulders and faced their adviser.
"Good morning Sir."
"Problema rin ba iyan Savannah?" tanong nito na parang pagod ng makinig sa mga sumbong.
"Hindi ako ganoon sir." nakangiti niyang sagot. "Good news itong dala ko. Natapos ko na ang assignment ko."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...