86 Levi

1.5K 98 11
                                    

Abot-tainga ang ngiti ni Yanyan nang makalapit sa kinaroroonan nina Banang at Levi. "So, you've finally met each other." Kinikilig pa itong kumunyapit sa asawa nitong si Rex. "Oh, I am so happy."

Parehong matatalim na mga titig ang pinakawalan nila ni Levi sa babae. Halos maintindihan na niya kung ano talaga ang nangyayari.

"Anong ibig mong sabihin?" narinig niyang tanong ni Levi kay Yanyan sa matigas na tono.

"Ok." sagot ni Yanyan. "Let me introduce you to each other. Banz, this is Levi Sullivan, my very handsome husband's cousin. And Levi, this is Savannah Ismael or Banang, ang napakaganda kong kaibigan at kapitbahay."

Bigla siyang naguluhan sa narinig. Kung hindi siya bingi, tama ba ang dinig niya na si Levi at ang boss niya ay magpinsan. What the hell!

"Wait." muling sabi ni Levi. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni Yanyan. Napabulalas ito nang marahil ay magsink in sa utak nito ang mga sinabi ni Yanyan. "Magkakilala kayo! At magkapit-bahay!"

"Of course." muling sagot ni Yanyan. Abot-tainga pa rin ang ngiti nito. "And now that you already met each other. Gusto kong sabihin na kayo ang magkapareha sa photoshoot bukas."

"No way!" malakas na sigaw ni Levi. Maging siya ay natitigagal sa sinabi ni Yanyan. Ang ibig ba nitong sabihin ay si Levi ang matagal nitong ipinapareha sa kanya? Oh my gosh! That's absurd!

"Yes way!" Yanyan mocked Levi. Lumapit ito sa lalaki at binigyan ng mahinang batok. "Ano bang ayaw mo kay Savie? Di ba tama naman ang sinabi ko? She's beautiful and she's very sexy."

"You should have told me her name before para hindi ako nag-aksaya ng panahon na pumunta-punta dito."

Nakaramdam si Banang ng saglit na sakit sa sinabi ni Levi. Mas lalong tumaas ang level ng inis niya rito. "Well, pareho lang pala tayo. Kung alam kong ikaw pala ang makakasama ko ay nuncang tatanggapin ko itong pinapagawa ni Yanyan."

"Teka nga lang." singit ni Yanyan na naguguluhan sa kanilang dalawa. "Ano bang meron sa inyo at ayaw niyo ang isa't-isa?"

"Hindi pa ba obvious?" biglang sabi ni Rex sa unang pagkakataon. "Can't you see it? Magkakilala na ang dalawang iyan."

"Anong gusto mong palabasin?"

"They have known each other for so long. Natitiyak kong hindi lang ito ang unang pagkakataon nilang magkasama."

"At may alam ka ba na ganoon sila? Kung ganoon bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Hindi ko alam. Ngayon ko lang din napansin. Why don't you ask them kung tama nga ang obserbasyon ko?"

Bumaling sa kanila si Yanyan. She studied their every move. Every reaction. "Totoo ba? Is it true na magkakilala na kayo?"

"No!"

"Yes!"

Sabay pa nilang nasabi ang magkasalungat na sagot. Siya ang napahindi.

Sa kasamaang palad si Levi ang narinig ni Yanyan. "Paano kayo nagkakilala?"

"We're high school batchmates." matabang na sagot ng lalaki.

"What!" mas lalong nagulat na hiyaw ni Yanyan. "Impossible!"

"Well, you're right!" sarkastikong sabi ni Levi. "It is impossible."

She clenched her fist. Kung hindi niya napigilan ang sarili ay baka nasuntok na naman niya sa mukha ng isang ito.

"Well, that's good." Yanyan murmured. Nagbalik ang matatamis nitong mga ngiti. "You really are meant for each other. Noong high school pa kayo ay gusto ko na kayong ipakilala sa isa't-isa. Iyon lang kasi nagkaroon kami ng problema nitong asawa ko noon kaya hindi ko na naharap iyon."

"Whatever." muling sambit ni Levi. Daig pa nito ang insecure na babae. Hindi man lang matahimik.

Ngayon ay malinaw na ang lahat sa kanya. Magpinsan pala sina Levi at Rex. At dahil kilala silang dalawa ni Levi ng mag-asawa ay nakabuo ang mga ito ng plano na paglapitin sila. How convenient!

"So, hindi na mahirap na paglapitin ko kayong dalawa?" Yanyan said in half-asking tone.

"That's your problem." ani Levi at akmang tatalikod pero agad ding napalingon. "I will be leaving tomorrow."

"Nobody's leaving. Matutuloy pa rin ang photoshoot. Kayo pa ring dalawa ang bida natin. Kung anuman ang hindi niya pagkakaintindihan ay maayos din iyan. Pero, teka lang, we're you friends?"

"No!" magkapanabay nilang sagot sa parehong tono.

"Sounds interesting." Napalabi si Yanyan at saka tinapik-tapik ang sentido. "Hmmm. Don't worry. I will make you befriend each other. And of course, more than that."

"Nah." sa pagkakakataong iyon ay siya ang mas naunang nakasagot. "I'll pass."

"You're crazy Ate Yanyan." matigas na sabi ni Levi. "And by the way, saan ang tutuluyan kong cottage?"

Natigilan si Banang. Saka niya naalala ang problema nila kaninana ng lalaki.

"Hindi ka pa ba nakarating sa cottage mo?"

"Unfortunately, you gave me the wrong one at pati ang staff ng resort na ito ay maling susi ang ibinigay."

"Tama ang sinabi ko sa iyo sa tawag kanina."

"That cottage was already occupied."

"At sino naman ang nandoon?" painosenteng tanong ni Yanyan. Kung alam lang ni Banang ay sinadya yata ng babae iyon para magkakilala sila ni Levi o kung anuman ang nakakatawang mga plano nito.

"Ako." singit niya sa usapan ng dalawa. "Marahil ay parehong cottage ang ibinigay mo."

Tumawa si Yanyan. "Tama ka Banz. Parehong cottage nga ang ibinigay ko."

"Yanyan." Rex warned. Halatang hindi nito nagustuhan ang ginawa ng asawa nito.

"Shut up ka muna mahal. Let me handle this." anang babae sa asawa nito bago sila binalingan. "Wala ng available na cottage kaya kailangan niyong magsama sa iisa."

"No." matigas na usal ni Levi. "I will probably asked a room at the hotel."

"You won't be able to have a room. Fully booked na sila."

"I doubt." sansala ni Levi at mabilis na tumalikod. "If you'll excuse me, I have to secure a room at the hotel."

"Wait!" pigil ni Rex sa pinsan nito. "Your mouth is bleeding."

Levi uttered a silent curse. Lumingon ito sa kanya at pinanlisikan siya ng tingin.

"What happened?" tanong dito ni Yanyan.

"Tanungin mo iyang maganda at seksi mong kaibigan at kapit-bahay." Matabang nitong sagot at saka nagmamadaling umalis. Naiwan sila doong tatlo nina Yanyan at Rex habang pinagmamasadan ang papalayong binata.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon