"Oooooooooohhhh!"
Alam ni Savannah na pulang-pula na ang kanyang mukha habang kinakantiyawan siya ng mga kasama niya. Isang pasabog kasi ang laman ng presentation sa huli. It was her 'kissing scene' with Levi before. Iyong dahilan ng pagkakareport nila noon sa pagnakaw ni Levi ng halik sa kanya. Gusto niyang komprontahin ang nasa harap. Sino ba naman kasi ang may matinong pag-iisip ang maglagay ng ganoong video sa harap mismo nilang magkaklase noon?
Honestly, ngayon lang talaga niya napanood iyon ng buo. It gave her chills. Parang sobrang intimate kasi ang nangyaring halik. She could not even remember that she had closed her eyes then. It was as if she was savoring every moment of that kiss. She was never ashamed of her entire life until now.
Nang mapatingin siya sa kinaroroonan nina Levi ay nahuli niyang nakatingin sa kanya ang binata. And he is smirking! Samantala ang katabi nitong si Myla ay tumatawa. And she found that odd. Totoo kasi ang mga tawa ng babae. Wala siyang nakitang kahit anong pagpapanggap sa mukha nito.
Inirapan niya lang si Levi. Buti na lang at muling nagsalita ang emcee kaya nawala na sa kanila ang hot seat. Sayawan naman ang sumunod na part ng programa. Hindi nagpahuli ang couples nilang mga kaibigan. Tumayo sina Cara, Pacoy, Patring, at Ryan. Dumiretso ang mga ito sa dance floor. Napansin niyang ganoon din sina Myla at Levi.
Buong akala niya ay wala nang magsasayaw sa kanya pero lumapit si Joel at nakangiting hiningi ang approval niya para sila ay magsayaw. She accepted him with so much gladness. Nag-enjoy naman siya. Tulad ng dati, masayahin at kung anu-anong kalokohan na naman ang pinag-usapan nila ni Joel kaya hindi nila maiwasang mapatawa habang nagsasayaw. She was totally happy when the music stopped and they returned to their tables.
Ilang sandali lamang ay nagpaalam siya sa kanyang mga kaibigan para pumunta sa comfort room. Hindi na kasi siya kumportable sa kanyang mga suot. It was not really her thing to wear a dress or put on some make up. Ang plano niya ay burahin ang nasa kanyang mukha.
"Ehemmm!"
Natigilan siya sa ginagawang pagpupunas ng mukha nang makarinig siya ng tikhim. Nang mapalingon siya ay napansin niya si Myla na tila pinapanood ang kanyang ginagawa.
"Ikaw pala Myla, hello." Aniya pagkatapos ay muling itinuon ang sarili sa salamin at nagpatuloy sa paglilinis ng kanyang mukha. Naramdaman niyang lumapit si Myla at ipinagpatuloy ang panonood sa kanya. "Kumusta ka na Savannah?"
It was bizarre that she felt some warmth with her voice. Natigilan siya at hinarap niya itong muli. Myla was even smiling at her. "I am fine I guess. What about you?"
"I am fine as well. Maraming taon na rin ang nakalipas ano?" wika nito na parang nahihiya pero may sigla pa rin ang boses. "I am hoping that I could take this opportunity to apologize for what I've done in the past."
Ngayon ay mas lalo siyang nawindang. Ano naman kaya ang binabalak ng babaetang ito? Hindi siya sumagot bagkus ay tiningnan niya lang ito with so much curiosity.
"I know, it was already too late. Pasensiya na for being so mean to you before. Matagal ko nang pinagsisihan ang lahat ng mga pinaggagawa at pinagsasasabi ko sa iyo before. Ngayon kasi uli tayo nagkita kaya I have to say sorry to you in person." Kapansin-pansin ang sinseridad sa boses nito kaya naantig na rin ang kanyang damdamin. Parang nagbago nga ito ng tuluyan.
She smiled. This time, it was real. "Wala na ang mga iyon sa akin Myla. Matagal na rin kaya nakalimutan ko na."
"Thanks Savannah! So, friends?"
"Sure, friends."
"Thanks again. Anyway, napansin ko ang sekreto niyong mga tinginan ni Levi kanina. Huwag kang mag-alala, he's not mine." Itinaas nito ang kamay at ipinakita ang singsing sa daliri nito. "I am already engaged to one of his friends. Ang fiancée ko kasi ang nagsuggest na magkasama daw kami dapat ni Levi na umattend ngayon. You know, para daw may magbantay sa akin."
"I am happy for you Myla." tipid niyang sagot. "Pero bakit mo sinasabi sa akin?"
"Because I know that you are being jealous of me." Tumawa ito. "At patawarin mo rin ako sa sinabi ko noon na kami na ni Levi. Hindi totoo iyon. Nasabi ko lang naman iyon dahil gustong-gusto ko siya dati. At alam ko ring kayo na noon. Sorry again."
This time, wala na siyang masabi. Naalala pa niya kasi ang pangyayaring iyon. Iyon ang dahilan ng pagsuko niya noon kay Levi at iyon ang isang malaking dahilan ng pagkakagalit niya sa lalaki sa pag-aakalang niloko lang siya nito. Matagal ng nangyari iyon. It does not matter to her anymore. Kasalanan man ni Myla ang mga nangyari, may mali din siya dahil sumuko na siya kaagad without asking Levi if it's true.
And all those things happened before. Malalaki na sila ngayon at nagmature na sila. Hindi na dapat pinag-uusapan ang mga ganoong bagay. "It is fine Myla. It really is."
"Thanks!" she uttered and gave her a tight hug. "See you around." Tumalikod na ito at dumiretso sa pintuan. Muli itong napalingon at tiningnan siya. "By the way, you are prettier without makeup."
"Thanks!" she replied bago ito makalabas. Nakangiti na rin siyang bumalik sa kanyang mga kaibigan.
"What happened to your face?" si Dodong ang unang nakapuna sa kanyang pinaggagagawa.
"What's with my face?" she replied in a similar tone.
"You erased your make up." si Ryan ang nagkomento. "You are prettier without it. Just like my Patring."
"Are you somehow insinuating that I should erase mine too?" malanding wika ni Patring sa boyfriend nito.
"At kahit sabihin ko man, you will never comply. So, what's the use of saying it."
Natameme si Patring na siyang ikinatawa nilang lahat.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...