59 Levi

1.7K 102 43
                                    


Gustong-gusto ni Levi na umalis sa lugar na iyon. Hindi lang niya maintindihan kung bakit pinili niyang manatili roon. Gusto niyang makita at marinig kung ano ang nangyayari sa loob ng classroom. Ang sigurado siya ay nag-uusap sina Jake at Banang.


"Matagal ko ng gustong sabihin sa iyo ito." malakas na sabi ni Jake. Humawak ang dalawang mga kamay ng kanyang kaibigan sa kamay ng girlfriend niya. Kinakabahan siya sa nangyayari. He wanted to open the door. Gusto niyang pumasok to snatch his girl and go away from that classroom. Wala siyang tiwala sa nangyayari.


"What do you want to say?" tanong ni Banang. Ang mga mata nito ay nakatutok sa mukha ni Jake.


No! Naghuhumiyaw na sigaw ng kanyang utak. Hindi maari ito. Sa kanya dapat ginagawa ni Banang ang ganoon. Sa kanya lang dapat inuukol ang ganoong pagtingin. Maari siyang pumasok at ilayo si Banang doon o kaya ay umalis na lang para hindi masaksihan ang pangyayari. Pinili niyang nanatili sa labas na nanonood.


"Matagal na kitang gusto." nahihirapang wika ni Jake. "Mula pa noong una kitang nakita ay nagkagusto na ako sa iyo. Can you give me chance para ligawan kita?"


Napansin niyang napangiti si Banang. "Matagal na rin kitang gusto."


Sapat na iyong narinig ni Levi para sumugod siya at komprontahin ang kanyang kasintahan. Pero wala siyang balak na gumawa ng eskandalo. Pinili na lang niyang lisanin ang lugar na iyon. Tuloy-tuloy niyang nilisan ang school at naghanap ng lugar kung saan niya maaring ibuhos ang kanyang galit.


*****


Nagpalakpakan ang kanilang mga kasama pagkatapos nilang gawin ni Jake ang eksena para sa play na gagawin nila sa Baccalaureate. Tuwang-tuwa si Yna na siyang nakaisip ng concept na kanilang gagawin. "Ang galing-galing niyo! Hindi kami nagkamali sa pagpili sa inyo."


"Salamat." nakangiti niyang sabi at saka naupo. Inilabas niya ang kanyang phone upang mabigla lamang nang makitang napakaraming missed calls mula kay Levi. Bigla siyang naguilty. Nakalimutan niya kasing sabihin dito na may iba pa silang pinapractice bukod sa graduation ceremony.


Tinawagan niya ito pero hindi na ito nagrerespond. Tinext niya ang kanyang kasintahan pero wala siyang natanggap na reply mula dito. Muli niyang itinago ang kanyang cellphone. Mamaya na lang niya ito kontakin muli.


Pero natapos na ang araw na wala pa rin siyang natatanggap na tawag o text mula kay Levi. And he is not responding to her calls and text messages. She's silly even when she went to the gym and hoped that Levi is there waiting for her. Of course, he's not there. Bigla siyang kinabahan. Ito ang unang araw na hindi sila nagkausap o nagkita ng kanyang kasintahan.


Pagabi na nang magdesisyon siyang umuwi na lang. Maybe, she will seek for Levi again tomorrow. Kailangan niya ring umuwi at magpahinga. The day is very long and it consumed her.


Palakad siya papunta sa terminal ng jeep when the call happened. It was Levi. She stopped on her tracks and found herself answering the call with so much eagerness.


"Hello."


She felt a small hint of disappointment when she heard a different voice. Hindi si Levi ang may hawak ng phone nito. Then she heard it, the one who called is a staff of a certain bar. He told her that his boyfriend is in the bar totally wasted.


Bigla siyang kinabahan sa nalaman. Anong pumasok sa isip ng kanyang boyfriend para maglasing mag-isa? And the fact that Levi is not drinking liquor.


Mabilis siyang nag-iba ng direksiyon. Pinuntahan niya ang bar na sinabi ng kung sinumang tumawag sa kanya. Laking pasasalamat niya dahil hindi naman marami ang mga tao doon. Hindi pa kasi masyadong dumilim kaya medyo konti ang mga customers.


Lumapit siya sa counter at nagtanong. Sinabi naman sa kanya ang kinaroroonan ni Levi. Napag-alaman niyang kanina pa palang tanghali pumunta doon ang kanyang kasintahan.


Pagkatapos nagpasalamat ay hinanap niya ang table na kinaroroonan ng kanyang boyfriend. Then she found it. Hindi kaagad siya nakalapit dahil sa eksenang nasaksihan niya. Levi is not alone. May kasama pala itong babae. At hindi lang basta kasama. They are kissing!


Siyempre lumabas ang pagiging palaban niya. Kumukulo ang kanyang dugo na napalapit. Only to stop in the middle nang mamukhaan niya kung sino ang kahalikan ng magaling niyang boyfriend. It was Myla, their editor-in-chief in Volition.


Natapos na ang paghahalikan ng mga ito. Levi is now sleeping with his head on top of Myla's lap. Doon na siya napansin ni Myla. Isang matagumpay na ngiti ang pinakawalan nito. "Oh Savannah, it is a surprise to see you here. Umiinom ka rin?"


"I. . ." Hindi na niya nagawang makasagot. The sight of her boyfriend in another's arms is unbearable.


"Oh, I almost forgot. Baka hindi mo alam, Levi is my boyfriend. Alam kong chickboy siya pero alam kong ako pa rin ang mahal niya. You know, we've been together for two years."


"Ah, good for you." she said with unbelievable calmness. Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon. "It was nice seeing you around."


Tumalikod siya at dumitretso sa counter. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. The pain is slicing every veins of her body to the tiniest of her cells. That was the most bizarre things she ever heard in her entire life. Hindi siya umiinom but she found herself ordering the strongest drink they have in that bar. Inisang lagok niya iyon. She paid the drink and left the bar with her heart totally broken and her body totally unwell. Nakauwi siya sa kanilang bahay at totoong natulog.


Pagkatapos ng ilang araw ay hindi na niya nakikita si Levi. Hindi rin ito nagtetext at tumatawag sa kanya. Hindi niya rin ito kinokontak. That proves Myla correct. She must be one of those 'palipasang oras' ni Levi.


Sumapit ang araw ng kanilang graduation. Levi did not attend the ceremony. It was the principal who received his awards. Napag-alaman niyang tiyahin pala iyon ni Levi. Her friends did not ask her a bit. Walang kaalam-alam ang mga ito sa totoong nangyari. Well, palaban siyang tao at paninindigan niya iyon. She is proud of herself because she did not let any single tear to fall from her eyes.


This marks the end of part one.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon