43 Rex

1.8K 99 4
                                    




                 

"Yanyan I guess, our relationship is not doing very well." malungkot na pahayag ni Paolo sa kanya nang magkita sila sa kanilang school isang araw. Si Yanyan ay saglit na kinabahan.


"Anong gusto mong sabihin?" tanong niya sa binata kahit alam na niya kung ano talaga ang ibig nitong sabihin.


"You know what I mean." muli nitong sabi. Napakalungkot talaga ng boses nito. "I know what you really want."


Bigla siyang nagbaba ng tingin. Nagiguilty na rin siya. She had been unfair to Paolo the moment she accepted him as her boyfriend.


"Ano ba kasing sinasabi mo?"


"Alam kong hindi mo talaga ako gusto. Pasensiya ka na kung ngayon ko lang sinasabi ito pero matagal ko na kasing napansin na hindi mo talaga ako mahal. You are in love with your bestfriend."


"Paolo."


"Hayaan mo muna akong magsalita please. I am ending our relationship Yanyan. Mas lalo lang akong nasasaktan pag nakikita at nararamdaman kong hindi ka naman talaga masaya na kasama ako. I am sorry. I really love you pero wala na akong magagawa kung hindi mo naman pala talaga ako mahal."


"Paolo naman." Bigla na lang siyang napaiyak. Masakit din palang marinig ang katotohanan mula mismo sa kanyang kasintahan. Ngayon na rin niya narealize na pagmamahal nga talaga ang nararamdaman niya para kay Rex. Iyon ang bagay na matagal na niyang ayaw aminin sa kanyang sarili. Nakakahiya na ang sarili niyang boyfriend ang nagbigay sa kanya ng realisasyong iyon. "I am sorry."


Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit habang paulit-ulit na binibitiwan ang mga katagang 'Sorry'. Then she felt his arms. Hinahaplos na lang nito ang kanyang likod. "It is ok. I understand you Yanyan. Hindi ko naman hawak ang puso mo. Huwag mo ng sabihing mahal mo ako para lamang pagaanin ang pakiramdam ko. Alam ko na ang totoo at tinatanggap ko iyon."


"Maraming salamat Paolo."


"So friends?" Paolo said with a humoring tone. "You know, this is the line that I despise after ending a relationship."


"Ok,  friends."


And there goes, magkaibigan na lang sila ni Paolo. Ikinuwento na lang nito kung paano nito napansin na si Rex pala talaga ang kanyang gusto. Ayon dito, palagi raw si Rex ang bukambibig niya. Ito raw ang palagi niyang hinahanap kahit na magkasama sila. Unknowingly, nilalaglag na pala niya ang kanyang sarili kay Paolo. And she felt sorry for him. Buti na lang at mabait itong tao. Kaya mula sa araw na iyon ay nanatili na lamang silang magkaibigan.


Problema na lang niya kung paano niya sasabihin kay Rex ang totoo niyang nararamdaman. Lalo na at may Toni na ito. Hindi na kasi sila nagkikita ni Rex mula nang maging sila ni Paolo. Si Toni na ang kasa-kasama nito. Narinig pa niya sa mga kaibigan ni Toni na magkasintahan na nga ang dalawa.


Or she could have her feeling for him all by herself. Huwag na lang siyang aamin baka masira pa ang kanilang pagkakaibigan. Hahayaan niya lang ang kanyang bestfriend na maging masaya sa piling ng girlfriend nito.


*****


Masaya si Yanyan sa araw na iyon habang papasok siya sa kanyang klase. Wala siyang dapat na ikalungkot sa breakup nila ni Paolo. Totoo naman kasi ang mga sinabi nito. Buti nagawa nitong iparealize sa kanya ang bagay na iyon. At ngayon, in good terms pa rin sila as friends. Sinabi naman sa kanya ni Paolo na hindi ito lalayo. Na mananatili pa rin itong isang kaibigan. That was how noble he is. Sana ganoon lahat ng mga lalaki. Eh, wala na sanang babae ang masasaktan at iiyak.  Pero hangad na rin naman na mahanap na rin ni Paolo ang totoong para dito. Para mabawasan man lang ang guilt na nararamdaman niya.


Now that Rex has a girlfriend, pipilitin niyang maging masaya na lang para dito. Halos ito na rin naman ang palaging naagrabyado niya. Hayaan na lang niyang maging masaya naman ito sa piling ni Toni. Well, hindi naman sa iiwan na niya ito pero gawin na niya ang ginagawa sa kanya ni Rex dati-ang magiging sandalan nito kapag meron na itong problema. Well, kakayanin niya rin ang kanyang mga assignments para hindi niya iaasa sa lalaki ang lahat. Magbabagong buhay na siya.


Pero sa totoo lang, namimissed na niya si Rex. Ilang araw o linggo na kasi silang hindi nag-uusap. Naging busy kasi ang kaibigan niyang iyon sa kasintahan nito. Siya naman ay kay Paolo rin nakatutok ang kanyang atensiyon. Kaya ayun, hindi na sila nagkakasama. At ngayong wala na siyang boyfriend ay hayaan na muna niyang ang lalaki ang unang lumapit baka makaistorbo pa siya sa mga ito. Sinabi rin naman ni Paolo na mananatili pa rin silang magkaibigan. That he would accompany her everytime she wants. In that way, hindi na siya mag-iisa pa. Feeling niya tuloy ang suwerte-suwerte. Thanks God and He let her met someone like Rex and Paolo.


At dahil, good vibes na nga siya, binati niya lahat ng mga kakilala niya na nakakasalubong niya sa araw na iyon. Hinanap pa rin ng mga mata niya si Rex kung masilayan niya ito kahit saglit man lang. Kahit nabigo siya ay masaya pa rin siyang pumasok sa kanyang unang klase.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon