Pagkaraan ng isang araw ay muling ipinatawag si Banang ni Sir Paul. Natapos na naman niya ang trabaho niya sa Volition kaya nagtataka siya kung ano ang ipapagawa nito. Ganoon pa man, pumunta pa rin siya sa opisina nito pagkatapos ng kanyang klase para malaman kung ano ang sasabihin o ipapagawa sa kanya ng kanilang adviser.
"Good afternoon Sir." bati niya rito pagkatapos niyang kumatok. Paul Concepcion looked at her then smiled. Kusa na siyang pumasok.
"Ano pong meron Sir?" she asked casually, taking the seat in front of his desk without waiting for his permission.
"Problem." Mr. Concepcion replied. Isang makahulugang tingin ang pinakawala nito sa kanya.
"Ano pong klase ng problema iyan Sir? Nakahanda po akong tumulong kung may makakaya po ako."
"You are the solution Savannah."
"Paano pong naging ako? Ano po ba kasi yung problema?"
"It is about the basketball teamagazine issue."
"Ano pong problema doon?" tanong niya na sa pagkakataong iyon ay nadagdagan pa ang kanyang pagtataka."Sa tingin ko naman po ay nagawa ko ng maayos ang trabaho ko."
"Oh, it is not you." Paul assured her. "I already checked your work and I am impressed."
"So, saan po tayo may problema?"
Sumandal si Mr. Concepcion sa upuan nito. "Kay Levi Sullivan."
She let out an involuntary sigh. Talagang malaking problema nga ang isang iyon. At kung si Levi ang pinag-uusapan talagang wala ng solusyon doon. Might as well end the project and continue on with what they have.
"Ano pong meron sa isang iyon?"
"Ayaw magpainterview. Apat na kasamahan mo na ang binigyan ko ng trabahong i-interview siya pero walang nangyari. Lahat ay bumalik sa akin na nagsusumbong. Binabastos daw sila ni Levi. He verbally attacked them and called them names." mahabang salaysay nito.
Ang ngitngit niya kay Levi ay kaagad na nagbalik. Muling sumariwa sa kanyang ala-ala ang sinapit niya sa lalaki. Isa-isang nanumbalik sa kanyang isip ang lahat ng mga hirap na dinanas niya sa lalaki. Nakaukit na pala sa kanyang subsconcious ang mga iyon. This time, her hatred to Levi intensified. Mas lalong nalaman niyang pati mga kasamahan niya sa Volition ay nabiktima nito.
"Hopeless na talaga ang isang iyon." she said without any care kung narinig man siya ni Mr. Concepcion. "Huwag na lang natin siyang isama Sir."
"Sayang naman ang issue kung wala ang star player." komento ni Sir Paul. "Kaya nga kita pinatawag dito ay para ibigay sa iyo ang task. Ikaw na ang mag-iinterview kay Mr. Sullivan."
"That was foul Sir!" kaagad niyang reklamo. "Napag-usapan natin na ako ang mag-iinterview sa lahat ng mga players maliban sa isang iyon. Nagawa ko naman iyon Sir."
"Pero, ikaw ang gusto ni Levi na mag-interview sa kanya."
Tuluyan nang nanlaki ang mga mata niya. Tama ba siya ng narinig? Siya ang gusto ni Levi na mag-interview dito? That was absurd. "That's not true."
"Totoo ang sinabi ko Savannah." patuloy ni Sir Paul. May nakakalokong ngiting nakapaskil sa mukha nito. "In fact, si Levi daw mismo ang nagsabi na ikaw ang gusto niyang mag-interview sa kanya. He said that he will only accept interviews if you are going to do it."
She was speechless. Ano naman kaya ang binabalak ng Levi na iyon at may pagkachoosy pa? Gusto naman palang magpainterview, bakit siya pa ang kailangang gumawa? Basta, masama ang kutob niya sa gustong mangyari ni Sullivan.
"Ayoko Sir."
"Bakit hindi natin siya pagbigyan?" Paul Concepcion uttered. Amusent is all over his face. Alam niyang tinutukso na siya mg adviser ng Volition. "Siguro, madali rin ang gagawin mong interview kagaya ng nagawa mo sa iba pang mga kasama niya."
"Huwag na natin siyang isama sa magazine Sir. Ang arte-arte niya. Interview lang naman iyon."
Paul laughed hardly. "We will include him. And you will interview him. Inaasan ko ang resulta ng interview monday after next week."
Kahit anong pagtutol ay walang nagawa si Savannah. Lumabas siya sa opisina ng Volition adviser na may dala-dala na namang problema. Tomorrow, she will start on her interview immediately para matapos na. Nagdesisyon na siyang umuwi na lang.
Ang ngitngit na nadarama niya ay pansamantalang nabawasan nang makita niya si Yanyan sa terminal ng jeep. May kasama itong lalaki at parehong nagtatawanan. Nagulat pa siya nang mapansing iba ang kasama nito. Hindi yata si Rex iyon.
Matamis siyang nginitian ng kanyang kapit-bahay nang siya ay masilayan. Tuluyan na siyang lumapit sa mga ito.
"Savy." masayang sabi ni Yanyan. Napansin niyang nakangiti na rin ang kasama nito. "Ipapakilala kita sa kasama ko. Siya si Paolo, boyfriend ko. Pao, si Savannah, kaibigan at kapitbahay ko."
"Hello po." nakangiti niyang bati sa binata. Bagaman nabigla siya nang malamang boyfriend ni Yanyan ang pogi nitong kasama ay nanaig pa rin ang kanyang composure. Akala niya si Rex ang boyfriend nito. "Ikinagagalak po kitang makilala."
"Same here." matamis na sagot sa kanya ni Paolo.
At ayun pagkatapos ng konting kumustahan ay magkasabay na silang tatlo na sumakay ng jeep. Nawalan na ng imik si Banang habang naririnig niya ang kiligan nina Yanyan at Paolo. Somehow, she is a little bit envious of the two. Gusto niya rin ng kakiligan.
Kahit na guwapo at maappeal si Paolo ay naiisip ni Banang na mas bagay sina Yanyan at Rex. Ewan ba niya kung bakit bigla siyang nanghinayang nang malamang boyfriend ni Yanyan si Paolo.
Nang makarating na ang jeep sa tapat ng kanilang tahanan ay si Yanyan na ang pumara. Hanggang sa pagbaba ay sumabay din si Paolo. Talagang ihinatid pa pala ng lalaki ang kanyang kapitbahay hanggang sa doorstep ng mga ito. Nagpaalam na siya sa mga ito bago pa man makaistorbo siya sa momeng ng dalawa. Tumalikod na siya at napapailing na lamang na tumuloy sa kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...