1 Levi | Rex

11K 244 19
                                    

"Hay buhay!" wika ni Banang habang nakatingala sa maaliwalas na kalangitan. Sinilip niya ang nagbabantay na guard sa gate ng kanilang school. Alerto pa rin ito. "Hay life! Ang epal ko talaga sa mundo. Kung bakit ko pa kasi naiwan ang ID kong iyon?"


Napabuntong-hininga siya at muling sinilip ang guard. "Pero mas epal yang guard sa akin. Ayaw ba naman akong papasukin. Bahala na nga."


Tinakpan niya ng hawak niyang libro ang kanyang mukha at sumabay sa mga estudyanteng papasok. Nagsimula na siyang nagbilang hoping that the guard will not notice her. Ito na, ito na.


Akala niya ay makakalagpas na siya dito pero biglang may naramdaman siyang matigas na bagay sa kanyang puson. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing drum stick, ay este inspection stick pala iyon ng guwardiya. Yung ginagamit ng mga itong pantusok sa bag.


"Kuya, pambihira naman oh?" reklamo niya at napaatras ng bahagya. Napansin pa niya ang ngisi sa kanya ng guard. "Papasukin niyo na kasi ako."


"Pasensiya ka na Miss. No ID, no entry."


"Boss naman, nakauniform ako oh." aniya at irarampa sana niya kung hindi lang nakakahiya sa mga tao. "Hindi pa ba sapat ito para papasukin niyo ako? Sige na manong guard, malilate na ako oh?"


"Sorry miss. Sanay na kami sa mga ganyang gimik. Mamaya modus na naman iyan."


"Modus?!" gulat na bulalas niya. "Anong akala niyo sa akin, masamang tao? Boss naman, isa po akong mabait at mapapakinabangang citizen ng Pilipinas, plus points pa yung kagandahan ko."


"Pasensiya na talaga Miss. Ganyan na ganyan din ang sinasabi ng mga lumalapit dito. Pag pinapasok namin ay nagbebenta lang pala ng kung anu-ano sa mga estudyante."


Hindi siya makapaniwala sa narinig. Imbiyerna naman itong si kuya. Napagkamalan ba naman siyang tindera. Sa ganda niyang ito. This is an insult.


Napabuntong-hininga siya muli. Hopeless na talaga kahit anong gawin niya ay hindi siya nito papasukin.


Nang bigla siyang may naalala. Ibinaba niya ang kanyang bag at iniisa-isang inilabas ang mga iyon. Nang makita ang hinahanap ay muli niyang binalikan ang epal na guwardiya. "Kuya, gusto niyo ng cake." Ipinakita niya rito ang isang slice ng cake na nakalagay sa disposable container. "Ako ang gumawa niyan."


"Hindi mo ako madadalala sa suhol mong iyan Miss." nakangisi nitong pahayag.


"Eh 'di, huwag!" galit na sigaw niya at muling ibinalik sa bag ang hawak na container.


Lumayo siya dito at sinipa-sipa ang sementadong pader ng eskwelahan. Napahiyaw siya sa sakit nang tumama ang kanyang hinlalaki sa semento. "Awww! Buwisit na guard yan! Buwisit na pader ka!"


Sinuntok niya ang pader at muntik na siyang mapaiyak nang muli siyang masaktan dahil na rin sa sarili niyang kagagawan. "Aray! I hate you!" singhal niya sa semento na akala mo naman ay sasagot at magrereklamo din. Halos maiyak na siya sa sobrang frustration. Kailangan niyang makapasok kaagad para ipasa ang kanyang article sa school paper. Baka pagalitan na naman siya ng editor niya. Mainit pa man din ang ulo ng editor na iyon sa kanya.


Gusto na niyang maglupasay sa tabi ng gate. Magmakaawa. Magdrama. At kung ano pang maari niyang gawin, mapapasok lamang siya ng guard.


Pero bago pa man niya maisakatuparan ang mga binabalak ay may nagsalita sa kanyang likod.


"Miss?"


Napalingon siya at napansin niya ang guwapo at matangkad na lalaking nakatunghay sa kanya.


"Po?" nahihiya niyang tanong sa lalaki. Mula sa pagtingala rito ay bumaba ang kanyang paningin hanggang sa mga sapatos nito. Ang suot nitong polo ay tuwid na tuwid. Maging ang itim nitong slacks. Kahit konting gusot ay wala siyang nakita. At ang sapatos nito ay nangingintab dahil sa sobrang linis.


Bigla siyang sinaniban ng hiya sa ginagawa niya. Hindi niya alam na meron pa pala siyang ganoon sa katawan. Well, atleast, she confirmed that she's normal. Napataas ang kanyang tingin dito at napansin niya ang pagkakakunot-noo ng lalaki, na agad ding napalis dahik inilahad nito ang kamay nito sa kanya.


She held his arms and the stranger pulled her up. Naitayo siya nito ng walang kaeffort-effort. Nang mapagmasdan niya ang kabuuan nito ay napansin niy ang kaguwapuhan nitong taglay. Though, she does not like the large and thick eyeglasses he is wearing. And his hair is neatly fixed. Daig pa ng buhok nito ang buhok ni Rizal.


When he smiled, it took her breath away. He had a very nice pair of teeth. Salamat at wala itong suot na brace. "What are you doing here sweetheart? Bakit hindi ka na pumasok?" And he had a very good voice!


Daig pa niya ang nagkaroon ng knight-in-shinning-armor. How lucky can she get! "Naiwan ko kasi yung ID ko sa bahay. Ayaw akong papasukin ni Manong guard."


Muli itong ngumiti at bahagya siyang hinala papasok sa gate. "Akong bahala sa iyo." Nagdiwang ang buo niyang pagkatao. Magpapasalamat siya kay Lord ng bonggang-bongga kahit hindi siya nagdasal ay nasagot kaagad ang hiling niya.


"Magandang umaga Sir." masiglang bati ng guard na ikinagulat ni Banang. Buti na lang talaga at napadaan ito.


"Papasukin niyo na rin siya Manong." sabi ng lalaki sa guard. "She's my friend. And I am certainly sure na estudyante siya rin dito."


Nahihiyang ngumiti ang guard. Wala itong nagawa kaya pinapasok na rin siya.


When she was totally inside, nilingon niya ang guard at binelatan ito. Buti at nakatingin sinundan sila nito ng tingin kaya nasaksihan nito ang ganti niya.


Maingat na binitiwan ng lalaki ang kanyang kamay nang makapasok sila. Hinarap siya nito at muli niyang nakita ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito. "Ako pala si Rex. What's you're name?"


"Savannah po kuya. Or Banang for short." sagot niya sa nagpapacute na paraan.


"Savannah, nice name. Anong year ka na?"


"Fourth year na po."


"Good. It was nice meeting you. But I am afraid, mauuna ako sa iyo. I still have some things to do here."


Inayos nito ang magulo niyang kuwelyo at nakangiting tumalikod. Naiwan siyang nakatulala. Nakasunod ng tingin sa papalayong lalaki.


Agad siyang natauhan nang marinig niya ang muling pagtawag sa kanya ng guard. Tinakbuhan niya ito at mabilis na pumunta sa kanilang office para magpasa ng articles.


Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang makakasalubong niyang tao sa hallway. Iiwas na sana siya pero huli na ang lahat. Malakas ang pagbagsak niya sa sahig ng hallway.


Halos umiyak na siya sa sakit. Itinaas niya ang isa niyang kamay dahil inaasahan niyang may mag-aalalay sa kanya para tumayo. Pero kabiguan ang natamo niya. She still waited. And nothing happened!


Nang mag-angat siya ng tingin ay wala siyang nakitang tao. Napatayo na siya mag-isa at lumingon sa paligid para alamin kung sino ang bastos na nakabangga sa kanya. Isa lang ang nakita niya doon. Isang lalaki na naglalakad palayo sa kanyang kinaroroonan.


Sumiklab ang galit sa kanyang dibdib. Hinubad niya ang suot niyang sapatos at malakas na ibinato sa bastos na nilalang.


Naiiritang lumingon sa kanya ito.


"What the hell is your problem?!" dumagundong sa pandinig niya ang galit na galit na boses ng taong kahulihulihan niyang makaengkuwentro. Giyera na ito.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon