It was time that really flew fast. Malapit na ang highschool graduation at lahat ng mga students ay busyng-busy sa kanilang mga final and end-term requirements. Fourth year students began their graduation march practice too. Kadalasan, after class ginagawa ang mga practice na iyon.
Sa paglipas din ng mga panahong iyon, ay tumibay pa lalo ang samahan nina Banang at Levi. Ganoon din sina Cara at Pacoy. Sina Patring at Ryan ay napilitan na ring umamin sa kanilang relasyon. Kaya tatlo na silang magkakasintahan sa kanilang squad. Sina Jake na lang at Dodong ang nanatiling mga single sa kanilang grupo. Kadalasan ay tinutukso nila ang mga ito na magkasintahan na rin. Game naman si Jake. Hindi ito nagrereklamo at mas lalo si Dodong na sobrang kilig na kilig. At least, alam nila na sinasakyan lang ng dalawa ang kanilang mga biro.
Katatapos lang ng fourth grading kaya araw-araw na sila sa kanilang practice. Pagkakataon din iyon kina Banang at Levi para magkita araw-araw. In between their rehearsal, they always get away from the crowd and had their secret dates sa gym. Wala rin namang nakakapansin sa kanila dahil lahat ng tao ay busy. At napakarami ng graduating students para sila ay mapansin pa.
Ang isang bagay pa na alam ni Banang na magbibigay sa kanya ng tuwa sa kanilang pagtatapos ay ang magazine na naging major project niya with volition. Iyon yung interview niya sa mga basketball stars ng high school department. Nakita na niya ang sample nun at tuwang-tuwa siya sa outcome. Even their adviser in Volition is so poud of her. Isa iyon sa magiging regalo niya kay Levi sa araw ng kanilang pagtatapos.
"Oy, nakita ko na pala ang sample nung magazine tungkol sa inyo." masaya niyang sabi sa kanyang kasintahan. Nasa gym sila sa pagkakataong iyon. Tulad ng dati, pumuslit na naman sila mula sa rehearsal ng graduation.
"Really?" nagliwanag ang mukha nit Levi pero ang kamay nito ay nakarating na sa kanyang baywang.
"It's great. You will ne surprised if you will see and read it. Antayin natin na irelease iyon sa graduation day natin."
"Really?" muli nitong sabi na sa mukha niya nakatutok ang mga mata.
"Yup." Naramdaman niya ang pagkiliti nito sa kanyang baywang.
"Hey!" niya na pinigilan ang malikot nitong kamay. "What are you doing?"
Hindi sumagot si Levi. Yumuko ito at walang sabi-sabi ay inangkin nito ang kanyang mga labi. He's kissing her endlessly. At siya naman ay nagpapalunod sa mga halik nito.
Nang maalala niya kung nasaan sila ay marahan niyang itinulak ang boyfriend niya. "Tama na nga iyan. Balik na tayo sa quadrangle, iaannounce na yata ang mga awardees ngayon."
"I know babe." hinihingal na wika ni Levi. Sa labi niya pa rin nakatutok ang mga mata nito. "At alam kong nasa top ka sweetheart."
"Hey! Tara na nga." Hinila niya ito at dinala sa quadrangle. Naghiwalay muna sila. Pinuntahan niya ang kanyang mga kaibigan. Ganun din ang ginawa ni Levi.
At sa pagkakataong iyon ay iaanounce na ang mga awardees sa kanilang batch. Tama nga si Levi, nasa top siya. She was top number four compared to last year's number six. Meron din siyang makukuhang award sa pagiging aktibo niya sa volition. Si Levi sa naman ang most outstanding athlete. Inaasan niya iyon para sa kasintahan. Tuwang-tuwa siya para dito.
Pagkatapos ianunsiyo ang mga awardees ay ipinatawag silang lahat na nasa top ten sa opisina ng principal. May importante daw itong sasabihin.
"Congratulations to all of you." sabi ni Mrs. Dantes nang makapasok sila sa opisina nito. "I am very glad to see these bests of your batch."
Kanya-kanya sila ng pasasalamat. Lahat ay tuwang-tuwa.
"Kaya ko kayo ipinatawag ay gusto kong magkaroon kayo ng presentation sa Baccalaureate Party niyo. Maybe a tribute to your parents, to your fellow students, to your teachers, and to this school. Kayo na ang bahala sa gusto niyong gawin."
Pagkatapos nitong ipaliwanag ang gusto nitong mangyari ay masaya silang lahat na lumabas sa opisina nito. Nag-usap-usap na sila sa kung anong gagawin nila. Napagdesisyunan nilang lahat na gagawa sila ng play. The play is about their high school experiences. Nagsimula na rin silang gumawa ng script at sa araw na iyon ay natapos nila ang lahat. Ang kailangan na lang nila ay ipractice ang kanilang nagawa.
*****
Naiinip at naiinis si Levi. Kanina pa niya tinitext at tinatawagan si Banang pero hindi siya nito sinasagot. Gusto niya sanang pumuslit na naman sila sa practice at magdate na lang muli sa gym. Ilang araw na rin kasi na hindi niya ito nakikita. Busy kasi si girlfriend dahil isa ito sa nasa top at maraming pinapagawa sa mga ito.
Kusa siyang pumunta sa gym. Doon na lang niya aantayin ang kanyang kasintahan. Pero matagal na siya sa gym pero hindi pa ito sumisipot. Hindi rin nito pinipick up ang kanyang tawag at ang mga text niya ay hindi nito sinasagot. Naiinis niyang binulsa ang kanyang phone at sinubukan niyang bumalik sa quadrangle. Wala siyang nakita kay Banang doon. Sumali na lang siya sa umpukan ng kanilang mga kaklase.
Dahil naiinip siya sa quadrangle ay nagdesisyon siyang pumunta na lang sa library para matulog. Hindi pa rin naman nagsisimula ang ang practice. Naglalaro at nag-iingay lang ang mga graduating na katulad niya. Karamihan ang mga ito ay naiinip na rin. Gusto na nilang magimula ang practice at nang matapos na kaagad. Pero hindi ganoon ang nangyayari.
Napapailing na lang siya habang pasipul-sipol na binagtas ang daan papunta sa library. Habang nasa hallway siya ay bigla siyang nakarinig ng tawanan. Sumilip siya sa isang classroom at doon ay nakita niya sina Banang at Jake. May iba pang kasama ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...