100 Levi

1.3K 90 7
                                    

My gaaaaad! 100th chapter na! Ang haba, naku!


Maaga pa lang ay nasa opisina na ni Rex si Levi. Ilang araw din niyang pinag-isipan ang gagawing bagay na iyon. Marami na siyang narinig sa kanyang mga kaibigan pero ilang araw pa ang nakalipas bago niya marealize ang kabaliwan niya. Tama ang mga ito, nagmamahal nga siya. Hindi lang basta nagmamahal. He is hopelessly in love with Savannah Ismael. And that gave him days to realize.


Savannah never became his kaya hindi niya alam kung mahal nga niya talaga ito noong una. Hindi rin applicable sa kanya ang kasabihang, kung kailan nawala ang isa tao sa iyo ay saka mo malalaman ang kanyang halaga. It was only during their high school days that he had a connection with the woman. He did not believe in true love then. Ang alam niya na nangyari ay iyong magtutugma sa kategoryang tinatawag na puppy love.


Then, he saw Savannah again after how many years. Hindi niya maitatanggi ang attraction na naramdaman niya sa babae. He knew that it was genuine. Ang alam niya ay iyon lang ang naramdaman niya. He is a smart person kaya hindi niya maipagkakamali ang atraksiyon sa isang pagmamahal.


He believes in love, yes, but he also believes that love is a serious matter, it is not just something that a teenager would feel when he meets an attractive girl. Naniniwala din siya na ang pagmamahal ay hindi lang basta-basta umusbong sa pagitan ng dalawang taong hindi naman nagkasama ng matagal. In short, love for him is for persons who have known each other for the major parts of their lives. That was the main reason that he refused to believe that he is already in loved with Savannah Ismael.


Nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Savannah dati back from high school. In his own side, he knew that he had recovered from it immediately. Hindi niya narealize na kailanman ay hindi na siya makakamove on sa anumang nangyari sa kanila ni Savannah.


One proof is that he carried on to believe na may relasyon ang dalaga at si Jake. Ilang taon din siyang nagtanim ng sama ng loob sa dalawa. That was when he learned that nothing really happened between the two. Malaking pagsisi ang kinailangan niyang harapin dahil sa bagay na iyon. Pangalawa, unknowingly, he used Myla to make Savannah jealous. In the end, siya ang nagkaroon ng issue.


He had an opportunity to talk with Savannah the night after their high school reunion but that moment did not even matter dahil bigla siyang nalito sa kanyang sarili. A big mistake he did was to kiss Savannah on that morning. Nawala tuloy siya sa kanyang sarili. Hindi na niya alam kung ano talaga ang gusto niyang sabihin sa dalaga.


At ang isang matinding nagbigay sa kanya ng clue sa totoo iyang niloloob para sa dalaga ay ang ginawa niyang lihim na pagsunod dito. Iyon ang mas lalong nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo matapos niyang madiskubre na sobra itong malapit kay Joel. In fact, halos araw-araw niyang nakikita ang mga ito. That was when he learned that he is in love after all. Dahil kung hindi ay paano niya maipapaliwanag ang kanyang nararamdaman pag kasama ni Savannah si Joel. When his chest became so tight that almost suffocated him, accompanied by an anger which eventually leads to the shedding of tears.


Being jealous is not even easy because all he could think all day and night is how to take Joel's place. In his darkest hours, bizarre thoughts entered his system that he can write a book about the ways on how to strangle Joel Patterson.


Buti na lang muli siyang nag-isip. Lumayo siya muna. He tried to forget Savannah and Joel. Ilang araw siyang naging tahimik at pilit na itinuloy ang kanyang usual na buhay. But, he did not succeed. Tama nga ang kanyang mga kaibigan, mahal niya talaga si Savannah. Mas lalo kasing naging disaster ang buhay niya sa plano niyang pagkalimot sa dalaga. He became hot-tempered na pati ang mga empleyado niya ay natatakot sa kanya. He endured sleepless nights dahil sa kaiisip kung paano ang kanyang buhay kung hindi si Savannah ang makakasama niya. Hindi siya natuwa. He would be miserable if that moment will not happen.


He admitted his fault. A fault that he learned to love. A beautiful fault anyway. He's in love.


Ngayon ay siya naman ang gagawa ng hakbang para maayos niya ang kanyang buhay. It sounds corny but really wonderful as well.


Kaya iyon ang dahilan kung bakit, maaga pa lamang ay sinadya na niya ang dalaga sa pinagtatrabahuan nito. Nagtanong-tanong siya kung saan niya mahahanap ang babae. Nang puntahan niya ang area nito ay nadismaya siya nang malamang bakante iyon. Her officemates do not know kung nasaan na ngayon ang dalaga. His last resort is his cousin.


"Good morning Sir." masiglang bati sa kanya ni Vina. For the first time ay nakita niya itong hindi natatakot o kaya'y hindi nahihiya. "How may I help you?"


"Nandiyan ba si Kuya Rex?"


"Yes Sir." muli, masigla ang paraan nito ng pagsagot. Buti na lang at ganito ito ngayong bad trip siya. "Pasok na lang po kayo sa loob Sir."


"I will. Thanks." Aniya at tuloy-tuloy sa pagpasok.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon