The next moment became so awkward that Levi and Savannah did not have the courage to utter any single word. Kahit panakaw na tinitingnan ni Savannah si Levi ay nakapagconcentrate pa rin siya sa pagkain. She never expected that ordinary fried breakfast is this good. Well, maybe ang nagluto ang isang factor.
Pagkatapos nilang kumain ay nagulat pa siya nang magpresensiya si Levi na magligpit at maghugas ng kanilang pinagkainan. In all of her daily breakfasts, parang ngayon lang siya nasatisfy ng lubusan. Nakakatawa kasing malaman na walang natira sa mga niluto ni Levi. It was a very successful breakfast.
Umalis na rin siya sa kusina at tumambay muna sa kanyang sala hindi niya kasi matagalan ang nakikitang tanawin sa kusina niya mismo. Hindi siya sanay na may lalaki sa bahay. At hindi lang basta lalaki iyon. It was Levi who never cared kung ano ang suot nito. Ok, she admits that she does not know how far her mind will take her if she continues to watch an almost naked man in her front with a sexy butt sexier than hers.
Savannah drew a heavy sigh. Habang nakaupo siya sa kanyang sala ay hindi mapakali. Patingin-tingin siya sa entrada ng kusina kung tapos na doon si Levi. Nang makita niyang palabas na ito at papunta sa sala ay nagkunwari siyang busy siya sa panonood with matching lipat ng channel gamit ang remote control. "Ano ba yan, walang matinong palabas?"
Lumapit sa kanya ang binata. "Hindi kasi ganyan ang paggamit ng remote." Saka lang niya narealize na baliktad pala ang pagkakahawak niya nun. Sa kanya nakatutok iyon. Kaya pala kanina pa niya napapansin na walang nangyayari habang pinipindot niya iyon. Si Levi naman, imbes na ilipat ang channel ay ang power button ang pinindot nito.
"What are you doing?" gulat na tanong dito ni Savannah. She eyed him to turn the television on again. Hindi siya pinansin ng lalaki. Lumapit lang ito at saka nakiupo sa kanyang tabi.
"Can we talk?"
"We are already talking." sabi niya na may bahid ng sarkasmo ang boses.
He sighed and looked at her in the eye. "First of all, I want to ask for forgiveness for being a total jerk."
You should be! Buti na lang at pinigilan ni Savannah ang makapagsalita ng makakasakit sa damdamin ni Levi. Sinarili na lang niya ang kanyang ngitngit at ipinagpatuloy ang pakikinig sa kuwento nito.
"I am so sorry for believing that you and Jake have something."
Tinitigan niya ito. "You should be."
He sighed. Nang muli nitong ibuka ang bibig ay nagsimula na itong magkuwento. Idinitalye ni Levi ang lahat na nangyari noong high school pa sila. Feeling ni Savannah ay biglang bumalik ang kanyang hangover. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Para hindi siya masyadong magalit ay naisip niya na lamang ang kainosentehan ni Levi sa ginawa sa kanila ni Myla noon. May kasalanan din naman siya sa hindi nila pagkakaayos.
"Ok na sa akin iyon." Savannah said. "Nangyari na ang lahat ng nangyari."
Tumango si Levi. "May ikinuwento rin sa akin si Myla, gusto ko ring ihingi iyon ng tawad."
She tensed. Buti naman at alam pala ng Mylang iyon na ayusin ang gulong ginawa nito.
"Nakausap na rin niya ako at humingi na rin ng tawad." she said calmly. "Pero gaya ng sinabi ko, I am not living in the past anymore kaya ok na sa akin ang mga iyon. Let us just leave the past behind."
"Does that mean that you are ready to face new chapters and move on?" Levi asked in anticipation. Halos magningning ang mga mata nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nothing." sagot nito na parang nabigla. "Ngayong nakausap na kita at nakahingi ng tawad ay maari na siguro akong umalis."
"Levi." Savannah uttered his name softly. "I am sorry as well. Hindi lang naman ikaw ang may kasalanan. In a way, ay marami rin akong pagkukulang. Pasensiya na sa pagiging matigas ko at sa lahat ng pang-aaway ko sa iyo."
"Don't be. Ayokong ihingi mo sa akin ng tawad ang mga pang-aaway mo sa akin. Those moments I will forever treasure." Napatayo ito. "I have to go. Maraming salamat Savannah."
Savannah smiled when he saw him starting to walk away with his sando and boxer brief. "I think you forgot something."
Napalingon ito na nakakunot ang noo. Nang mapansin siguro nito ang nakakaloko niyang ngiti ay saka nito magets ang gusto niyang iparating. "Of course."
Nagmamadali at natataranta itong pumanhik sa itaas. Naiwan siya sa kanyang sala na nakatingin sa dinaanan nito. Ilang minuto lang ang lumipas ay muli niya itong napansin na pababa sa kanyang hagdanan. He looked like a king as he descends the stairs. Isang haring nakasuot ng sando at slacks na may nakasampay na coat, polo, at tie sa balikat nito.
Akala niya ay aalis na ito. Lumapit si Levi sa kanyang kinaroroonan at napatayo sa harapan niya. "Thanks for a great sleep last night and the great breakfast. I just have to do something that I was dying to do since last night." Yumuko ito at walang seremonyang inangkin ang kanyang mga labi. It was a deep, mind-blowing, brief kiss.
Nang muli itong magpaalam ay wala nang narinig si Savannah. Naiwan itong nakatulala at hindi alam ang susunod na gagawin.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...