Malaki ang table kung saan pumuwesto sina Savannah kaya hindi na naghanap ng iba pa sina Levi. Nakisali na ang mga ito sa kanila. Pagkatapos ng mga itong mag-order ay nagsimula na naman silang magkuwentuhan. Malas lang ni Banang dahil ang trabaho niya ang gustong pag-usapan ni Yuki.
"So, how was your work?" panimula ni Yuki na sa kanya nakatingin.
Tipid siyang ngumiti at wala na siyang magagawa pa kundi sagutin ito. "Ok lang naman. So far, I am enjoying what I am doing right now." Kahit halos magpakamatay na siya sa sobrang boring ng ginagawa niya. Hindi niya kasi pinangarap na mananatiling photographer ng mga artista na katulad ni Yuki.
"I saw the photos of my birthday already. I am very pleased with them. Maganda ang ginawa niyo. If it is possible, I could hire your group as my official photographers." biro nito na dinagdagan pa ng matinis na pagtawa.
Parang sinabi nito na talagang gusto nitong sinusundan ng mga media men. Napangiti na lang siya bilang tugon sa sinabi nito. Ayaw niyang magmukhang kinokontra ito.
"Yuki." ani Ryan. Nakangiti itong tumingin sa kasintahan ni Levi at saka siya tinapunan ng isang makahulugang titig. "Actually, Savannah is not a celebrity photographer."
Nabigla siya sa sinabi ng lalaki kaya mabilis siyang napatingin dito. Napansin niya rin na napatingin dito sina Levi at Yuki na parehong hinihintay ang lalaki na magpatuloy.
"She is a photojournalist." maikling patuloy ni Ryan.
"Hindi lang basta photojournalist iyang si Savannah." nakangiting dagdag ni Patring. Hindi niya alam kung ano naman ang sasabihin nito kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. Binawela lang siya ng kaibigan. "She is the best photojournalist na kilala ako. And I have never been prouder of her many achievements."
"Naalala ko pala." sabi naman ni Cara. "I heard Yuki heard a while ago. Anong ginagawa mo sa birthday niya?" Cara turned to Yuki and gave the woman a peace sign with a guilty smile. "I am sorry. I am not to offend you. Hindi ko lang kasi maisip kung bakit nandoon si Savs sa birthday mo at parang isa siya sa nagcover ng event." Muling tumingin sa kanya ang kaibigan at isang makahulugang tingin ang ibinigay. "I thought you loathed chasing celebrities."
"Cara!" narinig niyang singit ni Dodong. "Hindi kinasusuklaman ni Savannah ang mga celebrities. Ayaw na ayaw niya lang na ginagawa ang ganoong trabaho dahil hindi iyon ang ang kanyang forte. Minsan nga naisip ko na sana doon na lang siya sa mas madali niyang gawin. So speaking of you Savie, nagpalit ka na ba ng mga subject. Don't answer me if you did not."
"I didn't." maikli niyang sagot. Lihim siyang tumatawa dahil biglang napipi sina Levi at Yuki na tila walang gustong masabi. "I got punished."
"Punished?" si Yuki na nagawang magsalita. "Why?"
"Sinuway ko kasi ang boss ko. As a punishment, he transferred me to the celebrity news department for a month."
"Good for you." sabi na naman ni Dodong. "I hope your boss makes you permanent in that." Naiintindihan niya kung bakit ganito ngayon si Dodong hindi kasi lihim sa mga ito ang mga panganib na napagdaanan niya habang ginagawa niya ang kanyang trabaho.
"Bakit mo kasi sinuway ang boss mo?" singit ni Levi na ngayon lang nakisali sa usapan. "At ano ba talaga ang mga subjects mo?"
"I was on Cebu after the quake that attacked the place. After taking some pictures, my boss ordered me to return. Pero hindi pa ako nakakuha ng magandang litrato kaya naghintay pa ako ng ilang araw. Bigla ay nagkaroon ng aftershock. Doon ako nakakuha ng magagandang shots. Galit na galit ang boss nang malaman niya ang nangyari. Paano daw pag may nangyari sa aking masama? Well, masama naman akong damo kaya nakauwi rin ako ng ligtas. That was then he demoted me to Dana's department."
"That makes her the highest paid and one of the best photojournalists in this country." puri sa kanya ni Patring pero may narinig siyang kaunting sarkasmo sa boses nito. "She never feared danger. Palaging panganib ang pinapasok niya. Well, her shots are always making their way to the country's major broadsheets' front pages. Hindi niya naiisip na baka sa susunod ay ang katawan niya mismo ang nakalagay sa mga pahayagan."
"Ilang beses namin iyang pinagsabihan pero hindi pa rin siya nakikinig. Ipagdadasal na lang natin na sana mapermanente yan sa pagiging celebrity photographer. Ayaw na naming malaman na nasa Mindanao naman iyan sa gitna ng giyera o kaya naman ay nasa Mayon habang pumuputok ang bulkan."
Lahat ng mga sermon ng mga kaibigan niya ay natabunan ng paghanga ni Yuki sa kanya. Hindi niya alam kung seryoso ang babae o umaarte lang ito. Well, that's her job anyway. "You are a wonderful woman Savannah. How I wish I have that courage of yours."
"It is a part of my job." tipid niyang wika na pinilit na napangiti kahit alam niyang titig na titig sa kanya ang mga kaibigan niya. Kasama si Levi na hindi niya mabasa kung ano ang nilalaman ng isip nito. Napilitan siyang magpaalam muna para maiwasan ang tensiyon sa paligid. "Please excuse me guys. I just have to go to the washroom."
Hindi na niya hinintay pa ang mga ito na magsalita. Nagmamadali siyang pumunta sa ladies' room at nagkulong sa isang cubicle. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Mula pa kanina ayaw niya na pag-usapan ang anumang mga bagay na tungkol sa kanya lalo na at kasama nila si Levi at ang girlfriend nito. As much as possible, she doesn't want to talk about her. Wala kasi siyang balak na makipag-ugnayan siya muli sa mga taong katulad ni Levi.
Base sa nakita niyang reaksiyon sa mukha ni Levi kanina ay nalaman niyang wala itong kaalam-alam sa kanyang trabaho. At wala na siyang pakialam doon.
Lumabas siya sa cubicle at humarap sa salamin. Pagkatapos niyang ieksamin ang kanyang sarili ay nagtuloy-tuloy siya sa paglabas. Nadatnan niya si Levi sa labas ng comfort room na nakasandal sa pader. His arms are crossed with his one foot against the wall. Parang hinihintay siya nito.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...