I want to share something. My friends don't really know that I am writing stories in Wattpad. Nung sinabi ko sa kanila, lahat sila ay nagulat at pinressure ako na sabihin ang profile name ko. Most of them became irate when I did not tell them. Well, bahala na silang magdiscover. Haha Tatahimik pa rin ako. Parang awkward sa akin na mabasa nila ang mga kabaliwan ko. hehe. Yun lang!
"So, how's your day."
"Mabuti lang naman." sagot ni Savannah kay Levi habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep. Mula ng maging 'magkaibigan' daw sila ay palagi siya nitong ihinahatid pauwi. "We are having the hard time drafting the magazine about your team. Sabi ni Sir Paul ay sa end of the school na lang daw namin irerelease iyon. Particularly during our graduation."
"Ang tagal ah."
"Malapit na rin iyon. Less than three months na lang."
"Sabagay." sabi ni Levi at nagpahuli sa kanya. Alam niya ang dahilan kung bakit siya nito pinauna. It was to sniff her again. Palaging ginagawa nito iyon. Minsan ay nararamdaman niya ang hininga nito sa kanyang leeg.
"Sullivan!" she warned.
Tawa lang ang isinagot sa kanya nito. And she was right again, she suddenly felt his warm breath kissing her neck. At nakikiliti siya doon. Ewan ba niya kung paano nagagawa iyon ni Levi. Kung tutuusin nga ay naglalakad sila for Pete's sake!
She lifted her arm halfway. Biglang napalayo sa kanya ang lalaki bago pa niya ito masiko. Nakuha kaagad ng mokong ang nais niyang gawin. Muli itong napasabay sa kanya sa paglalakad na natatawa.
"You can't blame me. You have exotic smell."
"Yuck!" aniya. "I don't smell strange."
"Exotic does not only mean strange. It means different too."
"Ganoon din iyon."
"Ano ka ba naman? Kung ako ang nagsabi na exotic ka, maganda ang ibig sabihin nun sa akin. Kaya dapat matuwa ka."
"Ewan ko sa iyo."
Naghari ang katahimikan. Nagpatuloy sila sa paglalakad pero hindi pa rin nawala ng kaharutan ng lalaki. Tinulak-tulak pa rin siya nito ng marahan gamit ang bicep nito. Nang malapit na sila sa paradahan nila ay saka muli itong nagsalita.
"May gagawin ka ba bukas?"
"Wala naman masyado. Bakit?"
"May laro kasi kami bukas sa Stevenson. A friendly game actually. I want you to come and watch me play."
"What time?"
"Magstart ng ten. Ano, game ka?"
"Ok, I'll come."
"Pero mayroon akong isang kundisyon."
"Ano naman iyon?"
Inunahan siya nito sa paglakad at saka humarap sa kanya at hinarangan siya para marinig niya ang mga sasabihin nito. "Punta ka bukas pero ako lang dapat ang papanoorin mo."
"Whutt? That's impossible!"
"It is not. Ako lang dapat."
"Paano ko naman gagawin iyon? You're crazy!"
"Pumikit ka pag iba na ang may hawak ng bola."
"Duh? Hindi na lang ako pupunta."
"Ok. I am just kidding." anitong natatawa pero ang seryoso pa rin ang mukha. "So, see you tomorrow."
"Sure." aniya at pumasok na sa nakaparadang jeep. "Take care."
*****
Kinabukasan ay maagang nagising si Banng para gawin ang lahat ng gagawin niya sa araw na iyon. In that way, she can watch her friend's game.
Natapos niya lahat ang dapat niyang gawin sa araw na iyon. By 8:30 ay nagluto siya ng macaroni salad. Babaunin niya ito ibibigay kay Levi. Saktong 9:30 na nang lumabas na siya sa kanila.
Saktong ten A.M. na nang marating niya ang Stevenson gym. Marami din palang tao ang naroroon at malapit nang magsimula ang laro. Naghanap siya ng puwedeng maupuan. Nakita niya si Jake na nakaupo sa isa sa mga bleachers. Nilapitan niya ito at nakiupo. "Hi Jake."
Nabigla pa ito nang siya ay masilayan. Agad din namang nakabawi ito at saka ngumiti. "Hello Savy. Manonood ka rin pala."
"Yup. Gusto kong panoorin kung paano ilampaso mg Stevenson sina Levi."
Natawa na lang siya sa sinabi nito. Hindi nila napansin na may kakaibang nangyayari sa court. Hind na nila napansin ang kakaibang tingin sa kanila ni Levi. Kung totoo nga ang katagang if looks could kill ay baka kanina pa sila bumagsak ni Jake na sugat-sugatan.
Ilang beses na ma-foul si Levi sa pagiging aggressive nitong maglaro. Tahimik lang si Banang kahit nagtataka siya sa ikinikilos ng kanyang kaibigan. Wala siyang kamalay-malay na siya ang dahilan ng behavior nito. Gusto niya itong i-cheer up pero natatakot siyang makaattract ng atensiyon.
In the end, natalo ang Harrison High. Dalawa lang ang gap at masakit iyon sa parte nila kahit na sabihing friendly game iyon. John Alexander Veneracion, the other team's captain was all smile ng matapos ang game. Well, it is a friendly game afterall. At bigla ay nagkakadevelop siya ng crush sa captain ng ibang team. Napakaguwapo kasi nito. Napansin niyang lumapit dito ang isang magandang babae na walang iba kundi si Evelyn Salvosa. Natahimik ang mga admirers nito. Pati siya ay nawalan din ng imik.
Pero bigla niyang naalala si Levi. Hindi na niya ito mahanap sa court. Nagpaalam na sa kanya si Jake at naunang umalis. Paalis na rin ang mga tao pero wala siyang makita sa lalaki. Naghintay na lang siya baka sakaling balikan siya nito. Baka nagpalit lang ito.
Pero ilang minuto na ang lumipas pero wala siyang nakita kay Levi. Mag-isa na lang siyang naiwan sa gym. Naiinis na siya. Tumayo na siya at lumabas ng gym. Buti na lang at naabutan niya sina John Alexander at Evelyn sa labas na tumatawa habang naglalakad.
"Excuse me." aniya na nagpatigil sa mga ito. Pareho siyang nilingon ng dalawa. "Sorry to bother you, pero nakita niyo ba si Levi? Levi Sullivan?"
Tiningnan siya ng mataman ni Alexander. Nakakaconcius ang mga titig nito. "You are his girlfriend?"
"No! Kaibigan lang."
"Umalis na siya kasama ng mga teammates niya." si Evelyn ang nagsalita.
"Aww. Sige thank you."
Nagpaalam na rin ang mga ito at nauna. Bigla siyang nagalit kay Levi. Ang bastos talaga ng lalaking iyon. Palabas na siya ng gate nang makita niya itong naghihintay. Inis-inis siya dito kaya bigla niya itong nilagpasan.
"What's your problem?" sigaw sa kanya nito na bigla siyang hinabol.
"You are my problem." matabang niyang sagot.
"You are my problem too." sumbat nito.
Narindi ang kanyang tainga sa narinig. Marahas niya itong nilingon.
FYI, John Alexander and Evelyn are my characters in two of my works, if you want, you can check them on my profile. 😁😁
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...