4 Rex

3.9K 140 6
                                    

"Good morning Rex." masayang bati ni Yanyan sa kanyang ever bestfriend. Kanina pa niya ito hinihintay. Sa tagal nito ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa main library. Buti nga at walang librarian o kaya'y student assistant na sumita sa kanya. Kaya lang siya naman nagising ay dahil naamoy niya ang pamilyar na pabango ng lalaki. "Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinihintay at hinahanap."


Walang salitang umupo si Rex sa tabi niya. Tahimik siya nitong tinitigan. Napansin niya ang pangngiwi nito na tila nandiri sa kanya. "Ano ba namang klase kang tao Yanyan?"


Nanlaki ang mga mata niya. Hinampas niya ito sa balikat ng mahina. "Bakit na naman ba?"


Gamit ang kamay ay sinuklay ni Rex ang kanyang buhok. Sanay na siya na ginagawa iyon sa kanya ng kaibigan. "You're hair is very messy. Nakatulog ka na naman ba? Kababae mong tao, ang burara mo. At saka bawal matulog dito sa library."


"Hindi ako natulog. Yumupyop lang ako saglit sa mesa." palusot niya pero sa totoo lang ay more than thirty minutes na siyang nakatulog. "At tungkol sa pagiging burara ko, ano ka ba naman? Kailan ka ba masasanay?" Nakatingin lang sa kanya si Rex at tila walang balak sagutin ang marami niyang tanong. "Saan ka ba kasi nagpunta? In fairness, natagalan ako sa paghihintay sa iyo hah."


"Sumaglit lang ako sa high school department. May tinanong lang ako sa principal tungkol sa article ko sa school paper." Si Rex ay editor-in-chief ng kanilang university paper. Samantalang marami na itong naachieve para sa Harrison University, siya naman ay isa sa mga estudyanteng walang pakialam sa paaralan basta nagbabayad lang ng sapat at pumapasok sa mga klase.


"Sana sinabihan mo ako para nasamahan na sana kita."


"Makakagulo ka lang doon Yanyan."


"Hmp! Ganyan ka naman sa akin lagi."


"Bakit mo pala ako hinihintay dito?" tanong ni Rex. Sa tono nito ay alam na nitong mayroon na naman siyang kailangan.


"Eh, kasi." Nahihiya pa niyang wika.


"Anong kasi?" inis na sabi nito. "Alam ko na yan, assignment mo yan sa Calculus? Hindi mo naman alam isolve. I mean, alam mong isolve pero tinatamad kang gawin."


"Of course not!" angal niya rito. "Ang ibig kong sabihin ay assignment ito pero hindi Calculus."


"Wala namang bago sa iyo Yanyan. Ayokong gawin iyan. Gawin mo naman para may matutunan ka naman kahit minsan."


Nainis siya sa sinabi nito. Ngayon lang kasi ito tumanggi sa ipinapagawa niya. At masakit ang pagkakasabi nito. Parang ipinapamukha sa kanya ni Rex na ito ang gumagawa ng lahat ng assignments niya.


Pero totoo naman iyon, sa mahigit tatlong taon nila sa kolehiyo ay ito ang naging sandalan niya ng lahat, bestfriend, tagagawa ng assignment, utangan, alalay, at tagaayos ng kanyang mga gamit. Minsan nga ay iniisip niya kung bakit nagtitiyaga sa kanya si Rex. Kung tutuusin nga wala siyang naitutulong dito. Sapat na yata sa lalaki na kasama siya.


Hindi rin naman ito nagrereklamo kahit aminado siyang sumsobra na siya sa mga pinapagawa niya rito. But, today is another scenario. First time na nagreklamo at pinagsabihan siya ni Rex sa mg ginagawa niya.


Naculture shock siya sa ipinakita nito kaya agad na nag-init ang kanyang ulo. "Kung ayaw mo eh 'di huwag. Kayang-kaya ko naman ito."


Kinuha niya ang mga gamit sa mesa ng library. Napatayo siya para iwan ito. Pero nahagip ni Rex ang kamay niya. "Akina, ako na ang gagawa."


"Ako na. Kayo ko naman ito. Bitiwan mo ang kamay ko Rex."


"I told you. Ako na ang gagawa." muling sabi ng binata. Tila wala itong balak na pakawalan ang kanyang kamay.


Nang maalala niya na sinubukan niyang sagutan ang assignment kanina at wala siyang napala ay nagpaakay na lang siya sa kanyang kaibigan. Ito lang din naman ang nagpupumilit na sagutan iyon. "Sigurado ka?"


Parang batang tumango si Rex. Muli siyang naupo. Inilabas niya ang essay questions na homework niya at ibinigay sa lalaki. Wala pang limang minuto ay nagsimula na nitong sagutan iyon. Bilib siya talaga sa pag-iisip ng lalaking ito. Lahat ng pinapagawa niya kay Rex ay palaging perfect kasi. Buti nga at hindi siya pinaghihinalaan ng kanyang mga professors.


Sinulyapan niya si Rex na tutok na tutok sa pagsusulat. Guwapo naman ito. Yun nga lang ang laki-laki ng salamin na halos ukopahin ang buong mukha. Ang buhok nito ay tuwid na tuwid at may hati sa gitna. Ayos na ayos ang pagkakasuklay na kahit yata hangin ay hindi kayang guluhin.


Matagal na silang magkakilala ni Rex. Mula pa elementary ay magkakilala na sila. Grade one pa lang sila nang maging magbestfriend. They always have each other's backs. At kahit nahihiwagaan siya sa pagkatao nito ay hindi siya nagtanong. Baka kasi maoffend niya ang lalaki.


Wala pang isang beses na nakita niya itong hindi maayos. He always wants everything in order. Noong elementary pa sila ay naalala niya ang pencil case nito noon na may iba't-ibang compartment. Ang lahat ng lapis ay nakalagay sa iisang compartment. Nakaseparate iyon sa mga ballpen, erasers, at sharpeners na may sari-sarili ring kuwarto. At ang bag nito, hanggang ngayon ay perpekto ang pagkakaayos.


Hanggang sa high school sila ay ganoon pa rin kaayos ang lalaki. Tuwina'y palagi siya nitong sinisita sa pagiging magulo at burara niya. Kadalasan nga ay ito ang nag-aayos ng laman ng bag niya. Pero pagkaraan din ng ilang oras ay muli niyang nagulo iyon.


At ngayong college sila ay ganoon pa rin ito. Ultimo cover ng couch sa library pag naggagawi sila doon ay inaayos nito. Ang mas malala ay ayaw nito ng erasures sa papel nito. Pag nagsusulat ito nagkamali lang ng konti ay kailangan nitong itransfer iyon sa panibagong papel. Buti nga at hindi ito masyado nagkakamali.


Bigla siyang nag-iwas ng tingin dahil napalingon sa kanya si Rex. "Ayan tapos na." Ibinigay nito ang papel sa kanya.


"Wow! Ang bilis. Ang galing-galing mo talaga dong!"


Tumango lang ito. Hindi ito papayag na bibilugin na naman niya ang ulo nito. Kinuha niya lang basta ang papel at ipinaloob sa kanyang file case.


"Hindi mo babasahin man lang?" dissapointed nitong sabi. "Paano kung idiscuss niyo yan at ang assignment mo ang napagtuunan ng prof niyo? Maeexplain mo ba kung hindi mo naman binasa?"


"Oh, sige na nga."


Muli niyang inilabas ang papel at sinimulang basahin.


"You did not thank me yet."


"Ok." Hinaplos niya ang mukha nito. "Thank you so much Rex. Ayos na ba iyon?"


Tumango ito. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa dahil biglang tumutok sa kanya ang tingin ng binata.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon