84 Levi

1.6K 106 9
                                    


Pagkatapos ng ilang araw ay binisita si Levi ng bayaw niyang si Yanyan sa mismong opisina niya. Sinadya talaga ng babae na kausapin siya ng personal para hindi na siya makatanggi sa kung anumang gusto nitong ipagawa sa kanya. Sinabi sa kanya ni Yanyan na tuloy na tuloy daw ang pagmodel niya para sa Craze Magazine. He almost laugh at himself when he found out na summer ang tema ang magazine kung saan ilalabas ang kanyang mga litrato.


Yanyan made sure to herself na hindi na talaga siya makakatanggi. Sinabi na rin nito na sa Palawan ang gagawin ang photoshoot. Para matapos na iyon ay napilitan siyang bumiyahe sa Puerto Prinsesa para doon. Nakarating na siya sa venue na isang sikat na beach resort. Sinalubong siya kanina ng isang staff ng resort at ibinigay sa kanya ang susi ng kanyang cottage. Nalaman niya sa naturang empleyado na nabigyan daw ito ng bilin ni Yanyan na samahan ito sa tutuluyan na niyang cottage. Magalang niyang sinabi na kaya na niya ang sarili.


"Nakarating na ako." wika ni Levi sa kanyang cellphone. Si Yanyan ang tinawagan niya para iparating dito na nakarating na siya ng maayos. "Nakuha ko na rin ang susi ng cottage na tutuluyan ko. Thanks to you."



"Saglit lang at puntahan kita riyan para masigurado ko na nandito ka nga talaga." sabi ni Yanyan mula sa kabilang linya.


"Don't worry. Totoong nandito na ako ngayon. I'll call again later. Kailangan ko munang magpahinga."


"Ok. See you sa dinner then. Ako na ang tatawag ako sa iyo mamaya. Ipapakilala ko na rin ang pair mo sa shoot." Sinabi nito kung saan sila magkikita-kita mamayang dinner bago nito pinutol ang tawag.


Sakto namang narating niya ang sarili niyang cottage. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone at saka binuksan ang matutuluyan. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Ibinaba niya ang bag sa upuang naroon at pinasok ang nag-iisang kuwarto. Nagtanggal siya ng kamiseta bago tinungo niya ang kama. Dumapa siya doon. When he closed his eyes, mabilis din siyang nakatulog.


*****


Nasisiyahan si Banang habang nakaupo siya sa buhanginan sa beach at pinapanood ang paglubog ng araw. Kahit labag sa loob niya ang pagpunta doon ay natutuwa na rin siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makatapak muli sa beach. At gusto niya ang resort na iyon sa Palawan.


Nakangiti siya habang hindi maalis ang tingin sa direction ng setting sun. Pumapayapa talaga ang kanyang loob. Nang magsawa siya ay tumayo na siya at muling naglakad-lakad sa buhanginan. Nagdesisyon na siyang bumalik sa kanyang tinutuluyan nang mapatawag si Yanyan para iparemind sa kanya ang dinner nila sa araw na iyon. Makikila na raw niya ang mga kasama niya sa photoshoot.


Nang marating niya ang sariling cottage ay nagulat pa siya nang mapansing hindi nakalock iyon. Buong akala niya kanina ay nalock niya iyon bago siya umalis. Ganunpaman, pumasok siya pa rin. Sumalubong sa kanya ang madilim na paligid. Binuksan niya ang ilaw upang mabigla lamang nang mapansin ang isang may kalakihang backpack sa upuan doon.


Lumapit siya sa upuan at tiningnan ng maigi ang bag. Hindi naman sa kanya iyon. Bigla siyang kinabahan. May nakapasok sa kanyang cottage!


Tumuloy siya sa pinakakusina ng cottage para alamin kung may tao doon. Napabuntong-hininga siya nang mapansing wala namang tao. Mas lalo siyang kinabahan nang maalala niya ang nag-iisang kuwarto. Mabilis ang paghakbang na nakapasok siya doon. Laking gulat niya nang makita niya ang malaking mama na nakadapa at natutulog sa sarili niyang kama. Ano kayang ginagawa nito doon?


Naghanap siya nang maaari niyang gamiting panlaban kung sakaling magising ang lalaki. Wala siyang nakita doon sa loob. Lalabas na sana siya nang mapansing gumalaw ang lalaki. Nagising na ito!


Unti-unti itong bumabaliktad. Lumapit siya rito at inihanda niya ang kanyang kamao. Pagkabaling ng mukha ng lalaki sa kanya ay mabilis niya itong sinuntok.


"Awww!" gulat na sigaw ng lalaki. Napansin na siya nito. Napasigaw siya sa gulat. Ang unang lumabas sa isip niya ay tumakbo. Pero bago pa man siya makarating sa pintuan ay nahagip na siya ng lalaki sa baywang.


"Where do you think you're going huh?" came the very husky and seductive voice of this creature. Natakot siya lalo nang yakapin siya nito. Naramdamn niya lamang na bumagsak sila sa kama bago pa man siya magpumiglas.


"Bitiwan mo ako!" she screamed.


"Anong ginagawa mo dito?" muling usal nito. Wala siyang laban sa mga bisig nito na nakayakap pa rin sa kanya. "Magnanakaw ka noh?"


Magnanakaw? Hindi siya magnanakaw. Wait, baka ang lalaking ito ang magnanakaw. Bigla siyang napasigaw nang marealize niyang ang bagay na iyon. "Magnanakaw!"


Awtomatikong tumaas ang kamay nito at tumakip sa kanyang bibig. "I am not a thief. Ikaw ang pumasok sa cottage ko kaya baka ikaw ang magnanakaw."


Cottage ko? Nagulat siya. Sa kanya ang cottage na ito. Sinamahan pa nga siya kanina ni Yanyan. "Sa akin ito." gigil na sambit niya. Hindi pa pala siya pinapakawalan ng lalaki. "Bitiwan mo ako kung hindi ay sisigaw ako."


"Hindi kita papakawalan until you will explain what the hell you are doing at my place."


Hindi nga ito magnanakaw. Inglesero eh! Kung akala nito ay masisindak siya ay napasigaw siya ng malakas. "Rape!"


Nagulat ang lalaki sa kanyang sinabi kaya tuluyan na siyang nabitiwan. Mabilis siyang napatayo at muli sanang sisigaw pero nahuli siya na naman ng estranghero at mahinang ibinagsak sa kama. Bago pa man niya pakawalan ang sana ay pangatlo niyang sigaw ay naunahan ang kanyang mga labi. The stranger's face descended to hers and covered her lips with his. Hindi na siya nakaimik. Para siyang naging tuod sa sobrang gulat.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon