Short horror story:
Lunes na bukas!
The end haha
"Maiwan ko muna kayo mga tol." paalam sa kanila ni Ryan nang tumayo ito. "Lalapitan ko lang saglit si Patring, my loves."
Nawala na ito sa kanilang mesa at dumiretso sa kinauupuan nina Patring kuno nito. Sinundan ni Levi ito ng tingin.
"Hi Patring." nakangiti nitong bati sa babae. "Hello Dodong, hello Savannah."
Ngumiti yung lalaki at saka yung babaeng sumuntok sa mukha niya. Si Patring naman ay inismiran ang kanilang kaibigan.
"Anong ginagawa ng bombay dito?"
Sabay-sabay silang nagtawanan nina Jake at Pacoy. Itinaas ni Ryan ang kamay nito para sabihing tumahimik sila. Pero hindi pa rin sila tumigil. Mas lalo pa nang marinig nila ang sinabi ni Patring.
"May pera kami. Walang gustong mangutang sa amin."
"Anong ibig sabihin ni Patring?" kunot noong wika ni Jake.
"Slow ka pare. Ano bang ginagawa ng mga bombay dito sa atin?"
"Nagpapautang." pilit nitong pinagconnect ang sagot sa sinabi ni Patring kay Ryan. "Nagpapautang." Saka ito biglang natawa ng malakas nang magets nito ang joke. Tinawanan nila ni Pacoy ang katangahan ng kaibigan nila.
Samantala si Ryan ay matiyaga. Hindi pa rin ito umalis sa table nina Patring. Napansin niyang nakakausap na nito ng matino ang babae.
"Aalis na rin ako." Maya-maya ay paalam ni Jake. "May importante lang akong pupuntahan."
Si Pacoy ay bigla ring napatayo. "Aalis na rin ako pare."
"Sandali." pigil niya sa mga ito. "Iiwan niyo ako rito mag-isa?"
"Pare, kaya mo yan. Maghanap ka ng babaeng makakasama mo." sabi ni Pacoy at sabay na iniwan siya ng mga ito.
Mga buwisit na kaibigan! Saan kaya siya pupunta ngayon? Babalikan kaya niya yung si Kulasa sa library. Siguro naman walang katau-tao doon. Maari nilang ituloy ang naantala nilang ginagawa kaninang umaga. O tawagan niya kaya si Nicole at samahan siya sa canteen. Puwede niya ring puntahan si Lily sa gym. And Daisy is expecting him to call her. Nandoon din si Regina sa HRM department. Si Jessica. O kaya'y si Monica. Cassandra. Camille. Angela. Lorilyn. Lexie. Khaycee. Lydia. Audrey. Am-. . . Stop!
Marami siyang naisip na babae na maari niyang puntahan pero kakatwang wala siyang ganang puntahan ang alinman sa mga ito. At walang siyang balak na mapag-isa doon.
Tumayo siya at umalis ng canteen. Pupunta na lang siya sa college campus. Bisitahin na lang niya ang kanyang pinsan. Matagal na rin niyang hindi iyon nakikita.
*****
"Anong ginawa mo si libro ko?!" galit na wika ni Rex sa kay Yanyan. Hiniram niya ang libro nito sa Sociology last sem para maging reference niya. Ngayon lang niya iyon naisipang ibalik.
"Bakit? Ano bang nangyari?" patay malisyang tanong niya kay Rex.
"Huwag kang magmaangmaangan diyan Yanyan!" sermon sa kanya ng binata. "Maayos ko itong ipinahiram sa iyo. Hindi ko akalain na ganito mo ibinalik. Lukot-lukot na ang mga pahina. Huwag ka na ngang humiram sa akin."
"Eh di sana, hindi ka na nagpahiram. Ayaw mo naman palang ipahiram bakit ibinigay mo pa rin?"
Hindi ito sumagot. Napansin niyang iniisa-isa nitong ibinabalik sa pagkakatuwid ang ilang mga pahina ng libro na natupi. Maging iyong kaliit-ilitang tupi sa dulong kanto ng pahina ay hindi nito pinatawad.
Mula bata pa sila ay ganoon na ito kaayos. Hindi pa nga siya sanay hanggang ngayon kung bakit ganoon na lang ang ugali ni Rex. Minsan ay cute para sa kanya iyong inaasar ito kaya sinasadya niyang putulin ang lapis na hinihiram niya rito o kaya'y itupi ang mga pahina ng mga libro nito. Pati na rin ang panggugulo niya sa bag ng binata.
"Bakit ba kasi ang linis-linis mo?" sumbat niya rito. "Kahit kaliit-liitang detalye ay pinapansin mo. Kahit hindi dapat."
"Ganito na talaga ako. Ikaw lang ang magulo at burara."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Hindi ako burara."
"Eh, bakit ang gulo-gulo ng bag mo. Pati ang suot mo ay gusot-gusot. Para kang lalaki kung umasta. You don't have lady-like ways."
Nasaktan siya sa sinabi ng kaibigan. Ewan ba niya kung bakit tinamaan siya na naman. "Kung ganoon pala ang tingin mo akin, bakit mo ako pinagtitiyagaan? Sana naghanap ka na lang ng ibang kaibigan mo."
"I wish I could." bulong ni Rex na hindi na nakaabot sa pandinig ni Yanyan. Natapos na ito sa pag-aayos sa libro. Binuksan nito ang sariling backpack at maayos na ideniposito ang book doon.
Umihip ang hangin at hindi sinasadyang liparin nito ang buhok niya. Wala siyang pakialam na nagulo iyon. Nang mapatingin siya kay Rex ay napansin niyang nakakunot-noo itong nakatingin sa kanya.
"You are really messy woman." anito at gamit ang mga daliri ay isinuklay sa kanyang buhok. Ito na ang nag-ayos para sa kanya. Hindi naman niya alintana iyon dahil sanay na siya sa lalaki.
Magsasalita pa sana siya para pasubalian ang sinabi nito pero bigla silang nakarinig ng pagtikhim. Nang lingunin nila iyon ay lumiwanag ang mukha ni Rex.
"Pinsan, anong ginagawa mo rito?" Tumayo si Rec at mahigpit na niyakap ang pinsan nitong si Levi. Matagal niya rin itong nakilala. Tumayo rin siya at bineso ang binatilyo.
"Gusto ko lang kayong dalawin. Wala kasi akong ginagawa. Hello Ate Yanyan." nakangiti nitong sabi. Crush niya itong si Levi. Ang guwapo kasi nito. Ang lalim ng nag-iisa nitong dimple. "Kumusta?"
"Ok lang ako." sagot niya sa lalaki. "Kahit na palagi akong pinagsasabihan nitong pinsan mo. Kesyo burara daw at magulo ako."
Natawa si Levi sa narinig. "Ganyan talaga iyang si Kuya Rex. Hindi ka pa ba nasasanay?"
"Kung pag-usapan niyo ako ay tila wala ako sa inyong harapan." ani Rex pero nakangiti na ito. "Anong nangyari sa mukha mo Levi, bakit nagkapasa iyan?"
Napansin niya ang pagguhit ng galit sa guwapong mukha ng pinsan ni Rex. Pero mabilis ding napawi iyon. "Wala ito Kuya, aksidenteng nauntog sa dulo ng kama ko kaninang umaga."
Tumango-tango si Rex. Si Yanyan ay sinarili na lang ang napansing alibi ni Levi.
"Kumusta naman ang love life mo bata?" Hindi niya napigilang tanong sa binatilyo. Mula sa naririnig niya ay isa itong chickboy.
Tumawa si Levi sa kabila ng pag-ungol ni Rex. "Wala pa po akong girlfriend Ate Yanyan. Teka lang, kayo na ba ni Kuya."
Nagkatinginan silang dalawa ni Rex. Parehong hindi nila alam ang isasagot. Napansin ni Levi na hindi sila komportable sa tanong nito. Tumikhim ito at mabilis na nagtanong ng ibang katanungan.
Ayan, medyo na-enlighten na kayo sa mga relationships ng mga bida. XD Ganito yun, si Yanyan ay kapitbahay ni Banang at bestfriend ni Rex na pinsan ni Tisoy na kaaway ni Banang. Oh di ba, anggulo! hihi
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...