Kakaalis lang ni Savannah sa opisina ni Rex, isa na namang panauhin ang dumating. Tahimik si Levi na itinulak ang pintuan ng opisina ni Rex pabukas. His cousin had been calling him. May mahalaga daw itong sasabihin sa kanya. Actually, last week sana siya pupunta but serious matter came in his business. It needed his immediate atensiyon kaya ngayon lang siya nakabisita.
"Good mor-" hindi niya naituloy ang sana ay sasabihin niya. Siya ang nagulat sa kanyang nakita. Hindi pala nag-iisa ang pinsan niya. May kasama ito sa loob. At hindi lang basta kasama. They are on a hot scene that any person below eighteen is not advised to watch to.
Kahit alam niyang nalaman nina Rex at ang asawa nito na nasa loob siya ay ipinagpatuloy pa rin ng dalawa ang paghahalikan.
"Hey! Maybe, you already know that I am here." naiinis na pigil niya sa mga ito. He failed in his attempt. Hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa akung anumang ginagawa ng mga ito. He could even hear the noise of their lips.
"Geez!" malakas na sabi niya. "You two are becoming annoying already. Maybe, I will go back some other time."
Sa sinabi niya ay biglang bumitiw si Yanyan kay Rex at mabilis siyang hinarap. "Oh, hi Levi. Nandito ka pala."
He almost rolled his eyeballs. "Kanina pa nga ako nandito. Hindi ko lang alam kung paano kayo iistorbuhin sa ginagawa niyong tila napakaimportante." Napabuntong-hininga siya at basta na lang ibinagsak ang sarili sa couch na nasa kanyang harapan. "What are you doing here anyway? Wala ka bang trabaho ngayon, Ate Yanyan?"
Napangiti si Yanyan at lumapit sa kinaroroonan niya. Napansin niyang nag-ayos ng upo ang kanyang pinsan. "Yes, may trabaho nga ako." wika ni Yanyan at saki ininguso si Rex. "Trabaho ko ang asawa ko, darling."
Napailing siya. Hopeless case na ang dalawang ito. "Hindi ka ba natatakot na mabankrupt ang Craze?"
"Nope." sagot ni Yanyan. Napangiti ito at saka naupo sa kanyang tabi. "Mapagkakatiwalaan ang mga alaga ko. At hindi ako nag-aalala kung mabankrupt iyon. Malaki naman itong Prairie. Kaya akong buhayin ni Rex at ang mga anak namin. Kahit dalawang dosena pa iyon." Sinundan nito iyon ng tawa.
Hindi niya lang ito pinansin. Si Rex ang sinunod niyang hinarap. "So, what was that important thing you wanted to discuss with me? Pasensiya na kung ngayon lang ako nakarating. I had to settle a very important matter."
Tumango ang kanyang pinsan. "Actually, I don't know what my wife needs of you. Siya ang may importanteng sasabihin sa iyo."
"And that's me." masayang pahayag ni Yanyan.
Napakunot ang kanyang noo at saka tinapunan ng tingin ang babae. "Anong kailangan mo sa akin?"
"You perfectly fit as a model." nakangiting wika ni Yanyan habang nagsimulang hawakan ang kanyang katawan. Dinama nito ang biceps, chest, tummy at legs niya. Sobra niyang ikinagulat iyon.
"What are you doing?"
"I am just checking on them if they are real."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...