"Hmmmm!" usal ni Savannah. Nagising siya sa kiliting nararamdaman niya mula sa kanyang leeg. A warm and fresh breeze is fanning her face. Napakasarap sa pakiramdam ang ganoon. Sana ganoon na lang araw-araw. What a great way to wake her up. She smiled.
"Hmmm!" she uttered again then slowly opened her eyes. Muntik na siyang mapasigaw nang marealize kung ano ang kiliti sa leeg niya at kung ano iyong mainit na hangin na humahalik sa kanyang mukha. It was Levi!
Nakalapat ang panga nito sa leeg niya. Ang mga stubbles nito ang kanina pa'y kumikiliti sa kanya. Then, the gentle breeze, it was after all his breath. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang kanilang posisyon.
Ang isa pang nagpawindang sa isipan niya ay ang hita nitong nakadantay sa kanyang tiyan. And, oh boy, may matigas na bagay siyang nararamdaman under the sheets. It was against her tummy. Nanlaki ang mata niya nang pumasok sa kanyang isipan kung ano ang bagay na iyon.
Unti-unti siyang kumilos at maingat na inilayo ang mukha sa lalaki. He groaned as if in protest. Mabilis din naman itong naging payapa at nagbalik sa pagtulog. Napakaamo ng mukha nito. Nawala ang anumang bangis nito kapag sila ay nagtatalo. Right now, all she could do is to caress that very peaceful and adorable face.
Itinaas niya ang kanyang kamay. Gusto niya talagang haplusin ang maamong mukha ni Levi. She was about to do it when he stirred and opened his eyes slowly. Nabitin sa ere ang kanyang kamay.
He just stared at her. Parang nagulat ito kasabay ng pagkunot ng noo at paglabas ng mga katanungan sa mukha nito.
"What do you think you're doing?" tanong nito nang mapansin ang kanyang kamay sa tapat ng mukha nito. Mabilis niyang ibinaba iyon. Hindi pa rin humiwalay si Levi ng tingin sa kanya. Bigla itong napangiti ng nakakaloko. "Of course, I know what you could have done. Bakit hindi mo na lang ituloy?"
Nag-iwas siya ng tingin at nakahandang bumangon. Her attempt was not even sucessful. Hindi niya kayang makawala sa hita ni Levi na nakadantay sa kanyang katawan.
Napilitan siyang harapin ito. It was a bad move dahil muli silang nagkatitigan. Levi laughed out loud at her face. Tinanggal nito ang paa sa pagkakadagan sa kanya. He rolled to the side opposite hers without suppressing his laughs. Nabubuwisit siyang napatayo.
*****
The first part of the shoot went fine. Although, nagkakailangan sina Levi at Savannah ay hindi dahilan iyon para mailabas nila ang chemistry nilang dalawa. Ramdam na ramdam ang kilig sa shoot venue. Mapa-photographer, hanggang sa mga staffs ay kilig na kilig. Si Yanyan siguro ang pinakamasaya dahil sa wakas ay matutupad ang matagal nitong binabalak sa dalawa.
Natapos ang isang araw na sobrang maganda ang kinalabasan. Dahil na rin sa pagiging professional ng dalawa ay walang nangyaring problema.
May padinner na naman si Yanyan kinagabihan but Savannah politely declined. Napag-usapan kasi nila ni Jake na magkikita muli sa gabing iyon. He wanted her to meet his family. Hindi na rin naman nagtanong si Levi kung saan siya pupunta. Habang pabalik sila sa kanilang cottage ay tahimik na tahimik ito. Ito pa ang unang umalis na hindi man lang siya kinakausap.
Pagkatapos ng mabilisang pag-aayos sa sarili at pagbibihis ay nagmamadaling lumabas na rin si Savannah para sa kanyang date sa pamilya ni Jake. Naroon na ang mga ito sa restaurant na pinagkainan din nila kagabi.
Ang lalaki ang unang tumayo nang siya ay makita. Sinalubong siya ni Jake at nakangiting ipinakilala sa mag-ina nito. "Sweetie, this is Savannah, the one I am telling you about. Savannah, si Ara, my very pretty wife."
Tumayo si Ara at bumeso sa kanya. Pagkatapos ay isang yakap ang ibinigay. "I am so happy to finally meet you."
"The pleasure is mine Ara. And Jake is right, you are very beautiful."
Ara chuckled. "Just as you are." Ang babae na rin ang kumausap sa anak ng mga ito. Ito ang nagpakilala sa kanya. From the looks of it, magkakasundo at magkakasundo sila ng babaeng ito. Mabilis kasi silang makakonekta sa isa't-isa. Hindi na lang niya alam na maya-maya ay tuwang-tuwa na silang nagkukuwentuhan.
"May boyfriend ka na ba Savannah?" tanong bigla sa kanya ni Ara nang matapos ang isang paksang kanilang pinag-uusapan.
"Wala. I enjoy being a single."
"Are you sure?" ulit nito na ang mga mata ay nakatuon sa lagpas ng kanyang balikat.
"I am. Why?"
"Eh, sino iyong lalaking kanina pa nakatingin dito?"
Sabay nilang sinundan ni Jake ng tingin ang sinasabi ni Ara. Jake uttered a gasp nang magsino ang lalaking tinutukoy ng asawa nito. "Is that Levi?"
"You knew him?" si Ara.
"Of course, he was my high school best friend. Teka lang at tatawagin ko."
Bago pa man niya ito mapigilan ay napatayo na ito at lumapit sa table nina Levi. Umiwas na lang siya ng tingin nang mapansin niyang nagsimula na ang mga itong mag-usap.
Hindi na napigilan ni Savannah si Jake nang magbalik ito sa kanilang table kasama si Levi. Ipinakilala ito ng lalaki sa asawa't anak. During the duration, isa lang ang napansin niya kay Levi. Kailanman ay hindi ito humiwalay ng tingin sa kanya. Alam niyang tila isa siyang specimen na nasa ilalim ng microscope at matamang ini-inspect ni Levi. She knew that he was memorizing her every move, every gesture, and every emotion from her face. In that, she tried her best to remain calm, passive, and neutral.
Natapos ang dinner nang magpaalam ang mag-asawa. Naiwan tuloy sila na magkasama. She had no choice but to return to the cottage with this man.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
ComédieLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...