39 Levi

2K 106 4
                                    

"Hoy Ismael! Nasa locker room ako ngayon. Puntahan mo ako ngayon din. I have with me my rules." malakas na basa ni Banang sa katatanggap niya lang na text message. Galing iyon sa isang new number. Of course, alam niyang kay Levi galing iyon. "New number na naman? Ilan bang number ang meron ito at iba pa iyong number na ginamit nito noong isang araw."

"Hoy baliw!" narinig niyang sigaw sa kanya ng kaibigan niyang si Dodong. Nakakapit side to side sa beki ang dalawa pang sina Patring at Cara. "Sinong kausap mo diyan?"

"Ah, wala." aniya. Bigla siyang nataranta. Mula sa pagkakaupo niya sa bench ng school garden ay bigla siyang napatayo at basta na lang tinalikuran ang paparating niyang mga kaibigan. "Mauna na ako."

"Hoy!" sigaw sa kanya ni Cara. "Saan ka pupunta?"

"Bakit mo kami iniiwan?" dagdag pa ni Patring. "Naamoy mo na ba kaagad ang kili-kili ni Dodong kaya ka nag-aapurang umalis?"

"Bakit ako na naman ang may kasalanan? Mabango naman ang kili-kili ko. Pinawax ko pa ito sa muchacha namin para matanggal ang mga buhok."

Nilingon niya ang mga ito. Gusto niyang matawa sa bangayan ng dalawa niyang mga kaibigan. "Patring, iyon ang isang dahilan kaya ako aalis. Ang baho kasi ng kili-kili ng baklitang iyan. Pero kidding aside, may emergency kasi. Duty calls from Volition. See you mamaya."

Then she received her friends approval and three nods signifying total understanding.

"Mag-iingat ka."

"Enjoy."

"Dalhan mo ako ng Papa."

Napatakbo na siya paalis baka malate pa siya sa 'appointment' niya kay His Honor. Dumiretso na siya sa gym at nagtuloy-tuloy sa likod hanggang sa marating niya ang locker room ng mga athletes. There she found Levi doing setups on the floor. He looked too hot in his jersey and shorts. Beads of sweat are beginning to emerge from his body. Napatayo ito nang siya ay makita.

"Verily! Verily!" wika nito at siya ay inikot. "Good assistant."

"I am not yet your assistant." she snapped and sat down at the monoblock there without asking for any permissions. "Give now your rules and I will give you mine. But before that, kanino mo nakuha ang number ko noong una kang nagtext."

"Bakit big deal ba iyon?"

"Sa akin, oo. Bakit kailangan mong hingin muli kahapon sa akin ang number ko? At bakit iba ang number na gamit mo ngayon?"

"Kasali ba yan sa interview? You sounded like my girlfriend?"

"Really?" she echoed sarcastically. "Which one? Si Jessica? Si Monica? Si Myra? Eunice? Beverly? Shaina? O kaya'y si Kulasa?"

"You're trying to tell me that I am a playboy with so many girlfriends?"

"Bakit hindi ba?"

"Masama ang magbintang sweetheart. Para sa ikakatahimik mo, wala akong girlfriend, well, as of the moment. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Napakaselosa mo naman."

Aba! Ang yabang! Nainis siya tuloy bigla. At pinapalabas pa ng Levi na ito may gusto siya rito. Ang kapal! "I don't care about your affairs. Simulan na natin ito."

She heard him sigh. "Ok, sagutin ko muna ang napakarami mong tanong. First, I got your number then from Joel's phone without his knowledge. Textmate pala kayo."

"Pakialam mo! Kaibigan at malapit na kaklase ko si Joel kaya ok lang."

"Whatever. Next, kaya ko hiningi muli ang number mo at kung bakit iba na ang gamit kong number ay dahil namisplace ko iyong dati kong sim card. Hindi ko na mahanap kaya bumili na ako ng bago. Ayaw mo ba nun? Number mo lang ang laman ng sim card ko."

Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Kahit papaano ay bigla siyang nakaramdam ng kilig sa sinabi ng mokong. Akalain mo iyon, number niya lang ang nasa sim card nito. Ain't he the sweetest?

"I have only three rules. First, you should do everything I want you to do."

"That is unfair!" mabilis niyang angal.

Levi lifted his two arms to silence her. "Hindi pa ako tapos." anito at saka tinitigan siya ng mataman. "Huwag kang mag-alala, hindi ako slave-driver. I will not have you wash my underwear if that what you're thinking. Although, that was a good idea."

"Subukan mo lang gawin at sunugin ko sa harapan mo mismo."

"Ooops! I am not done yet." ulit nito, sa salitang Ingles nga lang. "Ang ibig kong sabihin ay dapat gawin mo ang lahat ng iutos ko. Be at the bleachers when I have my training. Respond to all of my messages if I call for you. I will try to be fair as possible."

"Ok, next rule."

"Rule number two: never argue with me. Bawal magreklamo at bawal akong sinisigaw-sigawan. If you will, then just forget about the interview."

"Pero, imposible namang hindi ako magrereklamo kung hindi ko kaya ang ipapagawa mo."

"Oops, kasasabi ko lang ang rule number two. Third, don't get too attached with me. I mean don't fall for me."

"Ang kapal mo!" pasigaw niyang wika dito. "Napakaassuming mo yata."

"Number two miss. Hindi ka pa nagsisimula ay marami ka na kaagad violations. Para rin naman sa kapakanan mo ang number three."

"That's great! Huwag kang mag-alala. Kahit hindi mo sasabihin ay buong puso akong tutupad sa pangatlo mong rule. Duh?" Kinalkal niya ang kanyang bag at inilabas ang isang long bond paper kung saan niya isinulat ang mga rules niya. The paper is full of rules, with .5 margins on all sides, Century gothic, size 8, justified, at single spaced.

Napanganga si Levi nang makita nito ang papel na ibinigay niya. "What the hell is this?"

"Those were my rules."

"They're forty in all. How can I memorize this?" Mabilisan nitong binasa ang mga nandoon. Sunod-sunod ang pagkunot ng noo nito. "Number eight, never ever touch me." He grinned then look at her na tila nandidiri at saka muling ipinagpatuloy ang pagbabasa. "Asa ka pang gagawin ko iyan. Eleven, don't be so arrogant. Fifteen, avoid being too bossy. Twenty one, never display your dimple on me. Really? Twenty six, answer all my questions. This is nonsense."

Levi crumpled the paper and tossed it into the trash bin. Shoot! There goes her rules! Pinagpuyatan niya kayang gawin iyon. "How many questions do you have there."

"Hindi ko alam. Marami din. More or less twenty."

"That's good. Do that in a per day basis. I mean, I entertain one question per day only. You may go."

"What?!"

Magrereklamo pa sana siya pero inabot na nito ang tuwalya sa locker nito at nagsimulang maghubad. Maliligo yata ito. Napilitan siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng locker room na may nagpupuyos na damdamin.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon