13 Levi

2.1K 125 16
                                    


"Levi." may banta sa boses ng kanyang Tita. "Magsabi ka ng totoo, ano ba talaga ang nangyari? I want the whole truth."


"Pero totoo yung sinabi ko Tita." giit ni Levi sa principal. Lingid sa kaalaman ng nakakarami ay auntie niya ito. Ina ito ng pinsan niyang si Rex at kapatid naman ng kanyang Mama.


"Hindi magwo-walk out ng ganoon si Miss Ismael kung totoo iyong sinabi mo!"


"Tita naman."


"Levi, tumigil ka na sa kapilyuhan. Sabihin mo sa akin ang totoo."


"Alright, I was the one who kissed her."


Tinampal ni Mrs. Dantes ang noo nito. "Ano ka ba naman Levi? Matagal ka ng pinagsasabihan ng mga magulang mo na itigil mo ang iyong mga kapilyuhan."


"Sorry Tita." nakayuko niyang sabi dito. "Ginawa ko lang naman iyon dahil sa inis ko sa kanya."


"That is not a valid reason Sullivan! Walang matinong lalaki ang manghahalik sa isang babae dahil lamang sa inis niya rito. At bakit ka naman maiinis sa kanya? Mabait na bata iyang si Savannah."


"Mabait?!" gulat na tanong niya sa tiyahin. "I think you are mistaken Tita. That girl is a tigress. Tingnan mo ang ginawa niya sa mukha ko. She punched me."


Hindi makapaniwalang napatingin ang kanyang tita sa pasa niya. Hinaplos nito iyon ng marahan. Pagkatapos ay mabilis ding binawi ang kamay sa kanyang mukha. "Hindi kita pinaniniwalaan diyan hijo. At kung totoo man iyang sinasabi mo, baka may ginawa ka sa kanya kaya ka niya sinuntok."


"I'm telling the truth this time Auntie. Mali ang pagkakakilala mo sa Banang na iyon."


"Huwag mo na siyang siraan sa akin. Now, leave my office and ask for an apology. Magsorry ka kay Savannah."


"I can't believe this!"


"Levi! Gawin mo ang sinasabi ko kung ayaw mong umabot pa sa inyong mga magulang ang ginawa mo."


His shoulders dropped in surrender. "Sige po Tita."


"Go now and look for her. Siguraduhin mong magsorry ka sa kanya."


Tumango siya kasabay ng pagtayo. Lulugo-lugo siyang lumabas ng principal's office. There is no way that he will apologize to that amazona! Anong pakialam niya kung magtransfer out ito? Mas nakakabuti nga iyon para wala na siyang makakalaban sa kanilang school. Mula pa noong nakaengkuwentro niya ito ay hindi na siya natigilan ng kamalasan.


Teka lang, saan na yung daan pabalik sa canteen? anang isip niya nang marealize niyang naliligaw na naman siya. Hindi niya kasi alam kung saan siya nagsususuot pagkatapos niyang lumabas sa opisina ng tiyahin niya.


Pilit niyang tinandaan ang kanyang pinaggalingan. Nagsimula siyang bumalik pero mas lalo siyang naliligaw. "Saan na ba kasi yung daan?"


Malapit na siyang mainis sa kanyang sarili. He had a very poor sense of direction. The result is that he always loses his way. Though, he always tries to find his way back again too. Oh, di ba, ang gulo niya?


Inilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ryan. "Tol, puwede mo ba akong sunduin ngayon?"


"Huh? Ano ulit iyon. Pare hindi kita marinig. Choppy, choppy, ok bye."


"Ryan!" Napamura siya nang putulin nito ang tawag. Signal iyon na ayaw nitong magpaistorbo. He browsed his contacts and called Pacoy. "Pare, nasa school ka ba?" Tanong niya sa pinakatamad niyang kaibigan. Presidente ng cutting ito at palaging wala ng school. "Huh? May pinuntahan ka naman? Sige, sige. Salamat na lang."


Si Jake naman ang sunod niyang tinawagan.


"Oh, pare napatawag ka?" sagot kaagad nito.


"Nasa school ka ba? Kailangan ko ng rescue."


"Rescue?" anito pero agad ding napatawa. Maybe Jake figured out already kung ano ang gusto niyang mangyari. "Ok, saan ka ba?"


"Tol, seryoso? Naliligaw nga ako di ba? Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta parte pa rin ito ng High School Campus. Nasa tabi ako ng isang poste."


"Maraming poste dito sa H.U."


"May mga bulaklak na pink ang kulay sa aking harapan."


"Maraming bulaklak na pink tol."


"Ok, may tinik-tinik at mas matangkad sa akin ang puno nito."


"Bougainvillea ba ang tinutukoy mo? Maraming ganyan dito sa campus."


"Wala akong alam sa bulaklak pare. Tulips at roses lang alam ko. Ok, ito na lang, may naglalakad na nakaholding hands palapit sa kinaroroonan ko."


"How am I supposed to know that? Baka papuntang langit yan pare. Huwa ka ng magpahanap."


"Mayroong drinking fountain sa aking tabi."


"Ok, nasa tabi ka ng RnD Building tol. Kumanan ka tapos diretsuhin mo ang pathway. Makikita mo na doon ang clinic. Then by there, siguro alam mo na kung paano makabalik sa pinanggalingan mo."


"Sige pare. Salamat."


Inis niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone. Bakit pa kasi ang bagal-bagal niya sa direksiyon? Hindi lang iisang beses na siya ay naligaw.


Siya kasi yung tipo ng taong kahit ilang beses siyang nakapunta sa isang lugar ay hindi niya pa rin matatatandaan kung alin ang tamang daan. And he hates that about himself.


*****

"Ate, hala ka!" salubong ng kapatid ni Banang sa kanya nang makauwi ito. Nadatnan siya nito sa sala na nanonood ng TV.


"Bakit?" iritado niyang tanong.


"Narinig ko ang pangalan mo Ate. Pinatawag kayo ni Levi sa Proncipal's Office."


"Yeah so?"


"Yeah so?" he mimicked her. "Dahil nagPDA kayo."


"Nico!" malakas na sigaw niya sa kapatid. "Hindi totoo yan."


"Weh?" muling asar nito sa kanya. "Kalat na kalat kaya sa buong campus." Inilabas nito ang cellphone nito at ipinakita sa kanya ang picture nila ni Levi na naghahalikan.


"Saan mo nakuha yan?" gulat na tanong niya sa kapatid. "I-delete mo yan!"


"Ayoko nga." wika nito na ang ngiti ay umabot hanggang tainga nito. "Gawin ko itong panblackmail sa iyo. Akala mo siguro."


"Erase that! Binabalaan kita."


"No way! Sumayaw ka muna ng dessert diyan at sabayan mo ng Fantastic Baby."


Dinampot niya ang unan at malakas na ibinato sa kanyang kapatid. Nakailag ang kanyang kapatid at mabilis na umalis. Patakbo itong umakyat ng kanilang hagdanan. "Mag-iisip pa ako ng ipapagawa ko sa iyo Ate bago ko ito i-delete. At hindi rin kita isusumbong basta gawin mo ang iuutos ko."


"Crazy!"


Naiinis niyang isinandal ang ulo sa sofa. Pagkatapos niyang gantihan ang Levi na iyon ay talagang aalis na siya sa paaralang naging tahanan niya ng halos apat na taon.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon