28 Levi | Rex

2.1K 112 14
                                    


Mag-iisang linggo na pero hindi nagpapakita si Rex kay Yanyan. Tinotoo nito ang sinabi nitong hahayaan siya sa gusto niyang gawin. And Yanyan is more stubborn. Wala siyang pakialam kung ayaw ni Rex kay Paolo.

Pero ang hindi niya matanggap ay nakaya ni Rex na hindi siya kibuin ng isang linggo. That hurts her so much. Paano nito nagawa iyon sa kanya? Siya na nag-iisa nitong bestfriend.


Kaya sa araw na iyon ay gumuwa siya muli ng paboritong sandwich ng kaibigan. Pagkatapos ng kanyang klase ay hinanap na niya si Rex. Lahat ng puwede nitong kinaroroonan ay napuntuhan na niya pero hindi niya ito nakita.

Wala ito sa office ng Volition. Wala rin sa paborito nilang puwesto sa canteen. Maging sa tambayan nila sa campus ay pinuntahan niya, still Rex is nowhere.

Isa lang ang naisip niya na kinaroroonan nito. Sa high school department. Hindi na siya nag-isip pa. Mabilis siyang pumunta doon.

Saka lang siya nagsisi nang makatapak na siya sa high school campus. Hindi niya kabisado doon. At mas lalong hindi niya alam kung saan doon ang pinupuntahan ng kaibigan.

She sighed and uttered a curse that was aimed directly at her. Kahit kailan talaga ay hindi siya nag-iisip. Laglag ang mga balikat na tumalikod siya at nagsimulang lisanin ang high school campus.

"Ate Yanyan!"

Mabilis siyang napalingon nang marinig niya ang pagtawag sa  pangalan niya. Her smile automatically appeared when she saw Levi running towards her.

"Hi Ate Yanyan." nakangiti nitong bati sa kanya. Ang mga biloy nito ay sobra ang pagkakalitaw. "I was right all along. Ikaw yung nakita ko kanina."

"Hello Levi." ganti niya sa pagbati nito. Natutuwa siya na nakita niya ang batang ito.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong sa kanya ng lalaki. Hindi pa rin nababawasan ang pagkakangiti nito.

"Napadaan lang ako." palusot niya.

"Napadaan? O may hinahanap?" muli nitong wika. Ang kapilyuhan ay nag-uumapaw sa napakaguwapo nitong mukha. "Kabisado ko na ang ganyang mga pulusot Ate Yanyan."

Napatawa siya sa sinabi nito. Is she that obvious? She shrugged her shoulders and smiled again. "Alright. May hinahanap nga ako."

"Could it be my handsome cousin?"

"Bakit ko naman hahanapin ang pangit na iyon?" She already lied two times at that very hour. "Hindi siya ang hinahanap ko."

"Really?" pilyo nitong sabi. "Kung ganoon, sino?"

Wala rin siyang maisip na maisasagot. She was cornered by her own lies. Ang akala niya kasi ay hindi pa magpipress forward si Levi sa pagtatanong. Nakalimutan yata niyang ito ang pinakamakulit na lalaking nakilala niya.

"All right." naiinis niyang pagsuko. "Si Rex nga ang hinahanap ko. May nakita ka ba sa kanya kung napadaan siya rito?"

Levi let out a very cute and musical laughter. "Pasensiya ka na Ate. Hindi pa naman nagagawi rito ang pinsan kong iyon. Ang alam ko lang ay pumupunta siya dito pag may kailangan siyang asikasuhin."

"Ganoon ba?" she uttered in a total disappointment. At ngayon ay tila pinagtataguan pa siya ng lalakinh iyon. "Babalik na rin siguro sa kabilang campus."

"Sige Ate. Mag-iingat ka."

Bago pa man siya makaalis ay bigla niyang naalala ang hawak-hawak niyang bag ng sandwich. "Ay teka lang Levi, gusto mo ba ng sandwich?"

Kunot-noong binalingan siya ng lalaki. Pati ang ganoong reaksiyon ng lalaki ay napakacute. "Sandwich?"

"Ah huh."

"Of course." he replied in delight.

"Ito oh." aniya at itinaas ang hawak na paper bag. "Sa iyo na iyan. Ako mismo ang gumawa niyan."

"Wow! Maraming salamat Ate. Kahit alam kong para kay Kuya Rex ito ay hindi ko tatanggihan. Gutom na rin ako eh."

"Sige kid." biro niya. "Enjoy."

Muli itong nagpasalamat sa kanya bago niya ito iniwan. Buti na lang at nandoon si Levi. Kung nagkataon ay sa basurahan ang diretso ng sandwich na iyon. Pinaghirapan pa man din niya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya kung gaano ito kasaya sa ibinigay niyang sandwich. Maging siya ay napangiti na rin.

Tuluyan na siyang nagbalik sa college campus. Sakto namang nakita niya ang love of her life niya na si Paolo. Atleast, nabawasan ang ngitngit niya.

"Uh, Yanyan nandito ka lang pala." salubong sa kanya ng boyfriend niya. "Kanina pa kita hinahanap."

"Nanggaling kasi ako sa high school department Pao." she told him honestly. "May inasikaso lang ako doon."

"Ganoon ba?" Paolo said. "Kumain ka na ba? Sa canteen tayo."

"Sige ba." masigla niyang wika at sumunod siya sa boyfriend.

Pumunta nga sila ni Paolo sa canteen. Umupo sila sa bakanteng mesa malapit sa paborito nilang tambayan ni Rex.

"Anong gusto mong kainin?" Paolo inquired.

"Kahit ano. Kung anong sa iyo."

"Ok. Wait for me ah." Tumayo na ang binata at mabilis na pumunta sa counter para bumili ng kanilang makakain.

Habang nawala ang kasintahan niya sa kanyang tabi ay muling nagbalik ang inis sa kanyang katawan. Muli kasi ay lumitaw na naman sa kanyang ala-ala si Rex. Hindi pa rin niya matanggap na hindi ito magpapakita sa kanya.

Then she heard those laughters. And inhaled that familiar scent Para siyang naging tuod sa pagkakaupo.

Excited siyang napalingon at halos maiyak na siya sa kanyang nakita. Si Rex ay papunta sa paborito nilang puwesto sa canteen. At hindi ito nag-iisa.

Kasama nito si Toni na tila tuko sa pagkakakapit sa braso ng bestfriend niya. And she hates how they laugh to their hearts contents. Kaya pala hindi siya hinahanap ni Rex ay may bago na pala itong kasama.

Hmp! Napatayo siya sa sobrang inis bago pa man siya makita ng mga ito. Magsama ang dalawang walang-hiya.

Mabilis siyang lumapit sa counter sa at sinamahan ang kanyang kasintahan.

"Oh? Akala ko, hihintayin mo ako doon."

"Lipat na lang tayo ng ibang puwesto." aniya. Si Paolo ay hindi na nagtanong pa. Tumango lang ito at saka binayaran anf pagkaing naorder.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon