99 Levi

1.4K 88 11
                                    

She is tapping her fingers against the big rock. They work in sync with Bruno Mars' Today my life begins. Ang kanyang buhok ay inililipad ng hangin. Nakaupo siya sa isang malaking bato habang pinapanood niya ang magiting na pag-agos ng tubig sa ilog. Napakapayapa ng pakiramdam niya.


The gushing sound of the streaming river and the music from her earphones created a beautiful melody. It really felt heavenly. She was very happy to have accepted a friend's offer to visit this place in the Ilocos region.


"I will break these chains that bind me." unti-unti ay sumasabay na rin siya sa pagkanta. "Happiness will find me. Leave the past behind me. Today my life begins."


Nang hindi niya mapigilan ay pinalakas niya ang kanyang boses at nakisabay na siya sa hangin at sa agos ng tubig. "A whole new world is waiting. It's mine for the taking. I know I can make it. Today my life begins."


Nang mapagod siya ay saka siya tumigil at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Ganito pala ang feeling ng walang problema. Ng walang inaalala. Ng walang trabaho. Ng walang inaasikaso. Ng walang stress. Ng walang deadline. Ng walang lalaki. At ng walang love life! Ang saya! She is totally free.


Tuluyan na siyang napahiga sa batuhan at tumingala sa langit. Malakas ang sinag ng araw pero ipinagpapasalamat niyang hindi iyon nakakasunog ng balat. Pumikit siya at ninamnam ang pagkakataong iyon. She smiled once more.


Saktong napabangon siya at muling napaupo nang may narinig siyang boses. "Hey!"


She knew that voice. Nang mapalingon siya ay ang nakangiting mukha ni Joel ang sumalubong sa kanya. "So, how did you find this place?"


"It's wonderful." she exclaimed. "Thanks to you."


"Walang anuman iyon. At tama nga ako sa pag-invite sa iyo dito. You really need this break."


"Yeah." she replied. Hindi na siya umangal pa when Joel joined her. Naupo ito sa kanyang tabi at ginaya ang ginagawa niya.


"I used to go here every time I have problems. It really calms my mind."


"You are very lucky to have a place like this."


Ang ilog na iyon ay nasa loob ng asyendang pagmamay-ari ng pamilya ni Joel. Malapit lang naman ang ilog mula sa mansion ng mga ito kaya madalas na rin siya doon. Fifteen minutes lang na lakarin iyon. Sa three days niyang pananatili sa Ilocos ay hindi na yata mabilang kung ilang beses siyang naparoon.


Banang and Joel stayed there for almost an hour without doing anything. They both enjoyed the serenity of it. Kung hindi lang siguro pumatak ang ilang butil ng ulan ay hindi pa siguro sila napilitang umalis.


*****


"Oh my gosh!" Hindi makapaniwala si Banang sa kanyang nabungaran nang magising siya kinaumagahan. Namangha siya sa babaeng nasa harapan niya na nakangiti. Hindi na siya nagdalawang isip at sinugod niya ito ng yakap. "What on earth are you doing here?"


"Ano ka ba?" The woman replied gleefully. Gumanti ito sa kanya ng yakap. "Tagarito kaya ako."


"What?!" lalong napabulalas si Banang. Mabilis siyang kumawala rito ng yakap. "Totoo. Bakit hindi ko yata alam?"


"Hindi ka naman kasi nagtanong." sagot ng babae. "Akala ko kung sinong babae ang bisita ng mga Patterson. Ikaw lang pala iyon."


"Ryka!"


Natigilan sina Banang at ang babaeng kararating lang nang marinig nila ang boses ni Joel. "Anong ginagawa mo dito?"


Biglang umiba ang ihip ng hangin. The woman immediately turned into a very willing puppy. "Joel sweetheart." Malambot nitong sabi at walang sabi-sabing lumapit kay Joel at kumunyapit sa braso nito. "Bakit hindi mo sinabing may bisita ka pala?"


Si Joel ay pilit na inalis ang mga kamay ni Ryka na kumapit dito at dumistansiya ng konti. "Don't ever do that again Ryka Mariana!"


Si Banang ay halos matawa sa mga nakikita. Parang alam na niyang may something sa dalawa. Or kay Ryka pala.


"Anyway." ani Joel sa tonong napipilitan lang. "Savannah, this is Ryka Mariana, tagarito lang din. Ryka, si Savannah, a close friend of mine."


Napasimangot si Ryka Mariana ng wala sa oras. Si Banang naman ay napabungisngis na lang. Hindi pala alam ni Joel na magkakilala sila ng baliw na babaeng ito. Ryka is one of her friends. Nagkakilala sila dati sa isang concert ng paborito nilang boy band. Noong una ay nag-aaway pa sila dahil hindi matukoy kung sino sa kanila ang nginitian ng bokalista. Umabot pa sila sa labas ng concert venue na nagtatalo. Hindi na lang nila alam ang susunod na nangyari dahil magkasama silang pumasok sa isang fast food restaurant para kumain. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Communication started and from that moment on they were like sisters already. Bihira man silang magkita dahil magkaiba sila ng mga trabaho pero hindi naging hadlang iyon para magtuloy-tuloy ang kanilang pagkakaibigan.


"Kilala ko na si Ryka, Joel."natatawang pag-amin ni Banang. Saglit na natigilan si Joel at napatingin sa kanya with knotted forehead. "We're friends."


"Ugh!" Joel exclaimed. "Maiwan ko muna kayo dito"


Mabilis itong nawala sa kanilang harapan. Bumalik ang mga mata ni Banang kay Ryka. Napansin niyang nakatitig pa rin ito sa pintong nilabasan ni Joel.


"Hay." She uttered dreamily. "Ang pogi-pogi talaga ni Joel Patterson, my baby."


"You like him, do you?" Banang asked, teasing.


"No. I don't like him." Mabilis nitong sagot. "I love him friend." Nalukot ang mukha nito at biglang nawala ang mga ngiti. "Yun nga lang, wala yata akong pag-asa. Ikaw yata kasi ang gusto niya."


Isang malakas na sapok ang natamo nito. "Gaga! Paano mo naman nasabi iyan? Kaibigan lang ang turing nun sa akin at ganoon din ako sa kanya. Ikaw yata ang gusto niya. Nagpapakipot lang iyon. Gusto mo tulungan kita?"


"Wow! Bet ko yan. Pero ako na ang gagawa ng paraan para sa forever naming dalawa."


Biglang natigilan si Banang sa narinig. Ang sinabi ni Ryka Mariana ay tumagos sa buo niyang pagkatao. A particular person invaded her mind and affected her system once again.

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon