19 Levi

2.1K 122 11
                                    


She is on her way to the locker rooms. Kukunin niya lang yung camera niya. Wala kasi siyang magawa sa araw na iyon. Kailangan niyang makaisip ng maisusulat na article. At kailangan niya ang camera sa ganoong pagkakataon.


Pasayaw-sayaw at pakanta-kanta pa si Banang habang naglalakad sa school corridor. Feel na feel niya ang pagkanta ng A thousand years ni Christina Perri. "I have died everyday waiting for you. Darling, don't be afraid-"


Bigla niyang itinigil ang pagkanta dahil may nakabangga sa kanya. Naramdaman niya ang mainit at malagkit na likido sa tiyan niya.


"Aww!" hiyaw niya when she felt na napaso siya. Bumaba ang tingin niya sa bandang tiyan niya at nagulat siya nang mapansin ang mantsa sa kanyang white blouse na suot. Nag-angat siya ng tingin. Wala siyang nakitang tao na dapat ay magsosorry sa kanya.


Napalingon siya sa sobrang inis at nahagip ng mga mata niya ang taong kahulihulihan niyang gustong makita sa araw na iyon. Si Levi Sullivan!

Naningkit ang mga mata niya sa galit nang makita ang hawak-hawak nitong kape. So, ito na naman ang nakabangga sa kanya. At ang masaklap hindi man lang nito napansin na namantsahan ang suot niya. At hindi lang iyon. Napaso siya ng kape nito!


"Hoy!" sigaw niya sa lalaki. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad na tila walang narinig. Mas lalo siyang nagalit. Mabilis niya itong sinundan. Nang makalapit na siya ay hinila niya ang shirt nito.


Nagulat si Levi at agad na napalingon sa kanya. Napansin niya ang kalituhan sa mukha nito. Agad na napalitan iyon ng inis nang siya'y masilayan. "What the hell is your problem?!"


"What the hell is my problem?!" ulit niya na may napakasarkastikong tono. "Tinatanong mo ako ngayon? Look at this." Itinuro niya ang kanyang tiyan. Agad namang napatingin doon si Levi. "This is all your fault at ngayon ay tinatanong mo kung ano ang problema ko. Ikaw ang problema ko!"


"Ba, wala akong kinalaman diyan Miss." anito at mabilis siyang tinalikuran.


Pero muli niya itong sinundan at hinila. Itinuro niya ang hawak nitong kape. "Oh, ano yan?"


Tiningnan ng lalaki ang hawak nito na parang wala lang. At saka lumipat ang tingin nito sa suot niya. Hindi ito nagsalita.

Duh? Hindi ba nito naramdaman ang pagbangga nito sa kanya? Uminit lalo ang kanyang ulo. Anong meron sa Levi Sullivan na ito?!


"Wala akong alam sa binibintang mo Miss." anito at akmang tatalikod muli. Nabulag na siya ng galit. Mabilis niya itong dinaluhong. Tumilapon ang hawak nitong kape dahil sa gulat. Sa lakas ng impact ay nawalan ng panimbang ang lalaki.


Malakas na natumba si Levi at bumagsak sa sahig. Nahila pa siya ng lalaki sa pagkabigla. Tuloy ay natumba na rin siya at napasubsob sa dibdib nito. Narinig niya ang impit na pagmura nito.


Ang nangyari ay mas lalong nagpagalit sa kanya. Kinuha niya ang pagkakataong iyon na samantalahin ang pagkakakubabaw niya kay Levi. Itinaas niya ang kamao at malakas itong sinuntok sa mukha. Muli niyang inambaan ito ng suntok pero mabilis ang naging reflexes ng lalaki. Nailagan nito ang kanyang kamao.


"Awww!" anito. "Stop it! And get off me!"


"Ginagalit mo ako eh! Magsorry ka muna." Muli niyang itinaas ang kamao. Nahawakan iyon ni Levi.


"I said stop it! Papatulan na talaga kita."


Pero hindi niya ito pinakinggan. Nakawala ang kanyang braso at inundayan niya ito ng suntok. Sa pagkakataong iyon ay muling nasalo ni Levi ang kamay niya. Nagpumiglas siya. Nagpambuno sila hanggang sa magkapalit sila ng posisyon. Levi was already over her.


"Ano? Hindi ka pa titigil?!" galit nitong tanong. Dahil malakas ito ay tumigil siya sa pagpumiglas. Tila ba siya napagod ng ganoon kabilis.


Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya at saka tumayo. Ang akala niya ay aalis na ito pero nagulat siya sa susunod nitong ginawa. Inilahad sa nito sa kanya ang kamay nito. Hindi niya iyon tinanggap dahil sa galit. Basta na lang siyang tumayo.


"Follow me." narinig niyang wika ni Levi na hindi pa umaalis. Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ito.

"Ok, I admit. Ako nga ang gumawa ng mantsa diyan sa blouse mo dahil walang ibang tao dito at ako lang naman ang may hawak na kape. But don't expect me to say sorry. Aksidente ang lahat."


Imposible naman ito! Paanong hindi nito naramdaman ang pagbangga nito sa kanya? Aangal pa sana siya pero naunahan siya ng lalaki.


"Sundan mo ako. Maghahanap tayo ng pamalit mo diyan sa suot mo."


Ayaw man niya ay wala na siyang nagawa. Kailangan niyang magpalit dahil marumi talaga ang natapunan ng kape. Walang kibong sumunod siya rito.


Nakarating sila sa locker room ng basketball players. Pinaupo siya ng lalaki sa mahabang bangko na naroroon. "Sit there. Maghahanap ako ng maari mong isuot."


Pinanood niya itong buksan ang hinala niyang locker nito. Napansin niya ang pagngiwi nito ng ulo saka hinugot ang isa nitong jersey shirt. "Iyan lang ang meron ako. Gamit na pala ang isa kong shirt."

Mabilis nitong ibinato sa kanya ang jersey saka ininguso ang isang cubicle. "Magpalit ka na doon. Hintayin kita dito. And make it faster."


Nanginginig siyang tumayo at pumasok sa sinabi nitong cubicle. She closed the door. Inamoy niya muna ang jersey. In fairness, mabango. Hinubad niya ang kanyang blouse. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang namumula niyang balat dahil sa kape. Pagkatapos ay isinuot niya ang damit ni Levi.


Malaki sa kanya ang jersey. Pero wala naman siyang choice. Kaysa pagtiyagaan niya ang marumi at malaglit niyang blouse. Kumalahati sa hita niya ang laylayan ng jersey. At napakaluwang ng damit. Gusto niyang pagtawanan ang sarili.


Lumabas siya ng cubicle. Nadatnan niya si Levi na tila naiinip. Napatingin ito sa kanya nang mapansing nakalabas na siya. Napansin niya ang tawang pinipilit nitong itago. Tumayo ito. "Tara na, may kailangan pa akong puntahan."


Tahimik siyang sumunod sa lalaki. Nilingon siya ni Levi at talagang nakita niyang tahimik itong tumatawa. Siya ba ang pinagtatawanan nito? "Siguraduhin mong ibalik iyan dahil yan ang gagamitin namin sa finals next week."


Tumango siya bago sila maghiwalay ng landas. Nawala na ang balak niyang kumuha sana ng mga litrato. Nagpasya siyang pumunta muna sa library. Doon na lang niya hihintayin ang susunod niyang klase.


Sa kanyang gulat ay napapatingin ang lahat ng mga estudyante na napadaan at nakakasalubong sa kanya. Ang ibang mga babae ay mukhang galit. Ang iba naman ay mukhang naiinggit.


Saka niya nalaman ang dahilan. May malaki palang nakasulat sa likod ng suot niyang jersey. 'SULLIVAN' ang tatak. At malamang iniisip ng iba na sila na ni Levi dahil suot niya ang jersey nito.

So lame. Kung meron talaga siyang shirt na extra ay nuncang gagamitin niya ang jersey na ito!

Exclusively Yours, LeviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon