MaRyana ang loob ni Banang kay Rex. Hindi pa kasi nito ibinababa ang parusang ipinataw sa kanya. Buong akala niya noong pumunta siya sa opisina nito ay magiging maayos na ang lahat. Kung bakit kasi napakatabil ng kanyang dila. Ayun tuloy, biglang nag-iba ng isip ang boss pogi niya.
Nacurious lang naman siya noong tinanong niya rito kung mahal pa nito si Yanyan. Maganda naman ang intensiyon niya noong nagtanong siya. Hindi naman niya alam na may kinikimkim pala na something sa kaloob-looban nitong si Rex. Ayun, sa sandali ding iyon ay bigla nitong sinabing baka maextend pa ang isang buwan niya sa department nina Dana. She walked out from his office at that very moment.
That happened three days ago pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakamove on. Mabuti na lang at tinawagan siya kahapon ni Patring. Magkikita daw silang magkakaibigan ngayon. Mahigit isang buwan na rin kasi silang hindi nagkita buti naman at naisipan ng mga itong magpakita sa kanya. Sakto namang nagkataon sa pagiging down niya kaya willing na willing siyang makipagkita sa mga ito.
Pero parang hindi naman siya sisiputin ng mga walang-hiya. Mag-iisang oras na siya sa restaurant na tagpuan nila pero wala pa ring dumarating. Ilang beses na ring bumalik ang waiter para tanungin ang order niya. Dahil na rin sa kahihiyan ay napilitan siyang umorder ng kape. Nakalahati na rin niya ang naturang inumin but her friends did not appear yet. Gusto na niyang umalis.
She was about to bill out when she felt somebody from her behind. Niyakap siya nito ng mahigpit. Sa kanyang pagkabigla ay inabot niya ng patalikod ang buhok nito at hinila iyon.
"Aray!" natatawang wika ni Cara bago siya pakawalan at naupo sa kanyang tabi. "Oh my gosh! I really missed you friendship!"
"You are almost one hour late." matabang niyang sagot.
Cara gave her a pout. Natutuwa naman siyang pagmasdan ito. She was wearing eyeglasses that almost covered her face. Her hair tangled in a messy way. She wears a worn out jeans and an oversized shirt. "Hindi ka pa rin magbabago Savs."
"Hoy! Ang drama nito. Alam niyo namang hindi ko rin kayo matitiis. Pero sana naman nagsuot ka ng damit na at least presentable sa amin. You look like a mess."
"Grabe ka talaga. Ito na ang presentable na Cara." reklamo nito na sinagot niya lang ng tawa. Of course, she is still presentable and sexy sa suot nito. Cara is in Computer Science. "Anyway, I am so proud of you. Ang tapang mo talaga babae. I saw your latest work. You amazed me as always."
Muling nagbalik ang sentimiyento niya sa kanyang boss nang marinig niya ang sinabi ni Cara. Buti na lang at biglang dumating si Dodong kaya medyo nawaglit sa kanyang isip ang mga hinanakit niya sa buhay.
As usual, Dodong looks amazing. Gamit na naman nito amg damit na sarili nitong design. Their friend is now a stylist. Stylist ito ng maraming mga sikat na mga artista sa bansa. Pagkatapos nitong ipagmayabang sa kanila kung paano nito nagawa ang designs ng suot nito ay siya namang pagdating ni Patring. She is wearing a sexy dress and she's with somebody. Siyempre ang somebodyng iyon ay si Ryan. Her ever loving boyfriend.
Pagkatapos ng mga batian at pahapyaw na mga kumustahan ay tinawag nila ang waiter at nag-order na sila ng makakain. Ang itsura ni Cara ang sunod na pinansin nila. Of course, hindi ito nakaligtas sa mga mapanuring pagkatao ni Dodong. Katakut-takot na sermon at maraming mga fashion tips ang natanggap ni Cara mula sa beki nilang kaibigan.
"Ewan ko ba kasi sa iyo Cara." wika ni Patring na tila nandidiri sa itsura ni Cara. Well, natural lang na ganoon ang reaksiyon ng kanilang kaibigan dahil isa na itong modelo ngayon. In fact, Patring is an international model. "Hindi ka naman ganyan dati. You look like a geek."
"Oo nga eh." pananakay niya sa sinabi ni Patring. "Hindi ka na natatakot na iwanan ka ni Pacoy sa pagiging ganyan mo."
This time, Ryan interrupted them. "Don't be so mean to Cara. Kaya nga naging ganyan yan dahil walang pakialam si Pacoy kung anuman ang itsura niya. Pacoy loves her very much."
"Thanks buddy!" appreciative naman na wika ni Cara kay Ryan. Binigyan pa niya ito ng mahinang suntok sa balikat. "Ngayon alam niyo na kung bakit ako ganito." Napatingin ito sa entrance ng restaurant at biglang natigilan.
"Enough of me guys." Cara uttered without removing her eyes from the restaurant's entrance. "Bakit hindi sila ang pag-usapan natin. The great Yuki and the amazing Levi just entered the restaurant. And they are coming this way."
Itinaas ni Cara ang kamay nito at kumaway. Lahat sila ay napalingon. Banang stiffened suddenly. Totoo ngang paparating sa kanilang kinaroroonan sina Levi at Yuki. Yuki is clinging to Levi like there's somebody who is trying to snatch the man from her.
Si Ryan ang unang tumayo at binati ang dalawang bagong dating. "It is nice to see the both of you here."
"The feeling is mutual." masayang wika ni Yuki. "You have a great company here."
Narinig niyang tumikhim si Levi. Wala pang isang segundo ay narinig niya itong nagsalita. "Yuki, this lady here is Ryan's girlfriend. She's Patring."
Tinapik ni Yuki si Levi sabay tawa. "Of course, I knew her honey. She's an acquaintance. Madalas kaming nagkikita sa mga party ng mga taga industry. Hello Patring. And I knew Dodie also. He was one of my best stylists. Hi Dodie as well."
Tumingin sa kanila ni Cara si Yuki. Napansin niya ang pagkunot-noo nito. Mabilis namang umagapay si Levi. "By the way, this nice and beautiful lady here is Cara. You know Pacoy right? She's her girlfriend."
Mabilis na lumapit si Yuki kay Cara at bumeso. "It is nice to finally meet the mysterious girl of Pacoy."
Tumugon si Cara ng matamis na ngiti. "Same here Yuki."
"And this one here." sabi ni Levi na dumako ang tingin sa kanya. "She is Savannah." Natigilan ito at napatingin sa kanya na tila inaasahan siyang magpatuloy ng pagpapakilala. Maybe, Levi has no knowledge about her. Napansin niya rin na tila naghihintay si Yuki ng kanyang sasabihin.
Napangiti na lang siya. "Well, I work as a photographer in Prairie. It is very great to meet you Yuki. Anyway, I love your shows."
"Thank you Savannah." Yuki replied. Lumapit din ito at bumeso sa kanya gaya ng ginawa nito kay Cara. "I remember you. Kasama ka ni Dana na nagcover ng birthday ko right?"
Nanlaki ang mga mata niya. Naaalala pa pala siya nito. "Of course!" she replied sounding as if she was really amazed.
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours, Levi
HumorLevi Sullivan is mean, insensitive and brute human being who likes to play with every girl's feelings. Savannah Ismael is a fighter who hates the likes of Levi. They hated each other. They branded each other as enemies. Pero paano kung totoo ang kas...